A Letter to My 20 Year Old Self

Hello, it’s me.

June 6, 2016 na. For sure gustong-gusto mong makita kung nasaan ka na ngayon, kung ano na ang trabaho mo at kung may asawa ka na. Palagi kang ganyan. Nag-iisip ng mga ‘ano kaya?’ Lalo na pagdating sa lablayp. Dakilang NBSB ka kasi hanggang makatapos ka ng college. Pero wag ka mainip. Isa-isa ko sa iyong ikukwento.

Sa panahon mo (June 6, 2006) alam kong masayang-masaya ka dahil sa wakas ay nakatapos ka na ng pag-aaral. Nabawasan na ang isa sa mga kalbaryo nila ermats at erpats. Kahit napakaliit ng tuition mo, ang gastos mo kaya sa pamasahe, 180 kada araw.

Alam ko kung ano ang bumabagabag sa iyo ngayon. Inaantay mo yung tawag ng agency kung kailan ka aalis papuntang Dubai. Wag kang mag-alala. After 3 months makakaalis ka din. At wag ka mainip kasi magtatagal ka do’n eh. Enjoyin mo muna yung mga panahong nandiyan ka at kapiling sila.

Bago ka pa man makaalis ng Pilipinas, sasabihin mo sa sarili mo na 2 years ka lang sa Dubai tapos uuwi ka na. Pero di mangyayari ‘yan. Kasi after a year mo sa kumpanya eh magreresign ka na. Ang bangis mo nga eh. Alam mo bang ikaw ang kauna-unahan sa company niyo na magreresign bago pa matapos ang kontrata? Kasi takot silang lahat magbreach ng kontrata at pag ginawa mo ito, hindi ka makakahanap ng ibang trabaho dahil hindi ka daw makakakuha ng visa.

Pero makulit kang bata ka. Magreresign ka dahil makakahanap ka ng ibang trabaho. Aayaw ka sa kumpanya niyo kasi ayaw sa iyo ng manager mo na Egyptian. Engot kasi ang tingin niya sa iyo. Aakalain niyang wala kang alam kasi sobrang mahiyain ka. Sasama ang loob mo pag nalaman mo iyon. Pero bukod pa do’n, gusto mo na umalis kasi wala ka natututunan. Isa pa, hindi naman sa mangmamaliit ka ng mga magiging kasama mo pero makikita mo yung sitwasyon nila. Dahil takot silang magresign, matetengga na sila sa kumpanyang iyon ng limang taon o higit pa dahil akala nila wala na silang iba pang makukuhang trabaho. Sasabihin mo sa sarili mo na di ka gagaya sa kanila. Na nagsimula ka man sa pagiging waitress, di ka aabutin ng edad na trenta na waitress pa rin. Di ka kamo tutulad sa kanila. At magagawa mo nga.

Ang tapang mong bata. Lahat sila matatakot para sa iyo. Pero yung iba naman na ituturing mong kaibigan ay mariringgan mo pa ng, ‘tingnan natin kung makakalusot si Isay. Bahala siya pag napauwi siya ng di oras. Pero pag nakalusot siya, saka tayo gumaya.’

Sorry sila dahil makakalusot ka. At para kang leader ng rebolusyon. Lahat sila magsusunuran dahil makikita nilang magiging maganda ang resulta ng mga pinaggagawa mo.

Gaganda ang kalagayan mo sa pangalawa mong kumpanya. Kung engot ang tingin sa iyo ng mga managers mo sa unang kumpanya mo, sa susunod naman ay makikita nila ang tunay na kakayahan mo. At ganito rin ang magiging lagay mo sa mga sumunod pang kumpanyang mapapasukan mo. Magiging maayos ang career mo at matutupad mo yung pangako mo sa sarili na hindi ka aabot sa edad na trenta na waitress pa rin.

Pero minsan halos masira ang career mo dahil sa pag-ibig, malalaman mo ‘yan paglipas ng panahon. Isang gabi ay makikita mo ang sarili mong umiiyak magdamag sa loob ng kwarto mo, na nasa 31st floor nung building. Wag kang mag-alala, hindi ka magbabalak tumalon. Yun yung gabing sasabihin niyang, ‘It’s not you. It’s me. At saka may 3rd party na.’ Yun yung gabing andami mong gustong itanong, tulad ng ‘di mo ba ako minahal,’ o kaya eh ‘anong meron siya na wala ako? o kaya eh ‘naging tayo lang ba dahil convenient para sa iyo?’

