Tag: Tula
-
Walang Pamagat
Ikaw Ang tinig Na naririnig Kapag ang mundo’y nangingimi Ikaw Ang katahimikan Na nangingibabaw Sa mundong magulo at puno ng digmaan Ikaw Ang ilaw Na s’yang tanglaw Sa gabi ng kadiliman Ikaw Ikaw na nand’yan Kapag ako’y sumusuko na Kapag lahat ng laban Ay natalo na Ikaw ang nagsasabing Tama na…
-
Indak
Sa saliw ng musika At ihip ng malamig na hangin Sa mainit na gabi Dala ng walang katapusang tag-araw Ako ay nahuhumaling Sa aliw na hatid Ng kumpas ng iyong malakandilang kamay At pagikot ng katawan. Paraluman ng pag-indak, Anghel na nagdala sa akin ng galak. Ang tunog ng tambol Ng musika ng kalikasan, Ng mga dahon at kuliglig,…
-
Nandito Ako
Nandito ako Sa lugar kung saan Mo ako iniwan Kahit alam kong Hindi mo na babalikan Nandito ako Sa kasuluk-sulukan Ng kwarto Kung saan Walang mapagtaguan Dahil bawat bagay Sulok at litrato Anino at multo Ay pawang mga Alaala mo Na nakikita ko Kahit magtalukbong pa’t Magtago sa ilalim ng kumot Nandito…
-
Bulaklak na Lila
Sa aking hardin, naroon Ang mga bulaklak na lila Ito’y walang katulad Dito lang makikita Sa paglipas ng panahon Aming napag-alaman Ang naturang bulaklak Ay gamot pala Gamot sa isang Malalang sakit Kung tawagi’y kanser, May kanser ang lipunan Tinipon ko ang mga ugat Nilaga at tinimpla Ito’y para sa mga lolo…
-
Kapeng Barako
Halos hindi mainom Hindi lang dahil sa init Kundi dahil din Sa taglay na pait Asukal at gatas Kaunti pa Hanggang sa makuha Ang tamang timpla Hanggang sa kaya na Hanggang masanay na Hanggang ang pait Ay parang tamis na Hanggang sa kalaunan Ay ayaw mo na Dagdagan pa Ng gatas at…
-
Naglalaro Ang Mga Salita Sa Isip Ko
Naglalaro ang mga salita sa isip ko Na tulad mong ayaw lubayan ang diwa ko At ng mga ngiti mong nagmarka sa alaala ko Na nakikita ko mula pagpikit hanggang pagdilat ko Naglalaro ang mga salita sa isip ko Na parang binaril ako sa ulo At ikaw ang balang napadpad sa sintido Ilang operasyon…
-
Para kay B
Ito ay para kay B Pero di ito Kwento ni Ricky Lee Para ito sa paulit-ulit Nating sinasabi Tinatanong At dinidibdib Bigo. Basag. Bakit? Itatanong mo Sa sarili mo Makailang ulit Hanggang makapito Kasalanan ko ba? Anong nagawa ko? Nagkulang ba ako? Anong meron siya, Na wala ako? Itatanong mo…
-
Katanghaliang Tapat
Manipis Halos mabutas na Ang swelas ng tsinelas Na hindi malaman Kung kailan pa Unang napigtas Maliwanag Mata’y nasisilaw Noong halos kumunot na Paningi’y halos magdilim na Sa gutom at pagod Na laging iniinda Pawisan Ang katawang Di kailanman Nakaranas ng sarap Ang pahinga Ay saan maapuhap Kalyo sa palad, sakong…
-
Kuya! Kuya! Part 2
Kuya! Kuya! Na drayber ng bus Wag na magsakay pa Puno na eh! Ungas! Wala na ngang maupuan, Wala pang matayuan! Kuya! Kuya! Na nasa’king tagiliran Pwede ba? pwede ba? Braso mo’y wag ilagpas Sinisiko na nga kita Di mo ba nadarama? Kuya! Kuya! Na nasa’king likuran Feel na feel mo ba…
-
Kuya! Kuya!
Kuya! Kuya! Wag ka nang sumiksik pa! Hindi mo ba nakikita? Ang tren ay puno na! Kuya! Kuya! Pwede ba umusod ka! Hindi na ko makahinga Ang sikip sikip na! Kuya! Kuya! Wag ka na lumapit pa Di ako makahinga Dahil sa iyong hininga Kuya! Kuya! Bawang at sibuyas, namapak ka ba?…
-
Ulan
Ulan. Taon-taon kitang inaabangan. Taon-taon ka rin naman dumarating Pero dumarating ka lang kung kailan mo maibigan At kung kailan mo maibigan ay dun ko lang nararamdaman Na kahit malayo ako ay parang malapit din Na kahit sa disyerto man ay may ulan din Ulan. Taon-taon kitang inaabangan. Pero madalang mo lang ako pagbigyan…
-
Nakakapagod Na
Nakakapagod na ang paulit-ulit Na paggising sa umaga At pagpasok sa opisina Para magpayaman ng iba Nakakapagod na ang paulit-ulit na pagsusumamo At paulit-ulit na pagsunod Sa patakarang lagi lamang para sa kanila At hindi para sa iyo Nakakapagod na ang paulit-ulit Na pagkaubos ng oras At mga sandali Na lagi ay para…