Ang Huling Tula na Isusulat Ko Para Sa ‘yo

Patawarin ako ng boss ko sa pagnanakaw ng 6.32 minutes sa opisina para panoorin ang video na ito at lima pang minuto para isulat ang post na ito, wag lang hindi  maibahagi sa inyo ang napakagandang obra ng isang makata.

Ayoko nang maging mahalaga.

Ang gusto ko ay mahalin.

Ang Huling Tula na Isusulat Ko Para Sa ‘yo by Juan Miguel Severo

Ang Video na ito ay Pag-aari ng Words Anonymous

***** Edited*** (agad-agad?)

May nahanap akong lyrics dito.

Gusto Ko…

Gusto kong gumawa ng kanta

Na pupukaw sa puso ng masa

Awitin ng pag ibig

Malungkot man ito o masaya

Gusto ko gumawa ng kanta

Pero wala akong alam sa musika

Himig ko’y wala sa tono

At sa liriko tiyak ako’y talo

Gusto kong maging makata

Pero wala akong kwento

Mabuti pa si Gloc 9

Masyadong talentado

Gusto kong maging henyo

Ngunit ako’y walang talino

Ipinanganak na ganito

Ano pa bang magagawa ko

Gusto ko magsulat

Kaso kaalama’y silat

Anong gagawin ko

O anong iisipin ko

Gusto kong tumula

Ng mahabang mahaba

Tumingin sa tala

Habang nangangarap

Gusto kong isipin

Na ako’y magkakaroon din

Ng tulad ni Romeo

Na aking iibigin

Gusto kong tawagin

O Romeo ako’y iyong dinggin

Nasaan ka

Ako ay iyong pansinin

Gusto kong tanungin

Si Kupido ba’y nakatingin

O baka naman

Ako ay nagawang limutin

Gusto kong umibig

Pero ayokong masugatan

Ayoko ng sumubok

Baka madapa lamang

Gusto kong lumigaya

O nasaan ka?

Dalawin mo naman ako

Kahit paminsan minsan lang

#FeelingMakataLang

#HindiItoTwitterBakitMayHashTag

#FeelerLangAtEmotera

#KulangSiguroSaLablayp