Hindi siya aalis kahit palabasin mo na siya ng pinto at sasabihin niyang sampalin mo siya or suntukin para makaganti ka man lang pero hindi mo gagawin. Dahan-dahan mo lang siyang ihahatid palabas ng pinto kaya siguro lalo siyang maguiguilty. Yayakapin ka pa niya sa huling pagkakataon at titingnan at saka pa lang lalabas ng pinto ng bahay mo.

Hindi siya ang una mong pag-ibig pero ang relasyon mo sa kaniya ang pinakamasakit sa lahat. Pero nakakatawa ka dahil magiging magkaibigan kayong muli matapos ang ilang taon dahil mapagpatawad ka. Ilang beses mong ipagdadasal na siya na sana ang makatuluyan mo pero hindi mangyayari iyon dahil may iba palang nakalaan para sa iyo.

Medyo masakit siya sa bangs – yung destiny mo – paminsan-minsan, pero hindi ka naman niya paiiyakin. Siya nga pala, magbabago ka ng pananaw pagdating sa pagpili ng magiging asawa. Kung noon napakarami mong standards, darating sa punto na ang gusto mo na lang sa makakatuluyan mo ay yung taong kasundo mo. Yung tatahimik lang kapag kailangan mo ng katahimikan at yung tatawa pag nagpapatawa ka. Kung nagtataka ka at bakit yan lang ang magiging basehan mo sa pagpili ng mapapangasawa, maiisip mo kasi na ang pag-aasawa ay pakikisama sa isang tao hanggang sa iyong pagtanda. Kaya napakaimportante na magkasundo kayo. Importanteng kasundo mo yung taong makakasama mo sa inaraw-araw ng buhay mo hanggang sa pag-atake ng rayuma mo.

Pero wag kang mag-alala, yung standards nating dalawa pagdating sa crush ay hindi magbabago. Relax. Sila pa rin ang crush natin kahit antipatikong Atenista yung isa. [maisingit lang talaga yung kalandiang crush]

 

View this post on Instagram

Bagay naman dba? Hehe

A post shared by Steve Badiola (@stevebadiola) on

 

Siya nga pala, matatawa ka sa sarili mo sa mga personal issues na pinaglalaban mo sa panahon mo. Lagi mong iniisip kung magkakaboyfriend ka ba dahil di ka ligawin. National issue din sa iyo ang kulay ng iyong balat at ang iyong itsura. Sa dami ng mapagdadaanan mo, pagtatawanan mo yung mga dating national issue mo sa buhay.

Ang theme song ng buhay mo ngayon ay Ironic. Kasi sa dinami-dami ng mga inaayawan mo sa buhay, doon ka pa napupunta. Dati sabi mo ay hinding hindi ka magtatrabaho sa opisina dahil makakatulog ka lang. Mas gusto mo sa hotel operations. Pero nung matikman mong maging admin, nag-enjoy ka na.

Inaayaw-ayawan mo ang Sales & Marketing Department pero dun ka ngayon mapupunta. Parang nung college days mo lang. Halos ibagsak mo na nga yung accounting subject mo, sa Accounts department ka naman naassign nung nag OJT ka.

Hate na hate mo rin ang essay writing noon pero heto ka ngayon nagsusulat ng mahahabang sanaysay.

Kung sa panahon mo ay nag-aantay kang makaalis papuntang Dubai, ngayon naman ay nag-aantay na lang ako ng ilang araw para makaalis na ng Dubai.

Ang masasabi ko lang, wag kang magmadali. Wag ka ring makulit at wag kang magtitiwala agad sa mga taong nagpapakilalang kaibigan. Di mo kailangan ng marami. Kailangan mo lang ng iilan na mapagkakatiwalaan mo.

Siya nga pala. Natatawa ako. Alam mo ba kung ano babaunin mo papunta dito? Isang kwadernong may mga kanta at may mga cocktail recipes. Saka yung mga sulat sa iyo ng mga bffs mo bago ka umalis at yung mga comments ni Mario sa mga sinulat mong kanta nung college na pinarinig mo sa kaniya at hiningian mo ng feedback. Dated 2006 lahat. Siguro ito yung maiisip mong makakatulong sa iyo para maibsan ang lungkot mo pagdating mo dito. Natawa ako dun sa mga kanta, may chords pa, wala ka namang dadalhing gitara.

Pero ayun nga, enjoy life. Don’t be too hard on yourself. At wag mo ding pasanin ang daigdig dahil bukas luluhod din ang mga tala.

20160531_200012_resized_1

Ang Karimarimarim na Kalagayan ng mga OFW na Natatanggal sa Trabaho at Kung Paano Nila Ito Hinaharap

Haba ng title. Pang Thesis no?

Paano ko ba sisimulan ang Thesis kong ito?

