Bintan, Indonesia

Sa lahat ng mga mapagpanggap kong Travel Blog Post, ito na siguro ang medyo may kwenta kasi mayroong kaunting maikukwento.

So matapos ang aking mga post tungkol sa day and night stroll ko sa Singapore, ito naman ang aking ikukwento. Ang aking paglalakwatsa sa Bintan.

Ngayon mo lang ba narinig yung lugar na Bintan?

Pag sinabi mo kasing Indonesia, Bali at Jakarta lang ang popular na destinasyon. Well, parte din ng Indonesia ang Bintan. Pero para makapunta sa Bintan, kailangan dumaan ng Singapore.

 

Ferry terminal

Ferry terminal 2

Ferry terminal 3

Ang Bintan ay halos 45 minutes lang by Ferry galing Singapore so I suggest, kung bibisita ka sa Singapore ay daanan mo na rin ang Bintan, andun ka na rin lang and one ferry away na lang. And wala naman tayong issue sa visa doon eh.

So dito sa Bintan Resort Ferries site pwede magbook ng ferry in advance. Nasa SGD 32 per person, one way.

Yung totoo (angdami kong misadbentyurs), naiwan kami ng Ferry namin. Nagbook ako online ng Ferry na 1.5 hours after nung (dapat na) arrival time namin sa Singapore. Kasi naisip namin na mag Bintan muna ng ilang araw bago maglakwatsa sa SG. So pagdating ng SG, diretso na nga sana kami ng Bintan. Kaso delayed ng 1 hour ang CebPac kaya naiwan kami. Buti na lang nadaan sa pakiusap yung crew ng Bintan Ferries. Binigyan kami ng ticket para sa susunod na departure at hindi kami siningil ng extra.

ferry

 

Dahil maliit na isla lang ang Bintan, iilang hotels lang ang pagpipilian doon. Sa Banyan Tree Bintan kami nag-stay.

 

Amenities

BT Villa
Romantic ba yung set-up? he he
Moon
syempre kakalimutan ko bang kuhanan ng litrato ang aking paborito…..
Foggy morning
Sinalubong kami ng hamog nung unang umaga namin…kala namin uulan
Villa
ganito ang itsura ng mga Villas sa Banyan Tree…
Wrong Path
Nung pupunta na kami sa restaurant para mag breakfast, nakakita ako ng hagdan kaya nagmaganda ako. Daanan pala iyon ng staff.
Buggy
Dapat pala tatawag ka sa operator para mag request ng buggy na magdadala sa inyo sa mga restaurant at sa iba pang parte ng resort. Pero nilalakad ko lang paikot ikot kasi sariwa hangin at maganda tanawin.
breakfast
Mahamog yung umaga tapos parang ayaw pa sumikat ng araw nung umagang iyon. Nung kalahatian ka ng almusal namin umambon ba naman bigla. Pero dahil dry season nung August, saglit lang yung ambon tapos umaraw na.

Breakfast Area

Bintan

Bintan - Pool
May pool sila na tanaw ang beach.

pool & beach

jetski

Loungers
Kung ayaw mo naman sa pool, pwede ka na dumiretso sa beach o kaya ay humilata sa mga sun loungers at uminom ng cocktail.
Villa on the rocks
Yan yung mga Villa by the Rock. Literal na nasa matataas na bato.
Resto
Restaurant

Path

Balete
Banyan Tree

So yung name nung hotel/  resort na Banyan Tree ay hinango nila sa punong Banyan Tree. At ano ang Banyan Tree? Balete. he he

Flowers 2

Flowers

Violets

 

Squirrel
Hindi ko alam kung ano itong mga patakbo-takbo at paakyat-akyat na mga to eh. Squirrel ata

Mabait yung driver na sumundo sa amin sa airpot at siya na rin ang aming personal na driver at tour guide sa Bintan ng dalawang araw.

Dinala niya kami sa bilihan daw ng souvernir at sa massage center. Sabi niya mas makakatipid daw kung sa labas ng hotel kami magpapamasahe.
Souvenirs

Idol cafe

Cups

Cafe helo Helo

Lady

Latest DVD
Latest yung DVD pero yung signage mukhang hindi na latest…

Masks

No Touting

Statue
Nag-antay siya ng Forever…

 

Ganesha
Ganesha

Kahit Muslim country ang Indonesia, may impluwensya pa rin ng Hinduism. Tulad na lang ng rebulto ni Ganesha na nakita ko doon. Isa sa mga pinakasikat na Hindu deitiy si Ganesha na may elephant head. Ayon sa mga Indians, si Ganesha daw ang god of the beginnings at ng intellect at wisdom.Bali Mayurya

Sepeda Motor
Parking for motorcycles lang daw.
Monkey
Pakalat-kalat lang sila doon.

