Memories of the Season

I grew up in a family that doesn’t celebrate Christmas, however in a country where it’s almost Christmas from the moment September kicks in, it’s impossible for me not to feel the festive air nor have memories about it.

Back in the days, I remember that the school wraps up the year with a Christmas party. Whether I celebrate Christmas or not, I still get the benefit of the long break from the 3rd week of December till the 1st week of January.

From the first week of December, my classmates will start talking about their upcoming vacations. Some will go to their provinces and although Rizal is a province itself, some have families in other provinces like Quezon, Marinduque, Ilocos, Cagayan or Bicol. Some will talk about how they are preparing for their family exchange gifts and some, about the cakes and cookies and muffins that they will bake for Christmas or what new clothes or shoes will they buy and wear for Noche Buena.

Sounds like fun.

For me, Christmas breaks meant business.

I started helping my mom with our RTW (ready to wear) shop in the public market when I was eleven. We used to wake up at 3am, leave Rizal by 4am and head to Baclaran to buy  goods, come back to Rizal before 8am if possible, arrange the goods and start selling till closing time which is at 8 to 9 in the evening. It was just the two of us as my father minded his own business of driving his jeep or fixing ten wheeler trucks. I was the eldest among 4 kids; hence we never expected the younger ones to help.

I was one skin and bone kid, not even a teenager, when I started carrying bags of goods heavier than me on both shoulders. We would walk along the muddy streets of Pasay till we reach the point where the bus stops. And we don’t take the air-conditioned bus. Me and my mom will take those ‘kings of the roads’ like MaFel or Nova – the types of buses which can reach Litex from Baclaran in 45mins or less. If you are a daily EDSA commuter, you’ll know what I’m saying.

There were times when I felt like I was deprived of childhood, though as I said, we don’t celebrate Christmas, at least the joys of playing with all the kids in the neighborhood during this season or just the pleasure of waking up late and having breakfast while watching kid’s shows in the morning almost never happened. If so, rarely.

I felt sad sometimes and jealous of my friends, though at a very early age, I was made to understand that I was not born with a silver spoon and if I would not help my parents, then who will?

They were right though.

I saw how hard my parents worked their asses off, and I felt ashamed of myself to even feel sad for being deprived of my childhood. So I worked hard too. I saw how the thousands of money we earn each day are getting burned up afterwards. We earn so much only to pay bills after bills, loan after loan.

So I worked even harder but there was a time when my young body wasn’t able to cope up. Like a fruit, I guess, I was harvested before the right time.

One afternoon when I was selling clothes to four ladies, I suddenly felt dizzy. My saliva started to taste weird. I tried to keep myself composed for I saw my mom around three to four customers as well that time. She can’t cover me so I needed to finish up with the four ladies before taking a rest. I tried to answer only yes or no to their questions without further explanations as I can’t talk anymore. But I wasn’t able to hold it any longer. I ran to the toilet and threw up.

I saw my mom’s face as I came out of the toilet. Her expression said she was more than worried. She knew that I was not a sickly child. I was skinny but I was healthy. And she knew how I can endure sickness and pain, that when my body surrenders, that’s really about it.

We closed the shop earlier that day. We didn’t accept any customers after 6:30pm even though a lot were still rushing in.

I wasn’t really sick, just over fatigue with an unfortunate combination of incomplete sleep, missed meal times and physical exhaustion.

This was a one off incident but something I won’t forget as the earlier you experience something, the clearer is the imprint on your memories.

It was the same every year. Christmas meant business. At some point, I stopped dreaming of childhood and vacation. I got used to it. Incomplete sleep, missed meal times, and physical exhaustion. Oily face, muddy feet, and dirty hands from handling money all day long. It became a usual yearly event. And this yearly event has now become memories.

We all have different circumstances in life, and this was mine. Lucky are those who have fond memories of Christmas especially during their childhood days. I’m not saying I’m not lucky. I just have a memory of the season that is very different from every one else’s.

 

***

PS: If by any chance you have also read Biyaheng Cubao, you might be wondering how colorful my younger life was.

 

***

And by the way, Happy Holidays from the Maldives!

aysabaw
A photo shoot for our holiday greetings

Moonlight Diary

Moonlight Diary

Humaling na humaling ako sa Korean soap na Arang and the Magistrate at halos matatapos ko na nga ang panonood dito, online..hihi. Si Arang ay isang multo na humiling sa Jade Emperor (na nasa langit) na pabalikin sya sa mundo upang malaman nya ang dahilan ng kanyang kamatayan. Ang tanging naalala nya lang kasi ay nung sinundo na sya ng Grim Reaper papunta sa kabilang mundo. Maliban doon, wala na syang maalala sa kanyang naging buhay sa lupa.