Ok, sisimulan ko na lang sa isang babala. Mahaba ito. Kung wapakels ka sa isusulat ko, pwes lumayas ka sa pamamahay blog ko. Pero kung trip mo naman basahin ito, I suggest kumuha ka ng popcorn at softdrinks at irereimburse ko na lang yung pinambili mo niyan pag yumaman nako.

So, ang thesis post na ito ay tungkol sa isang OFW na mawawalan na ng trabaho in four and a half months time. At ang OFW na yun ay walang iba kung hindi ako.

Ako.

Tama. Ako nga. LOL.

Masakit. Mas masakit pa kesa sa panonood ng A Second Chance. Pero hindi naman siya mas sasakit pa kaysa sa pagkakabangga ng hinliliit ng paa mo sa paanan ng lamesa.

Paano ko nga ba talaga ito sisimulan? O baka ang mas tamang tanong ay – Kung paano ba ako magsisimulang muli?

Para sa mga nakilala ko na dito ng personal, hello Jai, wag  mag-alala dahil kahit nakakadepress ang mga pangyayari ay hindi naman ako tatalon mula sa ika isandaan at dalawampu’t apat na palapag ng Burj Khalifa. Sayang ang natitira ko pang kaunting kagandahan LOL. (Jai, kelan pa ba mangyayari ang 2nd Dubai Jologs Bloggers Meet Up sa Juice World?)

 

At The Top
Hayan nasa 124th floor ako niyan ng Burj Khalifa. Oo, ako nga yan. Pagbigyan niyo na. Minsan ko lang ipapakita sa public ang itsura ko. Di na mauulit ha ha. 

Ayun na nga. Mahirap isipin na mawawalan na ako ng trabaho at mahirap din itong sabihin kaya isusulat ko na lang. Ang totoo ay hindi ko pa to sinasabi kila ermats at erpats kaya wag kayong maingay. Close friends ko pa lang ang nakakaalam at syempre ang hubby ko. At syempre, kayo. LOL. (nakakailang LOL na ko).

Sa siyam na taon kong pamamalagi dito sa Dubai eh limang kumpanya na ang napasukan ko pero ngayon ko lang na experience ang ma-layoff kaya doble ang sakit. Usually, ako ang nagreresign kapag nakakahanap ako ng greener pasteur.

Siguro naman, hindi na lingid sa inyong kaalaman ang recession, hindi lang dito kundi sa iba pang mga bansa. Dami kasing kaganapan eh. Malamang din, hindi lang ako ang OFW na mariringgan niyo ng ganito. Last year pa ay marami ng maliliit na kumpanya ang nagsarado ng kanilang mga pinto, at ngayon kahit malalaking kumpanya ay nagbabawas na din ng tao. May ilang kaibigan na din akong sinabihan na ng mga kumpanya nila kung hanggang kailang na lang sila kayang paswelduhin. Kaya para sa mga nagnanais  makipagsapalaran dito sa Dubai, hindi ito ang best time, unless may trabaho na kayo antimano pagdating niyo dito.

Kung naalala niyo ang drama ko tungkol sa napurnada kong Vienna sausage trip, isa na ito sa mga dahilan non. Sayang yung mga trench coat at boots at scarf ko.

Kung napansin niyo din na mula Nobyembre ay panay na ang pagpopost ko at nababanas na kayo sa araw-araw kong pagpopost, may paProject-Project 366 kabalbalan pa akong nalalaman, ito rin ang dahilan non.

Kung akala niyo ay marami lang talaga akong oras para mag post araw-araw, mali iyon. Marami lang akong ninanakaw na oras. Hindi na kasi ako makapagfocus sa ginagawa ko sa office at tinatamad na ako. Sino pa ba ang sisipaging magtrabaho kung alam mong aalisin ka na din diba? Kundangan naman kasi. Four pieces na nga lang kaming staff dito sa Middle East office namin, tsutsugihin pa kami.

Anyway, ayun nga. Kaya nagpopost na lang ako palagi kasi dito lang ako pwedeng magdrama araw-araw na walang maiinis sa’kin at minsan ay may nakakaapreciate pa ng mga madadrama kong sinusulat. O diba? Kesa naman araw-araw akong magdrama sa asawa ko o kaya sa mga friends ko, edi dito na lang. Random lang ang makakabasa.

So ano na nga ba ang gagawin ko? May mga panahong para akong hilong talelong na kahit alam na alam ko kung ano ang dapat na gawin ko ay parang natutulala ako at nagtatanong sa kalawakan kung ano ba ang dapat na gawin ko.