Maliit lang ang isla ng Bintan kaya kaunti lang ang pwedeng gawin. Isa sa iilang activities dito ang pagbisita sa Mangrove Forest.

Waiting Area

Hagdan

Safety
Safety first. Life vest on.

Speedboat

Mangroves

Greens

Floating Fruit Shop
Floating shops
Inside the Mangroves
Eto na talaga yung forest eh….

Inside the Mangroves 2

Ahas
Maraming nagtatago lang….
Hiding
At nagmamasid.
Souvenir at the Ferry terminal
Souvenir shop sa Ferry Terminal

Eagle

Maliit lang ang Bintan kaya ok na ang 2-3 days na pagbisita dito kung gusto mo lang mag relax at maiba ang atmosphere. Kung gusto mo lang magpaSpa at mag sun-bathing ay ok na ok ito.

Singapore Night Stroll + Sentosa + Universal Studios

Kasunod ng post kong Singapore Day Stroll, heto na nga yung night stroll pati stroll sa Sentosa at Universal Studios Singapore.

Tingnan niyo na lang yung mga picture ha? Puro picture walang kwento eh he he

At kung nakakapagtaka ang pag-iinarteng watermark, aba mahirap na. Sa panahon ngayon, hindi lang yung mga propesyonal na photographers ang nananakawan kundi pati mga simpleng mamamayan na tulad ko. 😛

Clarke Quay

Ferris Wheel 2

Ferris Wheel

Fullerton Hotel

Hooters

Lantern 2

Manong
Si Manong driver – tagapagmaneho ng bangka

Marina Bay at Night 2

Marina Bay Sands
Marina Bay Sands

Random

Shiraz
Shiraz Persian Restaurant + Belly Dancer

Para sa tulad kong galing sa Middle East, nawirdohan akong makakita ng Persian Resto sa SG tapos may belly dancer pa na Asian. Ang weird lang sa paningin ko dahil madalas Arabic or Russian ang nakikita kong belly dancer eh.

Value Lunch Sets

Gaya nga nung sinabi ko sa una kong post na ang chaka nung hotel na tinuluyan namin, day and night tuloy kaming strolling. As in. Babalik lang kami sa hotel pag sobrang pagod na para makatulog na agad.

At dahil naman wala kaming kaalam-alam at wala kaming kaplano plano kung ano ang gagawin namin sa Singapore ay naisipan naming mag cable car na lang muna at bahala na kung saan kami mapadpad.

Cable Car

Cable Car 2

Maganda naman ang view kapag nakasakay sa cable car.

Cruise
May napadaang Cruise Ship
Hardrock Hotel
Hard Rock Hotel

Pool

Casino
At hindi mawawala sa SG ang Casino
Cable Car End
Ayan, malapit na niyan sa last stop nung cable car.

Sa Sentosa yung last stop ng Cable Car, tapos babalik na naman siya sa kaniyang pinanggalingan.

Entrance

Many Faces

Chinese House

Lake of Dreams

Sentosa Merlion
Sa lahat ata ng sulok ng Singapore ay may rebulto ng Merlion
The Thinker
Nandito na naman siya. Yung totoo, nag-iisip ka ba talaga Mr. Thinker? O nag-aantay ng Forever mo?

Million Moments

Violets

Flowers 2

Bogainvilla

Candylicious

Dumako na tayo sa Universal Studios Singapore (USS).

USS

Broomsticks

Medyo pinagparte parte yung USS eh. May isang dako para sa mga fans ng Transformers.

Bumble bee car

 

Bumble Bee
Si Bumble Bee

Trans 2

Trans

Meron naman, Egyptian ang theme.

Pharaohs
Egyptian ang tema pero sa lower right ng litrato may logo/signage ng Jurassic Park ha ha

Pharaohs on the Wall

Cleopatra
At dito sa Egyptian area nakita kong pakalat-kalat si Cleopatra.

Egyptian...

 

May parte naman na talagang para sa mga bata at isip bata.

Cookie Monster

Sesame Street

Castle

Enchanted

Woody

Madagascar

Stubborn owl

Banda dito naman, medyo Western ang architecture and design.