Nakita ni Magistrate ang diary ni Arang sa kanyang kwarto noong sya ay nabubuhay pa at binigay ito sa kanya. Nung mabasa ito ni Arang ay muling nagbalik ang kanyang nadama nung una nyang nakita ang lalaking kanyang unang inibig.

Unang Pagtibok ng Puso

Hindi ko pa alam kung ito din ang makapagbibigay sa kanya ng kasagutan sa mga tanong nya (dahil di ko pa natatapos ung telenovela), pero kadalasan sa mga palabas na tulad nito ay malaking bagay ang ginagampanan ng mga diary sa takbo ng kwento.

Kamakailan lang din ay binuklat ko ang aking lumang kwaderno na nagmistulang diary ko, magtatatlong taon na ang nakalilipas. Natawa ako, tunay ngang nakapagpapabalik ng maraming alaala ang isang diary. Pero ang kwadernong iyon, ninais ko nang itapon. Di tulad ni Arang na naramdaman muli ang unang pagtibok nang kanyang puso nung mabasa nya ang diary nya, ako naman ay nakaramdam ng kaunting paghihinagpis pa at pagsisisi sa mga hindi magandang desisyon na ginawa ko noon.

Naalala ko nung panahon na sinusulat ko ang mga laman ng kwadernong iyon. Mapait. Malungkot. Umiikot pa ang utak ko sa konseptong may isang taong hahanap sa kwaderno ko balang araw at babasa sa mga laman nito. Na makikidalamhati sya sa akin at makikiramay sa mga sakit na nadama ko. Ngunit di ako si Arang. Di ako bida sa isang telenobela. Sino ba naman ang hahanap sa diary na aking isinulat? (May isang Prince Charming ba na makakapulot sa Diary na iyon at malulungkot sya sa aking mga sinapit at maiinlab sya sa akin at hahanapin nya ako at tutuntunin nya ako sa pamamagitan ng Diary na iyon at marami syang tatahaking kapahamakan bago nya ako matunton? haha…nananaginip ng gising!- ok tuloy sa seryosong usapan.)At kung magandang alaala ang nabalik tanawan ni Arang sa kanyang mga nabasa, ang akin ay kabaliktaran. Hindi ko na din pala dapat pang basahin iyon. Kung may isang taong nakabasa sa sinulat ko noon, ako lang din naman at mabuti ngang wala nang iba pang makabasa. Wala naman akong misteryo o katotohanan na nais pang hanapin. Ang kwadernong iyon ay makapagbubukas pa nang isang malalim na sugat na matagal nang naghilom. Minabuti kong itapon na ito sa lugar na kung saan ay walang makakaalam kung sino ba ang may akda ng mga nakasulat doon at kasabay nito ay ang tuluyan nang paglimot sa pait nang nakaraang pag-ibig.

P.S. Sinusulat ko ito habang kumakain ako ng goto. (May isusulat din ako tungkol dyan)
P.S. Ulit. May kinalaman ito sa post kong Kwaderno na medyo magulo ang pagkakasulat at nagmagandang mag-theme song ng kanta ng Sugar Free na Kwarto.

Ang Pag-ibig na Hindi – Ikalawang Yugto

Ang isa ay gusto nang mamaalam at ang isa ay gustong pa ring manatili.

Sa kaalinsanganan ng panahon ay tila narining ng langit ang hiling ng mga nauuhaw kaya biglang umulan ng malakas. Malalaki ang patak ng ulan na masakit pag tumatama sa bumbunan. Dali dali sumilong ang mga tao sa kani kaniyang kubo. Walang mapuntahan ang magkasintahan kaya dali dali na lang silang tumungo sa una nilang nakita, ang kubo ng life guard. Dali dali nilang inakyat ang matarik na hagdan at doo muna nanatili.

Umupo silang magkatapat at nakasandal sa magkabilang dingding ng kubo. Yumuko na ang isa at nagsimulang humagulgol na tila sinasabayan sya ng lalo pang lumalakas na iyak ng langit. Walang magawa ang isa kundi tumanaw sa malayo.

Sa katagala’y napagod na din ang mga matang namumugto na at nakatulog. Tumabi ang isa at pinasandal sa kanyang balikat upang makatulog ng maayos, hinahaplos ang noo sabay hinalikan ito. Hindi malaman ang nararamdaman. Nalilito pa. Tama bang lumisan at hindi na lang ipaglaban.Masakit. Pero ano ba ang nararapat? Hindi nya na maintindihan.

