Free Costa Frostino, anyone?

Oh well, who doesn’t like free stuff?

Sorry guys, but the free coffee from Costa can only be availed in the UAE (well, in case you are here upon reading this….).

I just received this link on facebook where you send and receive free Festive Frostino by filling up their form and blah and blah and then taddaaaaa…you get a Free Frostino, a Caramel Fudge and a Popcorn Latte.

Festive Frostino
screengrab from http://giftafrostino.com/

So, this is valid till the 31st of December 2015.

How nice could this be? Sit on a couch, read a book or write on your journal while enjoying a free cup 😛

Hey, this is not a sponsored post or something. I’m just sharing this coffee-love blessing.

Umagang Kay Ganda

 

Matapos ng kaunting pag-ulan kahapon dito sa Dubai ay napakaganda naman ng araw ngayon.

Iyan po ang ulat panahon. Feeling ko tuloy isa akong weather newscaster sa ginagawa kong ito. he he

Wala lang, anlaki kasi ng pinagkaiba ng ulap kahapon sa ulap ngayon. Sobrang clear ng langit. Well, ganun naman talaga pagkatapos ng ulan diba? Nahahawi lahat ng dumi sa hangin, lahat ng buhangin sa hangin at nagiging maaliwalas ang lahat.

20151113_095432
View sa opisina

Parang pagtapos mong umiyak, bukod sa nalilinis na ang dumi sa iyong mga mata at bahagyang nalilinis din lahat ng dilim na nasa iyong puso.

 

At dahil diyan, ito naman ang theme song para sa araw na ito, ang Umagang Kay Ganda ni Bamboo dahil hindi pwede ang Somewhere Over the Rainbow dahil wala akong nakitang Rainbow.

Gumising na (gumising na)
Araw ng pag-asa’y narito na
Dumating din, haharapin natin

*ang video ay pag-aari ni GaiusICaesar

Why Does It Always Rain on Me

Rain rain don’t go away!

Excited lahat ng tao sa UAE.

Ito (yata) ang unang ulan sa taong ito. Hindi ko lang sigurado kung natural ito o kung nag cloud seeding sila kahapon.

Nakakamiss tuloy ang tuyo at sinigang pag ganitong panahon.

Burj Khalifa
Ito ang view namin sa opisina, hindi masyadong kita ang napakahinang patak ng ulan pero kitang basa ang kalsada at maulap at madilim.

Sabi sa akin ni Ermats, lagi daw akong nagdadala ng ulan. Wala naman akong balat sa ***.

Nung unang beses akong umuwi ng Pinas matapos ang tatlong taon kong pagtatrabaho sa Dubai ay sinalubong ako ng Ondoy. At dahil daw matagal akong nawala, sobra-sobra ang pagsalubong sa akin ng ulan. Namiss daw ako.

Nitong huling uwi ko naman nung September ay sinalubong ako ng bagyong si Jenny (Jenny ata ang name?) sa airport pa lang.

Nung bumisita naman ako sa Tagaytay para makita ang Taal ay inulan na naman ako at di ko nakita  (perstaym ko sanang makakakita ng bulkan ha ha) dahil sa kapal ng hamog. At dahil umuulan nung araw na iyon, kinancel namin yung dapat na swimming sa Batangas kinabukasan. Imbes tuloy mag oovernight kami sa Tagaytay ay umuwi  na lang kami. Ang pinakamasaklap, nung umalis AKO sa Tagaytay, nawala yung ulan.

Nung pumunta kami ni Ermats sa QC para maglakad ng papeles, inulan kami. Nung nagpunta kami SM North, inulan na naman kami. Parang grabe naman sakin ang kalikasan. 2 weeks na nga lang ako sa Pilipinas, hindi pa ako pinatawad.

Noong maliit pa ako, minsan na nga lang kami pupunta sa Fiesta Carnival o kaya sa Luneta, inuulan pa din kami.

Pag may mga interview ako noon, inuulan din ako.

Minsan gusto ko na maniwala na ako nga ang nagdadala ng ulan pero pinipilit kong isipin na coincidence lang ang lahat.

Kaya ayun, ginawa ko na tuloy theme song ang Why Does it Always Rain on Me  kasi hindi naman pwedeng It’s Raining Men.

I can’t sleep tonight
Everybody saying everything’s alright
Still I can’t close my eyes
I’m seeing a tunnel at the end of all these lights
Sunny days
Where have you gone?
I get the strangest feeling you belong

* video from Travis’ youtube page

* Yung quoted na linya ng kanta ay bagay na bagay sa kasalukuyang sitwasyon ng nag-eemote na may akda 😛

***

Edited.

Binasa ko ulit ang post at napagtantong sabog yata ako habang nagsusulat dahil walang koneksyon ang ulan sa Dubai at ang pagdadala ko ng ulan sa Pinas.

Bastakiah, Bur Dubai

Isa itong photo walk. Literal. Photos na bunga ng isang oras na walk. Hindi po ako photographer. Wala po akong alam sa photography at lahat ng larawang ito ay bunga lamang ng pagmamaganda.

