Thousand Years

Nanaginip ako kagabi.
May lalake daw na tumutugtog ng piano..at ito ang piyesang tinugtog nya…at dahil panaginip ko iyon at feelingera ako…kinanta ko daw ang Thousand Years..tahaha…asa.
At dahil dyan ay agad kong hinanap ang Thousand Years sa youtube para pakinggan ito ang bumantad sa akin – ang piano/cello version na ito na maghapon ko nang pinakinggan dito sa opisina.

Ang gandang theme song para sa kasal..tahaha…feeling Bella at Edward….

Flashback – Foolish Heart

“Foolish Heart” is a rock song written by Steve Perry, formerly of the band Journey and Randy Goodrum, and was performed by Perry from his first solo album, Street Talk. It was released as the fourth single from the album in November 1984 and peaked at number 18 on the Billboard Hot 100 and number two on the Adult Contemporary chart in February 1985. (from Wikipedia)

Wala lungsss ^___^ Last Song Syndrome
Flashback Tuesday ito…..

May isa na namang namaalam

Narinig ko na nagpapaalam ka na.

Naghanap ako ng patunay at natagpuan ko ang hinahanap ko. Ang iyong liham pamamaalam.
Ang iyong liham ay katulad na Ktulad ng iyong mga kanta. Damang dama ng mambabasa ang bigat na nararamdaman ng sumulat nito.

Sa loob ng mahabang panahon, minahal ka namin. Naiintinidihan kita.Kailangang nasa puso mo ang iyong ginagawa para maging matagumpay. At ang iyong nadama nung tumingin ka sa malawak na karagatan ay katulad ng nararamdaman ng isang mandirigma na nabibigatan na sa kanyang espada. Ito na ang hangganan. Isa na namang kawalan. Ngunit gaya ng sabi mo, hindi na kayo mawawala dahil buhay kami at ang inyong mga awitin na patuloy naming papakinggan.

Umaasa kami sa i(n)yong pagbabalik.

So long and goodnight.

Halik by Kamikazee

Sa mga nakibasa at naki emote sa ikalawang yugto ng Pag-ibig na Hindi, (may Pag-ibig na Hindi part 1 pero walang OST eh) eto ang acoustic version ng Halik ng Kamikazee ang Official Sound track ng  ikalawang parte ng mini series ko. (Naks! Nag-oofficial sound track? Feeler)

Sa mga nakakaalam ng kantang to, jamming na.

Sa mga hindi nakikinig or hindi mahilig sa mga maiingay na banda, just try to listen. Acoustic version na ang nilagay ko para hindi kayo maingayan. Try and you’ll appreciate their music.

Hindi ako promoter ng Kamikazee (although paborito ko sila) he he, gusto ko lang itong kanta.

Long live OPM \m/

Sunday Post : Wonderful

There’s one song and one photo that came into my mind when I saw this Sunday Post : Wonderful, and here it is:

 

What a Wonderful World

 

What a Wonderful World by Louie Armstrong

I see trees of green…….. red roses too
I see em bloom….. for me and for you
And I think to myself…. what a wonderful world.

I see skies of blue….. clouds of white
Bright blessed days….dark sacred nights
And I think to myself …..what a wonderful world.

The colors of a rainbow…..so pretty ..in the sky
Are also on the faces…..of people ..going by
I see friends shaking hands…..sayin.. how do you do
They’re really sayin……i love you.

I hear babies cry…… I watch them grow
They’ll learn much more…..than I’ll never know
And I think to myself …..what a wonderful world

The colors of a rainbow…..so pretty ..in the sky
Are there on the faces…..of people ..going by
I see friends shaking hands…..sayin.. how do you do
They’re really sayin…*spoken*(I ….love….you).

I hear babies cry…… I watch them grow
*spoken*(you know their gonna learn
A whole lot more than I’ll never know)
And I think to myself …..what a wonderful world
Yes I think to myself …….what a wonderful world.