Siyempre kailangan kong maghanap ng trabaho ulit. Ganun naman talaga. Kaso minsan sa kaka emote ko, parang gusto kong umuwi muna at magpahinga. Pero mabilis maubos ang anda pag nasa Pinas ka. At siyempre hindi rin pwedeng ganon. Alangan maging pabigat pa ko kila ermats diba? Sa tanda ko nang ‘to? Ang totoo, 2 months na nga akong di nakakapagpadala kasi maraming mga hindi inaasahang gastos. Buti na lang, yung bunso na lang namin ang nag-aaral at may pinagkukunan din naman sila ermats ng pangsuporta sa daily gastos nila at may trabaho na rin naman ang dalawang kapatid kong matitinding gin-geener. Kailangan talagang isingit to? Syempre ha ha. Hindi kumpletos rekados ang buhay ng mga OFW kung walang ganyang drama LOL.

So, ayun lesson learned. (1) Walang permanente. (2) Wag kampante. (3) Wag maarte.

At ngayon, imbes na nag-aapply ako ay papost-post pa ako dito. Pero who knows? Baka may isang mambabasa dito na mayaman. Kunin niyo na kong Virtual Personal Julalay niyo kaso ay di ko kayo maipagtitimpla ng kape online. Mura lang po ang serbisyo ko. O kaya baka nga merong gustong magpagawa ng thesis o case study tungkol sa mga OFW na tulad ko aba, chance na ito. Joke.

Pero ‘yon. Kidding aside, pasensya na kung araw-araw akong nagpopost. Just ignore kung nagsasawa ka na. Pasensya  na at kailangan ko lang talaga. Hindi pa pala ganon katibay ang baga ko eh.

At kung nabasa mo pa ito hanggang dito sa kadulu-duluhang drama, salamat. At kung gumastos ka for popcorn and softdrinks, irereimburse ko talaga ‘yan pag yumaman ako. 😛

And, ayun, hindi ko ugaling sabihin ito pero, bahala na si Batman.

Bahala na si batman
image: memegenerator.net

Looking Through The Glass Window

Dubai Rain

I was awaken today by a loud bang. It was the external wooden window. Pushed by the strong wind.

It wasn’t too bright and it’s not dark either. I looked at the clock and it says 9:30 am. I looked through the glass window. It was raining. What a surprise! It seldom rains in January as it seldom rains in Dubai.

Dubai rain usually comes by November or December when winter kicks in. The first rain of the year came too early. But who can say what? Who can predict what? Like us, the climate changes too.

People usually associate the weather with their feelings. Rainy days are often associated with sadness and pain. Maybe because in most of the romantic films, we often see lovers separating ways, crying and hurting and then comes the rain.

For some, the rain is a blessing from the sky, specially in the UAE when the rain comes only twice or thrice a year. I’ve heard of old stories of Arabs jumping out of their cars to dance in the middle of the road when the rain pours. In my nine years in Dubai, I have not seen such a scene. But who knows?

Some people just regard the rain as the best weather to sleep all day and with all honesty,  this sounds like a good plan.

So many emotions are triggered by the rain.

But, what if we look at things from a different perspective? What if we are to be a rain drop? The tiny drops that makes up the rain that showers us with those different emotions. How would we feel? How would it feel to be a rain drop?

Could it be liberating to be a rain drop? Could it mean freedom whenever it rains? Freedom from being held in the cloud for so long a time.  Freedom from anything. Once out of the dark cloud, it will feel like an endless slide.

A free fall.

Sometimes, like a cloud, we hold up so much of stress, pain, secrets or anger. But instead of a cloud, can’t we just be like a rain drop?

Maybe we should. Sometimes. Free to fall. Free from all the burden, pain and agony that we’ve held up for so long.

Try to be a rain drop once in a while and just let it all go. Let the wind take you to wherever till you drop on the ground and kiss the earth or join the lake, the river or the sea.

***

Hello 2016! Hello Project 366!

Day 2: Project 366 | A poem on Unrequited Love

Day 3: Project 366 | What’s the weather like where you are? How do you feel about it?

Looking Back

While everyone’s posting their Year End reviews provided by WP, I thought I’d post a self-review, a summary of (maybe not the best but) my favorite posts. Posts that did not gain thousands of views or likes or comments (duh, exagg… ) but are closest to my heart (drama, drama, drama).

But – To post or not to post? This idea could be lame. (What’s wrong with my head? Why am I hesitating now? Argh)

My blogger-friends would be like – Duh? I’ve read this before. Why is she re-posting everything again? 

And they will be like – Ok I’ll just like it – and scroll down to see better posts.

And I’m like……

Whether they like this or not, it’s New Year. They’ll forgive me. I’ll…ammm…post this anyway. 

So here we go. My favorite 2015 posts 🙂

Your Purpose in Life

An attempt to be a life counselor to a friend.

