Random Blog Finds #1 + Giveaway Alert

Hi everyone! Hope everyone is well. I’ve been stressed for a couple of weeks as mentioned on my previous post and I’d like to thank you all for the nice comments. I felt better after writing down my thoughts and reading your supportive words.

Continue reading “Random Blog Finds #1 + Giveaway Alert”

Things to Consider When Planning Your Trip to the Maldives

A holiday in the Maldives is almost every couple’s dream especially those who are on honeymoon or celebrating their wedding anniversaries. Though nowadays, Maldives is becoming a family destination too.

Continue reading “Things to Consider When Planning Your Trip to the Maldives”

Narinig Na Rin Ang Aking Tinig [Sa Love Radio]

Isa sa mga pangarap ko nung medyo bata pa ako ang maging isang DJ sa radyo dahil nais kong marinig ang aking tinig. Tinig na magbibigay buhay sa mga trabahador na inaantok, tinig na maghehele sa mga taong nagpapaantok, tinig na makakapagpatibok muli ng mga puso, tinig na magbibigay buhay muli sa mga luma at nakalimutan ng tugtugin at tinig na magtutulay sa musika at sa mga tao.

At dahil ibang landas ang tinahak ko at hindi ko naisakatuparan ang pangarap na iyan, sa ibang paraan ko na lang naipaparinig ang aking tinig. Ito’s sa pamamagitan ng aking pagsusulat.

Pero nangyari kanina ang hindi ko inaasahan.

Narinig ang aking tinig. Sa radyo.

Binasa sa Burnay Segment ng Tambalan sa Love Radio ang aking maikling kwentong Si Kiko at ang Kanyang Creative Ways of Pagpapatiwakal.

Sinabihan ako ng ating kapwa blogger na si DhowisJin na narinig niya daw ito sa radyo. Na-excite ako at nagbakasakaling mahanap ang segment na ito sa youtube at hindi nga ako nagkamali.

Nagpapasalamat ako sa Love Radio sa pagbabasa ng aking kwento at sa pagpaparinig sa nakararami ng aking munting tinig. Salamat din Jin sa pag-inform.

video credits: Tambalan Episode Daily

Learning ‘More Than Words’ Since 1999

Lahat yata ng mga nag-aral tumugtog ng gitara ay hindi pinalampas ang kantang More Than Words. Parang hindi ka cool pag hindi mo alam to lalo na nung 90s.

Ang inyong lingkod ay nagsimulang mag-aral tumugtog ng gitara nung 1999 at isa sa mga unang natutunan ko ay ang INTRO ng More Than Words at yun ang dinala ko hanggang pagtanda ko. INTRO lang ang alam ko after 17 years of…wait what???? 17 years na akong marunong maggitara? Nak ng! Kung sineryoso ko lang dapat hassler na ko ngayon. Tssk. Kaso ang tamad ko. Hanggang ngayon di ko pa rin ma-gets ang Pentatonic chords. But anyway, after 17 years of playing the INTRO of More Than Words, 3 days ago ay naisip kong hanapin ang chords nito at araling tugtugin ng buo.

At ang susunod na kabanata ay RATED PG.

Dahil sarili ko lang ang kajamming ko dito sa isla, idadamay ko na lang kayo sa kalokohan ko. At makapal naman ang mukha ko sa blog kaya kahit sablay-sablay ay ipopost ko dito ang aking pagkanta at pagtugtog ng More Than Words after 17years of INTRO only.

 

Para sa mga mamimintas ng sablay na tono (at sa gitara kong hindi ko muna tinono bago ginamit LOL), ha ha…sareee. Hindi ako pitch perfect dahil hindi ako si Ms. Leah Salonga. Ako ay si Aysa the Maldivian Mermaid, kaya please lang, ok? Masaya lang ako sa kalokohan ko at sana ay may mapasaya din ako. And as long as I am making myself and someone else happy, I’ll keep trolling. Trolling. Trolling on the (t)river.

200th post

Ang alak daw  habang tumatagal lalong sumasarap.

Hindi ako alak.

At hindi rin ako masarap.

Isa lang akong sabaw na umiinit at lumalamig, at iniinit muli. Mas madaming beses nainit, mas  matapang ang lasa. Mas matagal isinalang sa apoy, mas malapot ang kaldo.

Salamat sa mga nakihigop upang mapawi ang gutom ng kumakalam at nilalamig na sikmura.

Salamat sa mga nagbuhos ng sabaw sa kanilang kanin hanggang sa ito ay umapaw.

 

Sabaw! Sabaw kayo riyan!

 

image by all-free-download.com