USS Bldg

The World is on my Shoulders

USS Statue 3

USS Statue

Wisdom Statue

Rockefeller
Rockefeller – Pamilyar ba ang apelyidong ito sa inyo?  Alam niyo ba kung sino ang Rockefeller family at ang papel nila sa history ng mundo?

Lion

Marilyn
Nabuhay si Marilyn Monroe he he

Siegler

Streetboys
Dito na pala tumatambay ang Streetboys eh…

Taxi

Yellow Car

Daming dilaw na kotse sa USS.

Nung college ako, may nagsabi sakin na mahahanap mo daw yung soulmate mo kapag nakakita ka ng sampung dilaw na kotse. Bihirang bihira pati ang dilaw na kotse sa Pinas nung time na yun.

Bale, yung unang guy daw na makikita ko after nung sampung yellow cars, yun na daw si soulmate. Nak ng teteng. Siyempre dahil SSB (Single Since Birth) pa ako no’n naniwala naman ako. Desperate times, desperate measures. LOL. Pero ayun, hindi totoo.

Singapore Day Stroll

 

Matagal kong pinag-isipan kung ipopost ko ba itong mga litrato ko nung nagpunta ako ng Singapore kasi unang-una sobrang late na nito dahil last year pa ako nagpunta don, pangalawa hindi naman ito travel blog eh. At hindi ko naman masyadong paborito yung trip ko sa Singapore, di tulad nung dalawa kong trip sa Maldives (1) Wedding/Muro Ami Trip at (2) Ultra-Stress-Buster Trip na di ako magsasawa kahit ulit-ulitin.

Pero sinisilip ko yung mga pictures ko, madami pala.  Naisip ko na haay maibahagi na lang kesa amagin sa baul.

So ito. Hindi ako seasoned traveler eh kaya nga hindi travel blog itong blog ko. At iilang lugar pa lang naman ang napuntahan ko. At pag nagtatravel ako, kinukuhanan ko lang ng litrato yung mga random kong mapag tripan kesyo may history siya o wala. So wag mag-expect please.

Dahil wala akong masyadong kwento tungkol sa Singapore (pwera na lang sa wirdong hotel na tinuluyan namin na hindi libre ang wifi at walang almusal dahil nagtipid kami na maraming alikabok at basura sa ilalim ng kama nung hinila namin dahil may nalaglag kaming barya) eto puro litrato na lang.

 

Bird Singapore

Buildings

Ferris Wheel 2

LV
oh, para sa mga mahilig sa LV. Eto na heaven niyo
Mall
The Shoppes at Marina Bay Sands Buti pa dito may wifi at sobrang lakas pa. Sa wirdong hotel wala!
Merlion
Merlion
Museum
Di ko alam kung anong meron sa loob nito dahil hindi kami nakapasok. 

SG

The Thinker
Ang tawag daw dito ay The Thinker. Isa sa napakaraming kopya ng popular na gawa ng artist na si Auguste Rodin. Nag-iisip ba talaga siya? O inaantay niya yung Forever niya?

Violets

Window of Hope 2

Window of Hope
Eto naman daw yung window of hope – as explained sa itaas.

 

Bilang ang pamagat nito ay Singapore Day Stroll, malamang masusundan ito ng Singapore Night Stroll dahil may ibang ganda din ang SG sa gabi.

Infinity

Ang post na ito ay walang kinalaman sa Forever o sa Infinity and beyond chuva ek-ek.

Bale yung Infinity dito ay yung Infinity Tower dito sa Dubai, yung twisted building na nasa gitna ng litrato. Ito ang pinakamataas na twisted na tower (90 degrees twist, 73 story) sa mundo, dinaig ang Turning Torso ng Sweden. Pero pinalitan na nila ang pangalan nito at ginawang Cayan Tower dahil daw marami nang building ang pinangalanang Infinity. Gamit na gamit na daw ang salitang ito. Parang Forever. (Isiningit talaga? ha ha)

Infinity
Infinity Tower (2014)

So ano palang mayroon sa tower na ito? May pinost kasi akong litrato nito noong 2012. So after 2 years (kasi kinuhaan ko uli siya ng litrato last year), kung mapapansin ang litrato sa taas, may katabi na siyang bagong building (sa kanan).

 

big and twisted copy
Infinity Tower 2012

So ayun lang. Napansin ko lang yung pagbabago. Minsan, mabuti pa yung mga imprastraktura may bago. May pagbabago. Mabilis ang mga pagbabago. Yung ibang tao hindi nagbabago. Yung ibang sistema hindi nagbago. Ayun lang.

MeMa. MeMasabi lang. 😛

The only thing that is constant is change.

– Heraclitus