Ansarap sa pandinig, huni ng ibon, tunog ng alon, musika ni inang kalikasan. Pagmulat ng namumugtong mga mata ay kay ganda ng sikat ng araw na parang hindi umulan ng malakas kagabi. Inikot ang mata sa paligid.

“Pag-gising ko wala ka na.”

 

Halik by Kamikazee

Kumupas na
Lambing sa yong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo’y ‘di na nadarama
May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita
Bakit kaya?
Parang hindi ka na masaya

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Alam ko na
Magaling lang ako sa umpisa
Umasa ka pa saakin
Mga pangakong nauwi lang sa wala
Nasayang lang ang iyong pagtitiyaga
Wala ka nga pala
At puro lang ako salita
Kaya pala
Pag-gising ko wala ka na

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ngayon ko lang natutunan
Nasubukang mabuhay ng para bang may kulang
Pag nawala doon lang mamimiss
Paalam sa halik mong matamis

Ang Pag-ibig na Hindi

Maalinsangang gabi. Patawid ng kalsada ang magkasintahan. Pinagmamasdan sila ng mga drayber na nasa bungad ng mahabang linya ng mga sasakyan na naghihintay sa berdeng ilaw para sila ay makausad.

Patuloy ang paglalakad. Tahimik. Walang may gustong magsalita.

Pagod at uhaw, narating din nila ang tabing dagat. Mainit ang panahon pero malamig ang hanging sumasabay sa mga alon na dumadausdos sa dalampasigan.

Sabay na naupo sa buhanginan kung saan ang kanilang mga talampakan ay naabot ng maliliit na lang na mga alon.

Tahimik pa din. Pakiramdaman. Nakikinig sa alon at sa mga taong nagkakatuwaan habang nagtatampisaw sa malamig na tubig. Ang isa ay nakatingin sa isa at ang isa nama’y nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. Nangigilid na ang mga luha. Ramdam na ramdam na ang sakit na dulot nang napipintong pamamaalam. Sa ilang minutong pag upo ay unti unting naaalala ang mga masasayang panahong pinagsamahan na lalong nakakadagdag sa sakit na nararamdaman.

Parehas na nagmahal, pero bakit walang pinatunguhan? Bakit walang pinagkasunduan?

Ang isa ay gusto nang mamaalam at ang isa ay gustong pa ring manatili.

Story Challenge : “Letter M”

The “M” Challenge

Miles Away

Living in the world far from my own. Living in the world miles away from home.

I see birds flying and free. I can see the ocean, but I can’t see up to where will it be.

Living in this world full of treasures and dreams, I embrace the warmth and feel the blue breeze.

Measure your dreams, treasure your memories. Laugh out your failures and smile at your miseries.

Listen to the music and create your own.

Live to love and live to be loved.

Miles away from you I found another world.

A smaller map of mystery that I can call mine.

It’s all about love concert (Side A, Callalily and K Brosas)

Oo, nagconcert nga dito ang Side A sa Dubai kasama ang Calallily at si K Brosas nung September 7.  Bihira ang mga gantong concert sa Dubai na pinupuntahan ko. Depende sa kombinasyon ng mga performers.

Hindi ko masyadong nakahiligan ang musika ng Callalily kasi sa totoo lang, tatlong kanta lang nila ang alam ko. Isa pa, bago pa lang sila noon nung lumipad na ko papunta dito kaya hindi ko sila masyadong nasubaybayan. Si K Brosas naman…hindi ako big fan pero pinapanood ko din naman dahil nakakaaliw. At syempre ang Side A, batas na yan sa larangan ng musikang pinoy at walang pinoy ang hindi makakaalam ng mga kanta nila.

Nung una, parang pinag isipan ko pa kung pupunta ako. For sure kasi, dadagsa ang mga kabayan dito sa Dubai “of all types and ages”. Mas gusto kong nagpupunta sa mga rock concerts kasi alam ko kung anong uri ng crowd ang nandon ( I’m not refering to the guys na nangugulo). And if you are a rock fan, you will know what I mean. Mas gusto ko din ang mga concerts na walang seating arrangements kasi feeling ko mas masaya yon at makakalapit pa ko sa stage. Pero dahil  nakabili na din ako ng ticket, hindi ko na lang inisip ang mga “factors to be considered” ko when attending concerts or gigs (inarte lang).