Weekly Writing Challenge: And Now For Something Completely Different

As this week’s challenge wants us to move outside our thinking boxes, I have thought of mixing up things I haven’t done before. My entry is a short story, a bit of fiction and true to life experience, a funny and childish way of storytelling and sketches rather than photos. I know that I am not a very good artist, ha ha but I liked the drawings. I thought that I would like to go back to pre school and draw some more of this. 🙂

For the reader: while reading this, please imagine that the story was being narrated by Gru ( from Despicable Me) with his accent (I think it is Spanish), like when he was narrating the story of the 3 Little Kittens. 🙂

So the story goes like this:

 

The Story of the Isolated Girl

Once upon a time in a land far far away, there was an isolated girl named Tanya. She was a very brilliant and talented girl but she was so different from all the other girls from the neighborhood that’s why she was always left behind.

While all the other girls were pretty in pink, Tanya was always in shirts and in jeans.

All the other girls go mad on their shopping sprees, cocktails and parties;

 

she would just sit in the park and strum her guitar or sit in a coffee shop and read and write.

 

None of the girls wanted to be her friend, and so sometimes she cries out of loneliness.

One starry starry night, she was humming her melody while looking at the stars from her window.

The music that she made was so beautiful yet so lonely that’s why it reached the Fairy Rock Land. Out of curiousity, one of the Fairy Rock Land entities rushed out to planet Earth to meet this girl who creates lovely music.  A Fairy Rock Mother appeared before Tanya and told her to make a wish and she will grant it. Tanya immediately said

I only have one wish, to reach out to people through the music that I make.

And so the Fairy Rock Mother waved her wand and suddenly disappeared.

On a blink of an eye, Tanya found herself singing on a stage in front of a huge crowd, singing and playing her guitar.

She saw all the other girls in the neighborhood singing her songs waving at her, taking a photo of her and taking video of her performance.

And from then on, Tanya lived playing her music happily ever after.

Story Challenge : “Letter M”

The “M” Challenge

Miles Away

Living in the world far from my own. Living in the world miles away from home.

I see birds flying and free. I can see the ocean, but I can’t see up to where will it be.

Living in this world full of treasures and dreams, I embrace the warmth and feel the blue breeze.

Measure your dreams, treasure your memories. Laugh out your failures and smile at your miseries.

Listen to the music and create your own.

Live to love and live to be loved.

Miles away from you I found another world.

A smaller map of mystery that I can call mine.

It’s all about love concert (Side A, Callalily and K Brosas)

Oo, nagconcert nga dito ang Side A sa Dubai kasama ang Calallily at si K Brosas nung September 7.  Bihira ang mga gantong concert sa Dubai na pinupuntahan ko. Depende sa kombinasyon ng mga performers.

Hindi ko masyadong nakahiligan ang musika ng Callalily kasi sa totoo lang, tatlong kanta lang nila ang alam ko. Isa pa, bago pa lang sila noon nung lumipad na ko papunta dito kaya hindi ko sila masyadong nasubaybayan. Si K Brosas naman…hindi ako big fan pero pinapanood ko din naman dahil nakakaaliw. At syempre ang Side A, batas na yan sa larangan ng musikang pinoy at walang pinoy ang hindi makakaalam ng mga kanta nila.

Nung una, parang pinag isipan ko pa kung pupunta ako. For sure kasi, dadagsa ang mga kabayan dito sa Dubai “of all types and ages”. Mas gusto kong nagpupunta sa mga rock concerts kasi alam ko kung anong uri ng crowd ang nandon ( I’m not refering to the guys na nangugulo). And if you are a rock fan, you will know what I mean. Mas gusto ko din ang mga concerts na walang seating arrangements kasi feeling ko mas masaya yon at makakalapit pa ko sa stage. Pero dahil  nakabili na din ako ng ticket, hindi ko na lang inisip ang mga “factors to be considered” ko when attending concerts or gigs (inarte lang).

Sinabihan kami ng organizer na 9pm ang start ng show kaya nag desisyon kaming pumunta ng alas syete ng gabi. Pagdating namin don ay halos puno na ang VIP at regular seats (VIP ticket ang binili ko). First come first serve basis at kahit na alam namin yon, hindi namin akalain na alas sais pa lang eh magdadagsaan na ang mga audience.  Nainis ako kasi masyado ng malayo sa entablado ang pwesto namin. Wala kaming nagawa kundi mag pa upgrade ng VVIP kaya medyo nakalapit kami. Pagpasok ko pa lang din, napa – hay na lang ako sa nakita ko. Hindi ako sanay magpunta sa mga concert na may mga audience na naka long dress. Feeling ko sa musical play sila pupunta at hindi sa rock concert.

