Hang Over

Kasalanan ito ni Kuya Keso. Oo Kuya kung mababasa mo ito, may hang over ako sa nakakakilig mong proposal. Kaya tuloy lahat ng mapakinggan kong kanta feeling ko naiinlab ako haha. (Well naghanap lang ako ng masisisi)

Para kay Patz Bautista, in case mababasa mo ito ang galing galing mo. Araw araw kong ginawang radyo yung soundcloud profile mo nung hindi ko pa natutuklasan ang youtube account mo. Salamat sa musika 🙂

Masilungan

Sabado ng umaga at ang gising ay alas nwebe na. Bago pa magtimpla ng kape at kumain ng pandesal na nanigas na sa lamig ay pipihitin muna yung radyo.

Tutulala muna habang nagkakape at nakikinig sa radyo. Maya maya pa ay kakapain kung may muta pa o panis na laway at kung wala ay didiretso na sa poso. Wag munang sahurin ang unang mga tubig na lalabas dito dahil makalawang pa. Ilang timbang boysen paints ang kelangan kong isalin para mapuno ang washing machine. Ilang scoop ng sabon din para bumula.

Matapos isalang sa washing machine na hindi matic ay pipigain ko ang mga damit at ilalagay sa palangganang aluminum na may mga pinutol na gomang tsinelas sa ilalim na dinikit ng epoxy. Kukuskusin ulit ng pisnet yung mga damit lalo na yung mga pinutian. Lalagyan ng clorox yung mga may mantsa. Dalawang beses babanlawan yung mga damit at kelangan matapos ang paglalaba sa katanghalian para mataas ang araw at mainit yung hangin, mabilis matutuyo ang mga damit.

Namumuti at nagkandalambot na balat sa kamay at paa, babad sa tubig at sabon. Basang short at laylayan ng tshirt.

Makapananghalian na at makaligo na din. Kanin lang ang meron kaya bibili muna sa karinderia ng tortang talong at manghihingi ng libreng sabaw.

Ilang oras pa ng mainit na na hangin ay nagdilim na ang ulap at kailangan ng isilong ang mga sinampay. Baka pa mabasa at maulit ang paglalaba. Di na napigilan yung ulan buti na lang tuyo na yung mga nilabhan.

Malakas na buhos ng ulan tapos maya maya pa ay hangin at ambon na lang. Maya maya ulit ay lalakas na naman ito. Parang tinangay lang ng hangin papunta dito kaya saglit lang at nawala na ulit. Pero madilim pa din ang ulap.

Malakas pa din ang hangin pero paambon ambon na lang. Mainit pa din kahit hapon na. Makabili na nga ng spanish bread at softdrinks at makapagmeryenda na.

Pipihiting muli ang radyo.

*mga naalala nung marinig ang kanta

Your Song

Masaya ang araw na ito, hindi dahil ito ay araw ng mga puso kundi dahil:

1. Nilibre ako ni Boss ng Club Sandwich for Lunch at kape sa starbaks
1.1. Pumapag ibig din ang starbaks

Mocha

2. Dahil Valentines, uuwi si Boss ng maaga kaya nangangahulugang dapat umuwi na din ako (pagtapos kong ipost ito 😛 )

3. Haha. Masaya ako at nagpapasalamat sa isang ka blog na palihim akong kinontak. Natuwa tuloy ako.

4. Dahil walang pag-asa na makapanood pa ako ng UP Fair, pinapakinggan ko na lang din ang mga kanta (OPM) na nirecord ko kahit nasisintunado.

At dahil dyan, ibabahagi ko na lang din ang paborito kong kanta ng Parokya.

https://soundcloud.com/ay-sa-baw/your-song

5. PS. May nagbigay pala sa akin ng rosas na pula kahapon, yung katrabaho kong babae. Lahat kami binigyan nya ng pulang rosas. Isa syang matamis na empleyado.

rosas

Happy Balentayms to all 🙂

Ako’y Sayo at Tensionado

Ibinabahagi ko lamang ang isa sa mga video na nagawa namin noon ng aking kaibigang si Joan. Sa lahat ng mga kinanta namin nung nagjajamming kami ay ito ang paborito ko hehe.