The Choices We Have to Make

A post about a friend’s misfortunes.

Walk Me Home

An attempt to write something about love.

Tunay Ka Bang Malaya

An independence day post.

Biyaheng Cubao

Somehow a memoir.

Life Continues at 30

A birthday post.

Waiting for the Bus, Waiting for the Right Time

Patience is a virtue post.

How Do We Define the Word “Baduy”

An attempt to define several standards set by society.

Flower in the Night

My one and only attempt to poetry.

Sheikh Zayed Mosque – Abu Dhabi 

Trying to be a photographer.

Bastakiah, Bur Dubai

Trying to be a photographer part 2.

Finding Your Lost Self In a Sea of Strangers

Some realizations. Humility. Finding yourself.

Hopes are like Hair Ornaments

Some realizations again and my cancelled trip to Vienna (still crying a river, but already moving on)

Exchange Gifts

Some realizations once more.

 

Looking back at these posts, I was like – Geez. I’m not a useless blabbermouth after all 🙂

But seriously, this is a good exercise. Reading your own posts once more reminds you of that certain feeling that you had while writing. It also tells you how good or bad you were as a writer and what else could you do to improve. Doing this motivated me as well, somehow, to write more non-idiotic posts.

And before everyone gets busy preparing their Media Noche(s), I’m wishing you all a Happy New Year! God Bless!

Exchange Gifts

I was raised a Christian but we never celebrated Christmas. For us, December 25 is just another ordinary day. Its not like we don’t celebrate the day that Christ was born. We just believe that it should be celebrated everyday rather than on a date that isn’t stated in the bible.

So I grew up not participating in Christmas parties, not buying gifts, nor exchanging them.

However, over the last few years I started attending Christmas parties not because its Christmas but because that’s the time when  friends gather and have fun. As an expat in Dubai where you have very few relatives and your friends become your family, attending parties like this feels like family gatherings more than anything else.

We were (me and my husband)  invited into two gatherings on the 24th. One is  engrande, and the other is a  much intimate one.

The first party we were invited to was organized by a family, friends of my husband. It was a gathering for 25 people with complete programe, games, singing and dancing and exchanging gifts. We decided to attend this party first since it was supposed to start at 7:30pm. But until we left at 9:30pm, there’s just 5 of us in the venue. We left as we had to attend another one and since there was an exchange gift, we just left the gifts and asked my husband’s friend to just bring along what’s for us.

Later on, I received a gift from someone named Jessica. Someone I have not even met.

A Victoria’s secret gift set.

Victoria's Secret

I did not understand the whole concept of inviting 25 people who don’t even know each other to attend the same party, let alone ask them to exchange gifts with one another. Maybe this is their form of socializing, meeting new people and making new friends and I was just too anti-social (like everyone says so) or maybe because I am not used to attending parties so I felt strange.

I’ve heard that the hosts invited several non-Filipinos to the party. One, who is of a totally different culture who never have heard about Christmas in his entire life, bought a candle for a gift worth 3 Dirhams when the exchange gift was for anything worth at least 50 Dirhams. The person who received the candle commented “anu ba yan, di pa nga ako patay binibigyan na ako ng kandila” (what is this, I am not dead yet but they are already giving me candles). We should really have written down our wish list, at least then we’ll know what to receive.

The exchange gift didn’t really make sense to me.

Exchange gift is accepting and thanking for what you have received, not demanding for what you want. It’s not about compensating the amount you spend for giving something, but for making the person feel glad. – from Anne’s recent post on Exchange Gifts

We headed to the 2nd gathering held at our friend’s house. There was just 7 of us. After having a light dinner, we played Uno,  played the guitar, sang 90s OPM songs and had few beers and kapeng barako afterwards (what a combination ha ha). We did exchange some gifts and it was fun.

They gave me plain white mugs because they know I’ll draw on them. Someone received a coffee tray because her hands always trembled while bringing cups from the kitchen. Someone received table mats that suits her wooden table.

These are simple things, not even expensive ones, but makes you feel that you are really remembered.

On the 25th, I received another gift from a friend. A pillow case set. When I thanked her she said “pasensya na, yan lang ang nakayanan” (sorry, that’s all I can afford).

Really, why say sorry for giving  a pillow case set?

Sometimes it is difficult to choose and buy a gift to a person who (you feel) has everything already. Or who can buy whatever she/he needs. Or who only buys expensive things. And yes sometimes you’ll think that they might just throw your gift as they can buy better ones anyway.

Yes, its true that they might just set your gift aside as they may not like it  but the fact that you made an effort and you’ve let them know that they were remembered is what they’ll appreciate.