Sinabihan kami ng organizer na 9pm ang start ng show kaya nag desisyon kaming pumunta ng alas syete ng gabi. Pagdating namin don ay halos puno na ang VIP at regular seats (VIP ticket ang binili ko). First come first serve basis at kahit na alam namin yon, hindi namin akalain na alas sais pa lang eh magdadagsaan na ang mga audience.  Nainis ako kasi masyado ng malayo sa entablado ang pwesto namin. Wala kaming nagawa kundi mag pa upgrade ng VVIP kaya medyo nakalapit kami. Pagpasok ko pa lang din, napa – hay na lang ako sa nakita ko. Hindi ako sanay magpunta sa mga concert na may mga audience na naka long dress. Feeling ko sa musical play sila pupunta at hindi sa rock concert.

Unang nagperform ang Callalily. Natuwa ako sa performance nila, kahit na tatlong kanta lang talaga nila ang alam ko. Nag cover din sila ng isang kanta ng Eraserheads at yung One of Us ni Joan Ozborne. Naka tweet ko si Tatsi bago sila pumunta dito, pero sa kasamaang palad, nginitian nya lang ako nung nakalapit ako sa entablado.  Nag enjoy ako sa performance nila at nakakalungkot lang at hindi ko natupad ang aking sinabi kay Tatsi na ililibre ko sya ng Shawarma 🙂

Sumunod na nagperform si K. Nakakaaliw sya talaga. (Ang haba ng description ko sa performance nya).

At ang pinakaaabangan ng lahat ay walang iba, syempre ang Side A.

Noong nasa Pilipinas ako ay hindi ko nagawang mapanood ang Side A ng live. Kahit pa man kasi noong bata ako ay sikat na sikat na sila pero wala pa naman talaga akong pambayad sa ticket para makapunta sa mga gigs at concert nila. Napapanood ko lang sila sa mga TV guestings nila at napapakinggan sa radyo. Ni wala din akong pambili ng cd o tape man lang nila.

Andaming mga alaala ang nagbalik nung nagsimula na silang kumanta. Natuwa ako sa naalala ko nung kinanta nila ung Tell Me. Naalala ko nung estudyante pa lang ako. Mahilig akong makinig ng radyo noon. At noong mga panahong iyon, ang aking radyo ay maliit at isang tape lang ang pwede ilagay. De baterya din yon kaya kahit brown out pwede. Nabili din yun ng mama ko sa halagang 200 pesos lang.

Kapag naririnig ko ang kantang Tell Me, lungkot na lungkot ako. Ramdam na ramdam ko yung lungkot ng kanta na tipo bang matindi ang pinagdaanan kong heartache. Pero NBSB naman ako noon (aray). Gustong gusto ko din (sana) tugtugin yan noon, pero D-A-G-A palang ata ang alam kong chords ng gitara. Wala pa kaming internet sa bahay noon at hindi ko pa alam na may ultimate-guitar.com pala (kung meron na ba nung panahon na yon). At yung gitara ko pa noon at nylon pa ang kwerdas at wala sa tono dahil hindi ako marunong magtono, at wala sa magulang ko ang marunong tumugtog.

Naalala ko ang pangangarap namin na magkaroon ng acoustic duo ng matalik kong kaibigan nung high school. At nakalinya sa mga nais naming tugtugin ay ang mga kanta ng Side A. Pero nang kami ay makapagkolehiyo at magkahiwalay na, nawala na ang aming mga pangarap. Nagsimula na din akong makinig sa iba’t ibang uri ng musika noon at unti unti kong naalis ang mga “love songs” mula sa aking play list.

Umabot ako sa panahong ito na mas madalas nakikinig ng mga maiingay na tugtugin. Ngunit ganun pa man, ang paggalang sa iba’t ibang klase ng tugtugin at musikang gawa ng mga nagnanais lamang ipahayag ang kanilang nasa kalooban ay nariyan pa rin. Sa totoo lang, ang makarinig ulet ng live music tulad ng mga awitin ng Side A ay nakakapagpalambot ng puso at nakakapagpabalik ng napakaraming alaala. Hindi ko man maikwento lahat, sa susunod na siguro na mga bolgs.

Gaya nga ng nasabi ko na kanina, batas na sila sa larangan ng musika. At siguro halos lahat ng musikerong Pinoy ay nais sundan ang yapak ng bandang ito. At para sa tulad ko, na isa ring musikera (o nagpapanggap lang) taas noo sa lahat ng mga gumagawa ng magagandang himig at liriko. At sana din, ako man ay makagawa din ng sarili kong musika na maibabahagi ko sa lahat.

Sana may sense ang sinulat ko 🙂 hehe