Tinawag namin ang aming duo na The AngryBirds dahil noo’y kasagsagan pa ng aming paglalaro ng AngryBirds at tumitigil lang kapag kami ay tutugtog na – sa bahay hehe.

Well, teka parang paborito ko din ito. Swabe ata hehe….haaaay #FebIbig

Fall For You

https://soundcloud.com/ay-sa-baw/fall-for-you-cover

Pagpasensyahan nyo na po ang aking munting handog at medyo nawawala ata sa tono. I thank you. Happy Sunday! 🙂

Fall For You
by Second Hand Serenade

The best thing ’bout tonight’s that we’re not fighting
Could it be that we have been this way before?
I know you don’t think that I am trying
I know you’re wearing thin down to the core

But hold your breath
Because tonight will be the night
That I will fall for you over again
Don’t make me change my mind

Or I won’t live to see another day
I swear it’s true
Because a girl like you is impossible to find
You’re impossible to find

This is not what I intended
I always swore to you I’d never fall apart
You always thought that I was stronger
I may have failed, but I have loved you from the start

Oh, but hold your breath
Because tonight will be the night
That I will fall for you over again
Don’t make me change my mind

Or I won’t live to see another day
I swear it’s true
Because a girl like you is impossible to find
It’s impossible

So breathe in so deep
Breathe me in, I’m yours to keep
And hold on to your words ’cause talk is cheap
And remember me tonight when you’re asleep

Because tonight will be the night
That I will fall for you over again
Don’t make me change my mind!

Or I won’t live to see another day
I swear it’s true
Because a girl like you is impossible to find

Tonight will be the night
That I will fall for you over again
Don’t make me change my mind

by lyricsmode.com

Without You by Anne Curtis and Martin Nievera

Natutuwa ako kay Anne. Iba talaga ang nagagawa ng may pera. (I’m saying this on a positive note ^_^) I mean grabe and imrpovement nya. She loves music nga daw at talagang pinagpursigihan nya pag-aaral ng mga nota. Sa totoo lang naiinggit ako. Mahilig din ako sa musika, kaso di ko naman kayang mag voice lessons ha ha. Mahirap mag self study haha. Pano na lang ang mga tulad namen na muchas grasas tahahaha. Hanggang pangarap na lang hehehe. Hanggang ngayon sintunado pa din hahaha. Kamote

Justin Bieber

Title pa lang, alam kong hindi nyo na babasahin ang post ko at masakit din sa loob ko na pangalan nya ang title ng isa sa mga posts ko pero kung susubukan nyo man lang silipin kung bakit yan ang title nito…

Gandang ganda ako sa kantang ito. At sa live performance na ito, ang angas ni Pink habang si Nate naman ay parang magpeperform sa concert ni Josh Groban, yung tipong…. ganon kasi ang outfit nya? Anyways pabrito ko pa din ang kantang ito. Tuwing naririnig ko parang gusto kong mag emote…hanggang sa may marinig akong kumanta ng……

Justin Bieber reason
Justin Bieber its enough
Justin second were not broken just bent
So we can learn to love again

tahaha hindi ko kinaya yown…nasira pag eemote ko….

OST of the Day : You Are My Song

Minsan kung makakanta naman tayo at makasabay dun sa kanta, kala mo naman pro na pro. Pag ni-record mo naman ang sagwa pakinggan. Anyways, feel na feel kong kantahin ngayong araw na ito ang You are my Song ni Miss Regine. Kakaiba ang version na ito at ngayon ko lang din narinig.

Ang video na ito ay hindi ko pag-aari, eto lang yung unang bumantad sa akin sa youtube nung hinanap ko yung kanta.