Christmas is the season of giving but let us not forget that we can always give a gift to anyone at any given time. It does not have to be on Christmas.  The least the person expects a gift, the more he/she gets surprised. The more the effort is appreciated.

Let us also remember that our main reason for giving a gift shouldn’t be because we need to but because we want to.

 

That Burning Urge to Write

Writing Inspiration

 

There are times when we wanted to write but instead of typing, we just stare blankly into the screen. Writer’s block, they say? Look who’s talking here. How would I experience this so called writer’s block if I’m not even a writer 😛

Two days ago, I felt like dying a slow death by cough ambush. I had colds too and slight fever. This weather change hit my lungs so bad as well as my stupidity to dive in the ice cold water at the beach, lie wet on the sand and sleep like that while the cold wind blew hard.

The ambush continued on for days and nights, not letting me sleep until one day I realized that I had to visit the pharmacy and get some meds.

That night, I had a dose of cough syrup, cold tablets and fever reducing tablets.  I expected that I would doze off after a few minutes. But I didn’t. I wasn’t able to.

I closed my eyes only to find my mind wandering off. Wide awake. And kicking.

I took my pen and notebook and wrote off all that ran through my then hyperactive brain cells before anything slips away. I wrote everything that my right hand could before that burning desire cools down and turns into cold gray ashes.

It felt great.

Blame it on the meds. Or maybe, say thank you to the meds. It had done me right.

***

The weather changes. So do we.

Friday Junkies

Friday Junkies – Story 1

I love Friday mornings because there’s no morning rush, no traffic, no whatever. It’s because Friday is a non-working day in Dubai. The whole city is still sleeping after the late night Thursday party.

I guess, only our office is open on Fridays in Dubai (because we report to our Head Office in Singapore, we need to follow their weekdays and weekends).  There are only 5 living souls in this 12 story building where our office is located. Mine, my boss, my 2 colleagues and the security guard. A complete zombieland.

So I’m surrounded by three health conscious people (that word – surrounded – as if I’m talking about a battalion), who eats salad, veggies and fruits for lunch while I eat all the high Cs (carbo & calories) – rice, pasta, noodles and bread. After a while, I started eating healthy stuff as well, though I still take my daily dose of Cs otherwise, I’ll end up in  Carbo-holics Anonymous.

On Fridays, I try to convince them to cheat hence came the term Friday Junkies. For some reasons, we only cheat on Fridays.

Friday Junkies – Story 2

I saw this somewhere. This cute GIF thingy. I thought I want to try it. I wanted to post something with this. And now that this GIF thingy is here, it looks stupid on my blog.

It looks so cute, alright? But it just doesn’t fit my blog. It just doesn’t fit me. I felt like a rock chic trying to wear a tutu or something.

Seriously.

Friday Junkies

This post is literally a junky. Something you’d immediately drag into your junk mail. Forgive me.

Life Continues at 30

Hello! Hello! Hello!

Heto na naman. Dumating na naman ang araw kung saan nadadagdagan ang edad at wrinkles natin.

Tatlong dekada na pala akong namamalagi sa mundong ito.

Pinangalandakan pa talaga?

Ayus lang. Hindi ko pa din ma gets kung bakit nahihiya yung iba na sabihin ang kanilang edad, wala naman akong nakikitang dapat ikahiya. After all, it’s just a number, ika nga.

Ano nga ba ang pakiramdam pag umabot ka na sa edad na treinta? Parang wala namang kakaiba. Siguro sa pisikal na aspeto, may nagbago. Tulad na lang ng patuloy na paglabo ng aking mga mata at ang pagsuko ng aking katawan sa mabibigat na trabaho  tulad ng pagsasalok at pagbubuhat ng mga baldeng Boysen paints kumpara nung ako ay nasa early 20s pa lang. Siguro ito yung mga maliliit na pagbabago na dala ng pagtanda. Normal lang naman yan. Pero bukod sa paglabo ng mga mata at kaunting pagsakit ng kasukasuan, aba ganun pa din naman ang aking pakiramdam.

Young at heart pa rin naman!

Nanonood pa din ng anime, nakikipagsingitan pa sa mga bata sa Arcades, Punks Not Dead pa rin minsan kung manamit, kinikilig pa din sa mga pang teenager na Korean Novelas, takot pa din sa mumu (haha) at parang bata pa ding pwedeng bigyan ng ice cream para mapatahan sa pag-iyak (OA ata tong huli? he he).

Kidding aside, siguro dala na din ng pagtanda ay ang pagdalas ng pagmumuni-muni. Hindi naman nasayang ang tatlong dekada ko sa mundo na wala akong naranasan at natutunan. Kaya heto, heto ang ilan sa aking napagisip-isipan.