Unang nagperform ang Callalily. Natuwa ako sa performance nila, kahit na tatlong kanta lang talaga nila ang alam ko. Nag cover din sila ng isang kanta ng Eraserheads at yung One of Us ni Joan Ozborne. Naka tweet ko si Tatsi bago sila pumunta dito, pero sa kasamaang palad, nginitian nya lang ako nung nakalapit ako sa entablado.  Nag enjoy ako sa performance nila at nakakalungkot lang at hindi ko natupad ang aking sinabi kay Tatsi na ililibre ko sya ng Shawarma 🙂

Sumunod na nagperform si K. Nakakaaliw sya talaga. (Ang haba ng description ko sa performance nya).

At ang pinakaaabangan ng lahat ay walang iba, syempre ang Side A.

Noong nasa Pilipinas ako ay hindi ko nagawang mapanood ang Side A ng live. Kahit pa man kasi noong bata ako ay sikat na sikat na sila pero wala pa naman talaga akong pambayad sa ticket para makapunta sa mga gigs at concert nila. Napapanood ko lang sila sa mga TV guestings nila at napapakinggan sa radyo. Ni wala din akong pambili ng cd o tape man lang nila.

Andaming mga alaala ang nagbalik nung nagsimula na silang kumanta. Natuwa ako sa naalala ko nung kinanta nila ung Tell Me. Naalala ko nung estudyante pa lang ako. Mahilig akong makinig ng radyo noon. At noong mga panahong iyon, ang aking radyo ay maliit at isang tape lang ang pwede ilagay. De baterya din yon kaya kahit brown out pwede. Nabili din yun ng mama ko sa halagang 200 pesos lang.

Kapag naririnig ko ang kantang Tell Me, lungkot na lungkot ako. Ramdam na ramdam ko yung lungkot ng kanta na tipo bang matindi ang pinagdaanan kong heartache. Pero NBSB naman ako noon (aray). Gustong gusto ko din (sana) tugtugin yan noon, pero D-A-G-A palang ata ang alam kong chords ng gitara. Wala pa kaming internet sa bahay noon at hindi ko pa alam na may ultimate-guitar.com pala (kung meron na ba nung panahon na yon). At yung gitara ko pa noon at nylon pa ang kwerdas at wala sa tono dahil hindi ako marunong magtono, at wala sa magulang ko ang marunong tumugtog.

Naalala ko ang pangangarap namin na magkaroon ng acoustic duo ng matalik kong kaibigan nung high school. At nakalinya sa mga nais naming tugtugin ay ang mga kanta ng Side A. Pero nang kami ay makapagkolehiyo at magkahiwalay na, nawala na ang aming mga pangarap. Nagsimula na din akong makinig sa iba’t ibang uri ng musika noon at unti unti kong naalis ang mga “love songs” mula sa aking play list.

Umabot ako sa panahong ito na mas madalas nakikinig ng mga maiingay na tugtugin. Ngunit ganun pa man, ang paggalang sa iba’t ibang klase ng tugtugin at musikang gawa ng mga nagnanais lamang ipahayag ang kanilang nasa kalooban ay nariyan pa rin. Sa totoo lang, ang makarinig ulet ng live music tulad ng mga awitin ng Side A ay nakakapagpalambot ng puso at nakakapagpabalik ng napakaraming alaala. Hindi ko man maikwento lahat, sa susunod na siguro na mga bolgs.

Gaya nga ng nasabi ko na kanina, batas na sila sa larangan ng musika. At siguro halos lahat ng musikerong Pinoy ay nais sundan ang yapak ng bandang ito. At para sa tulad ko, na isa ring musikera (o nagpapanggap lang) taas noo sa lahat ng mga gumagawa ng magagandang himig at liriko. At sana din, ako man ay makagawa din ng sarili kong musika na maibabahagi ko sa lahat.

Sana may sense ang sinulat ko 🙂 hehe