Pinakanagustuhan ko sa dating bandang Sugarfree ay yung mga simpleng lyrics nila pero tagos sa puso nung nakikinig.
Itong dalawang kanta nila ay akma sa panahon. Sabi ko hindi na’ko magdadrama eh pero heto na naman ako. 😀
Anyway, itong kantang Tulog Na ay parang lullaby talaga sa’kin lalo pa pag pinapanood ko yung video na mga nakapajama pa sila. Pag pinapakinggan ko ‘to kahit na noon pag pinapatugtog to sa mga patok na jeep na sinasakyan ko nung college pag pauwi na’ko galing Cubao, para ba akong narerelaks at hinehele ng lyrics at para bang nawawala ang aking mga alalahanin, assignment man ito o pamasahe 😀 Pag pinapakinggan ko ito, para bang somewhere, sa kalawakan may nakatingin sa’kin at nagbabantay at nagsasabing wag ka mag-alala, andito lang ako.
Tulog na mahal ko Nandito lang akong bahala sa iyo Sige na, tulog na muna Tulog na mahal ko At baka bukas ngingiti ka sa wakas At sabay natin haharapin ang mundo
Eto namang Cuida, ansarap kantahin para sa mga mahal sa buhay. Yung habang tinitingnan ko sila naiisip ko na gusto ko silang protektahan laban sa masasamang elemento ng kalawakan, gusto ko lang silang maging masaya at akuin lahat ng problema nila. In short, gusto kong maging bayani. Oo, minsan feeling ko ako si Darna, kahit hindi ako kasing seksi ni Darna 😀
Kung pag-aari ko lang ang lumbay Itatago ko siya habang buhay Wala nang inggit, wala nang galit Paliligayahin kita bawat saglit
Minsan iniisip ko pa din, pano kaya kung naging DJ nga talaga ako? Kung naging DJ na lang ako at hindi naging isang hindi dakilang OFW? Kung sinunod ko ang sigaw ng puso ko kesa sigaw ng pangangailangan namin?
Maghapon lang siguro akong nagpaplay ng magagandang kanta, tinatawagan ng mga listeners para magrequest ng kanta. Nagkukwento tungkol sa mga musikero at mga kanta.
Kung naging DJ kaya ako Aysabaw pa din kaya ang pangalan ko? Baka hindi. Baka mas seksi o mas maangas na pangalan ang pipiliin ko. Baka Alex dahil yun ang palayaw ko nung highschool. Yun ang tawag sakin ng barkada eh, barkadang 8 pieces lang naman. Mas maangas yung Alex kesa sa Aysabaw.
Ano kaya? Ano kaya? Ano kaya?
Ewan ko. Ewan ko. Ewan ko.
Rubbish post.
Heto na nga lang ang kanta ni Eggboy ~ Nagsasawa Ka Na Ba
May mga awiting hindi ko nakakalimutan dahil sa taglay nitong kakaibang liriko. Ang mga awiting ibabahagi ko ay maaaring narinig niyo na, maaaring hindi pa pero ibabahagi ko pa rin. Minsan hindi ko na din naiintindihan kung para kanino o para saan yung kanta pero pinapakinggan ko pa rin dahil naaliw ako sa lyrics.
Pamatay na Lyrics #1
Para sa mga lalakeng ayaw panindigan ang mga pinaggagagawa
Pano na Yan by Sunflower Daycamp
Anong nangyari sa nabili kong pregnancy kit Jan sa kahera sa my Mercury?
Negative Whooah Negative Whooah Nega-negative
Ang saya-saya ha! Ang saya-saya ko talaga haahh! Talaga ah!!!
video: Jan Jaim
Pamatay na Lyrics #2
Hindi ko alam kung mahilig din bang maluto sila Jay Contreras kaya’t gumawa ng kanta para sa pagluto ng Turon o ito lang ang paborito nilang meryenda kapag nagjajamming
Turon by Kamikazee
Kumuha ng saba Balatan mo ng maige Hiwain sa gitna Sa pamamagitan ng kutsilyo Ipatong sa pambalot Ilagay sa bandang dulo
Huwag kalimutan ang langka Irolyo ng maayos Hanggang sa kabilang dulo Ikaw na ang bahala kung nakabukas o selyado
Pakuluin mo ang mantika Sa naglalagablab/ malalaim na kawali Isunod mo ang asukal Hintayin itong matunaw Kapag itoy nagyari Ilusong na ang saging Haluin dahan dahan Hanggang itoy maging medyo brown Iahon mo na (yeah!) nasusunog!
lyrics: lyricsmode
video : grecko abesamis
Pamatay na Lyrics # 3
Pamatay na video na rin. Di ko ma gets kung bakit gusto ng Tanya Markova na mukha silang espasol sa mga video nila pero trip nila yan kaya wala akong pakialam.