  1. Malaki ang kaibahan ng matanda sa mature.
  2. Hindi masamang  ipakita ang kahinaan paminsan minsan. Hindi masamang yumuko sa hampas ng hangin kung hindi mo na kaya. Mas lalo kang nagmamatigas, mas madali kang mababali.
  3. Tinigilan ko na ang pagtatanong ng what if at what could have been. Sa ngayon mas gusto ko nang itanong sa sarili ko ang mga what else or what more could I do.
  4. Maraming tao kang makikilala na makapagbabago sa lahat ng mga pinaniniwalaan mo.
  5. May mga taong dadaan lang sa buhay mo pero hindi magtatagal. Magiiwan lang ba ng marka? Kung nagiging tattoo lang ang mga markang  ito, makulay na siguro ng balat ko.
  6. Ginusto kong maging si Darna dahil gusto kong maging bayani. Pero na realize ko na hindi ko kailangang maging si Darna para maging bayani.
  7. Sabi ng nanay ko, noong bata pa ako ay hindi niya ako hinahayaang humawak kung saan-saan. Hindi naman dahil sa dumi, kundi napakahigpit ko daw kung makahawak. Nadala ko na yata ang ganitong ugali, kung makahawak mahigpit. Pero may mga tao at bagay  na parang kahoy. Pag hinawakan mo, yung iba ay makinis at safe haplusin. Yung iba naman ay magaspang at nakakasugat habang yung iba ay nakakasaluksok. Bumabaon sa palad ang maliliit na parte ng kahoy na kay sakit tanggalin. Mas higpitan at tagalan mo pa ang hawak, lalong sumasakit, lalong lumalalim ang saluksok. May mga tao o bagay na mas lalo mong pinaghahawakan, lalo ka lang masusugatan.
  8. May mga pangarap na sadyang hindi mo na kaya pang abutin pero mananatili ito sa iyong puso na parang unang pagibig. Masakit dahil alam mong hindi na talaga pwede pero mapapangiti ka tuwing maalala mo. 
  9. Ang pagtupad sa iyong pangarap ay parang pakikipagtanan sa kasintahang pinagbabawal. Dapat handa kang iwan ang lahat kung gusto mong sundin ang nasa ng iyong puso.
  10. Maraming bagay kang kinatatakutan na makakayanan mong i-overcome kapag mag-isa ka na lang at alam mong wala kang matatakbuhan.
  11. Ang pagibig ay dumarating sa tamang oras at panahon.
  12. Pag ako ay depressed, iniisip kong mas marami pang ibang bagay na kadepress depress sa mundo kaysa sa problema ko nang sa ganon ay mabawas-bawasan ang bigat na dinadala ko.
  13. Kapag lumalapit sa akin ang mga kaibigan kong heart broken at iniwan ng mga jowa, isang payo lang ang binibigay ko at tumitigil na sila sa pag-iyak. Tantanan mo na ang kakaiyak mo dahil sa manlolokong ‘yan. Maraming bata sa Africa at sa buong mundo ang namamatay dahil walang makain. At hindi na bumabalik sakin ang mga kaibigan ko para manghingi pa ng payo.
  14. Kapag lumalaki ang ulo ko at feeling ko ang galing-galing ko na, naghahanap ako ng ibang taong mas magaling pa kaysa sa akin at hinahamak ko (ng kaunti) ang aking sarili. Una, para manatili akong nakatungtong sa lupa at pangalawa ay maging inspirasyon ko para pag-igihan ko pa.
  15. May mga taong parang isang sikat na sikat na kanta na paulit ulit na pinapatugtog sa radyo. Paulit ulit mong maririnig sa iyong puso at isipan, paulit-ulit mong kakantahin. Pero gaya ng sikat na kanta, naluluma din ito at hindi maglalaon ay hindi na maririnig pang pinapatugtog sa radyo. Pero ang awiting ito na minsa’y namayagpag sa iyong puso at isip ay hindi na namawawala pa kailanman at kahit gaano na ito kaluma, kapag narinig mong ulit ay magbabalik sa iyo ang alaalang inukit nito na parang ito’y nangyari kahapon lang.
  16. May mga tao, bagay o pangyayaring dadaan sa’yo na parang isang bagyo’t iiwan kang basang-basa, nilalamig at gulong-gulo. Pero nananalanta man ang bagyo, hindi naman ito nagtatagal.
  17. Kailan man ay hindi naging fair ang mundo kaya wag ka nang umasa.
  18. May mga problemang hindi alak ang katapat dahil hindi sa lahat ng panahon, solusyon ang paglimot. Minsan kape lang ang kailangan mo para magising ka at makapag-isip ng klaro.
  19. Madaming bagay sa mundong ito na mahirap unawain.
  20. Umibig ng wagas na parang wala ng bukas.
  21. Amerika ang may kasalanan ng lahat ng World War.
  22. Maraming babae ang tanga at marami ding lalakeng gago and vice versa.
  23. Kung meron man akong palaging ipinapanalangin sa taas, iyon ay bigyan lang ako ng sapat. Wag akong bigyan ng sobra para ako ay hindi makalimot, at wag din akong bigyan ng kulang para ako ay hindi magdamdam.
  24. May mga bagay tayong inaasam-asam buong buhay natin. Pero pag nakuha na natin ito, ang pakiramdam ay tulad ng pakiramdam ni Fermina Daza nung makita na niya si Florentino Ariza matapos ang mahabang panahon ng pananabik.  Disillusioned.
  25. Dala ng kabataan o minsan ng kamangmangan ang kapusukan. Matutong kumalma at maghintay.
  26. Tayo ay mga manlalakbay lamang. At ang lagi kong hiling ay sana makapag-iwan ako ng magagandang alaala sa bawat madadaanan ko sa kalsadang aking binabagtas.
  27. Mabilis akong magtiwala. Ang problema, hindi lahat ay pwede pagkatiwalaan.
  28. May taong tumanda na lang ay hanap pa din ng hanap ng kanilang Purpose in Life. Kung ano ka ngayon, iyan na ang silbi mo sa mundo.
  29. Kahit gaano ka na katanda at kadunong ay makakagawa ka pa din ng pagkakamali. Pero kahit gaano ka pa katanda, pwede ka pa ding magsisi at magbago.
  30. Hindi Niya tayo kinakalimutan kaya huwag na huwag ding tayong makakalimot.