Ang lahat ng litrato ay kuha sa Bastakiah, Bur Dubai. Ito ang pinakaluma at pinakahistorical na parte ng Dubai. Makaluma ang arkitektura at disenyo ng mga buildings. Nandito din ang Museum at iba pang cultural establishments ng Dubai. Dito rin makakabili ng mga souvenirs. Nandito rin ang terminal ng abra, pati na rin terminal ng bus.

 

Bastakiya 001

Bastakiya 002

Bastakiya 003

Bastakiya 004

Bastakiya 005

Bastakiya 006

Bastakiya 007

Bastakiya 008

Bastakiya 009

Bastakiya 010

Bastakiya 011

Bastakiya 012
Abra – Bangkang pantawid sa mga pasahero mula Bur Dubai hanggang Creek

Bastakiya 013

Bastakiya 014

Bastakiya 015

Bastakiya 016

Bastakiya 017

Bastakiya 018

Bastakiya 019

Bastakiya 020

Bastakiya 021

Bastakiya 022

Bastakiya 023

Bastakiya 024

Bastakiya 025

Bastakiya 026

Bastakiya 027

Bastakiya 028

Bastakiya 029

Bastakiya 030

Bastakiya 031

Infinity

Ang post na ito ay walang kinalaman sa Forever o sa Infinity and beyond chuva ek-ek.

Bale yung Infinity dito ay yung Infinity Tower dito sa Dubai, yung twisted building na nasa gitna ng litrato. Ito ang pinakamataas na twisted na tower (90 degrees twist, 73 story) sa mundo, dinaig ang Turning Torso ng Sweden. Pero pinalitan na nila ang pangalan nito at ginawang Cayan Tower dahil daw marami nang building ang pinangalanang Infinity. Gamit na gamit na daw ang salitang ito. Parang Forever. (Isiningit talaga? ha ha)

Infinity
Infinity Tower (2014)

So ano palang mayroon sa tower na ito? May pinost kasi akong litrato nito noong 2012. So after 2 years (kasi kinuhaan ko uli siya ng litrato last year), kung mapapansin ang litrato sa taas, may katabi na siyang bagong building (sa kanan).

 

big and twisted copy
Infinity Tower 2012

So ayun lang. Napansin ko lang yung pagbabago. Minsan, mabuti pa yung mga imprastraktura may bago. May pagbabago. Mabilis ang mga pagbabago. Yung ibang tao hindi nagbabago. Yung ibang sistema hindi nagbago. Ayun lang.

MeMa. MeMasabi lang. 😛

The only thing that is constant is change.

– Heraclitus

 

Sandstorm-Sandstorm!

Heto at kain buhangin na naman ang drama namin dito sa disyerto. Ito na ata ang pinakamalalang sandstorm na nakita ko sa talambuhay ko sa Dubai. Syempre hindi siya katulad nung sandstorm sa Mission Impossible ni Tom Cruise, O.A. naman yun. Nagtatalsikan pa nun yung mga kotse eh he he.

Tom Cruise Sandstorm

Ganito lang. Madilaw lang ang buong Dubai. Maraming buhangin sa hangin, makulimlim, nakakapuwing. Hindi kita yung mga matataas na building, maraming lilinising bintana at kotse pagkatapos 😛

kuha mula sa bintana ng aking opisina #nofilter
kuha mula sa bintana ng aking opisina #nofilter

Kwento sa loob ng metro

Metro – tawag sa MRT/LRT sa Dubai

Maraming tao ang naguunahan kada umaga para maka-upo o kaya ay makahanap ng magandang pwestong may masasandalan sa loob ng metro. Ngayon ay nakahanap ng magandang pwestong masasandalan habang nakatayo kaya magsisimula na akong magsulat nito habang nakikinig ng musika. Ang isusulat ko ay tungkol sa mga pangyayari sa loob ng metro sa loob ng 45minutes. Timer starts now.

Kung ayaw mo masiksik pwedeng bumili ng gold card para sa gold class ka maupo kaso doble ang bayad
Kung ayaw mo masiksik pwedeng bumili ng gold card para sa gold class ka maupo kaso doble ang bayad

May isang lalakeng may dalang skateboard at may malaking bag pack. Sinagi nya ako at halos mahulog itong celphone ko. Di man lang nagsorry. Di mo alam na nakasagi ka o wala ka lang pakialam? Si mamang naka green na polo naman na nasa harap ko isinandal ang mukha at natulog. Natutulog na nakatayo? Gumimik ka ba o nag overtime ka kagabi? May marka ng plantsa yung damit mo. Di ka ba makabili ng bago o may sentimental value lang talaga sayo yang polo mo? May mag-asawang turista na nagbabasa ng mapa. Naghahanap o naliligaw?May isang lalakeng parang hindi naligo. Andungis ng damit. Ang kapal ng kalyo sa sakong at nangingitim pa. Palipat lipat sya ng pwesto, patingin tingin sa mga tao. Naliligaw ba? Nalilito? O naiinip ka lang kaya kung ano ano ang trip mo?

Uy may tumayo, chance na tong makaupo naman din. Ay si kuya, nakipagbalyahan pa sa babae. Hindi gentleman? O mahina lang talaga ang tuhod? O makapal lang talaga peslak? Sila ate naman ang lakas ng kwentuhan tungkol sa issue nila sa bahay nang nakaraang gabi. Tsismis? O ….tsismis nga.

Walkalator sa metro
– ito naman ang walkalator