Linda Blair by Tanya Markova
Teacher, teacher ako si Linda Blair And the ghosts are everywhere I can feel it in the air I can feel it in the air
video : MCA Music, Inc
Pamatay na Lyrics # 4
Well, lahat naman ng kanta ng Radioactive Sago Project ay may pamatay na lyrics pero ito ang napupusuan ko for now.
Mr. Pogi in Space by Radioactive Sago Project
Alam mo Mr pogi ang galing2x mo talaga. Dapat kang gawing pambansang bayani
Dapat kang maging MVP. Best Actor, Speaker of the House, President of the Republic, Leader of the free world
To Be Near You by Viktoria was released either in 2005 or 2006. This is one of those songs I’d like to listen to before I sleep or when I hold my coffee cup, lean on the window sill and look at outer space on Sunday afternoons.
I was listening to this song yesterday and it just got stuck in my head, so…
I have always thought that this is a love song but lately I realized that this song might have been made for fangirls and stalkers because of these lines:
Am I truly hopeless Am I being pathetic Are you even aware of my existence
I thought I wanted to join Kat’s Music Mondays but my post is just too lame. So nevermind huhu.
Ang Pinoy Music industry ay isang maalong paglalakbay para sa mga musikero. Patibayan ng baga para manatiling nakalutang. Patibayan ng resistensya para di mapagod sa paglangoy.
Noong 2015, dalawang batikang banda ang namaalam, Urbandub at Kamikazee. Sa kaso nila na nagtagal sa industriya, malamang ay personal choice na nila ang paghihiwalay.
Pero maraming mga banda na lumutang pero mabilis na tinangay ng agos. Nagdala ng alon saglit sabay nanahimik.
Noong 2006 ay kasagsagan ng pagsusulputan ng mga banda. Napaka “healthy” daw ng Music Scene noon. Halos lahat ng music genre ay nakalusot na sa mainstream. Parang kabuteng nagsulputan ang mga banda. Yung iba nanatili, yung iba agad ding nawala.
Isa ang Maryzark sa mga bandang napanood at nakilala ko noon. Nakadaupang palad ko pa sila sa isang mall sa Maynila. Pero mula noong ako ay nangibang bansa ay wala na akong masyadong narinig pa tungkol sa kanila.
Pero bago matapos ang 2015 ay para silang nabuhay na mag-uli.
Malamang, marami sa inyo ang hindi nakarinig o hindi nakakakilala sa kanila lalo na kung hindi kayo nakikinig masyado ng alternative rock. Ilan sa kanilang mga awitin ang Kai, Hindi Na at Huli.
videos by erik jan ortega, manhidz85’s channel, m3waydrama
Noong wala pang facebook at twitter, ang means ng pag-uusap ng mga miyembro ng banda at ng kanilang fans ay yahoogroups(halata kung sino ang matanda?). At doon namin madalas makakulitan si Ice, ang bokalista ng Maryzark. Kami Sila daw yung mga Maryans.
Maalala man ako ni Ice o hindi, masaya ako at nagbalik na silang muli sa industriya. At sana magtagumpay sila sa pagrerelease ng bagong album na ginagawa nila. At sana rin minsa’y pa makadaupang palad ko sila.
So, may bagong pinagkakaguluhan at paulit-ulit na lumalabas sa newsfeed kong video. Ito ay ang video ng bandang Nairud sa Wabad na may napakagandang rendisyon ng napakagandang kanta (to infinity and beyond) ng UDD na Tadhana.
So (ulit), nung pinindot ko na ang play button…eh may karapatan naman pala silang magpakalat-kalat sa newsfeed ko.
Tuwang tuwa ako sa banda nila dahil bukod sa ang ganda nga ng rendisyon nila ng Tadhana ay naaliw ako sa pangalan ng banda nila.
Tama ba ang hinala ko na ang Nairud sa Bawad ay binaliktad na Durian sa Dabaw (Davao)? Ang kulit lang.
At isa pang nakakatuwa ay napansin ko sa hulihan ng video na ito na nagsisisihan pa sila dahil ang taas ng kuha sa kanta. Ang kulit lang ulit.
Yun lang. Good vibes. Eto fb page ng Nairud sa Wabad kung trip niyong dalawin. At ang youtube video naman ay pagaari ng isang taong nagngangalang Gian Enrique.