 

*Birthday ko buong Oktubre 🙂

Bakit Kailangang Puso ay Masaktan

Ang sakit ng ulo ko.

Ang init kasi. Nakakainis yung mga Briton. Binabalita pang may heatwave sa kanila eh anak ng teteng 32 degrees celsius lang pala. UK, please be our guest. Mag-Dubai kaya kayo para makaranas kayo ng 48 degrees.

image by dubaiunveiled.files.wordpress.com

Anyway, medyo nananahimik ako dito dahil nangangapitbahay ako sa Pinoysite. Saka ginawan ko ng schedule ang sarili ko. Dapat kako every Wednesday lang ako magbubukas ng WordPress at tatawagin ko itong WordPress Wednesday (tulad ng Laundry Sunday, Ironing Monday atbp)   pero di ako nakatiis. Nangati ang kamay ko na mag log-in kahit Tuesday pa lang dahil sa kakulitan ni M.I.C.H.A.E.L.A. na binuko ang aking tunay na identity sa blog niya grrrr at dahil nagpapa shout out ang isang  chika babe na nakasalubong ko dito sa tabi-tabi at finollow ko na din. Siya si Aislinnpaula. Kayhirap bigkasin ng pangalan aysos. Anyway, kontakin niyo siya kung gusto niyo ng New York French Fries. Syempre corny joke yan.

Ayon, wala akong masyadong matinong maipopost dahil super late na, masakit pa ulo ko…feeling ko natusta sa init ng panahon saka sa init ng blower at plantsa  dahil nagparebond ako. Saka hindi masarap yung palabok na kinain ko kagabi dun sa Pinoy resto. Kaasar. Saka naimbyerna ako sa opisina ni JunJun Binay sa Makati City Hall saka dun sa comment ni Kris Aquino kay Maria Ozawa na nalilink daw sa kapatid niya. Tae Lang. Mambato kayo ng tinapay pero minsan masarap mambato ng bintana para mabasag.

So see yah blog peeps! Pag nagkalaman na ulit yung sabaw.

Eto muna ang bagong kantang aking natuklasan, pamparelax.

Not Pretty Enough – Kasey Chambers

I do not own the video. KTNXBYE.

200th post

Ang alak daw  habang tumatagal lalong sumasarap.

Hindi ako alak.

At hindi rin ako masarap.

Isa lang akong sabaw na umiinit at lumalamig, at iniinit muli. Mas madaming beses nainit, mas  matapang ang lasa. Mas matagal isinalang sa apoy, mas malapot ang kaldo.

Salamat sa mga nakihigop upang mapawi ang gutom ng kumakalam at nilalamig na sikmura.

Salamat sa mga nagbuhos ng sabaw sa kanilang kanin hanggang sa ito ay umapaw.

 

Sabaw! Sabaw kayo riyan!

 

image by all-free-download.com