Hindi Ako Susuko

Maaliwalas. Maririnig ang huni ng mga ibon. Malamig ang simoy ng hangin at  kahit  hapon na at mataas pa rin ng araw ay hindi masyadong mainit. Nagsisibak sya ng mga kahoy na gagamitin para sa bon fire mamaya para hindi lamigin kapag naupo sya sa tabing dagat sa kinagabihan. Iyon ang halos araw araw na gawain  nya mula noong pinili nyang manirahan na lang sa kanyang bahay sa isla. Minabuti nyang manirahan sa tahimik na lugar na ito. Simple, nakaka relaks, walang maririnig na busina ng mga sasakyan na gigising sa kanya sa umaga at wala ding polusyon.

Mula nang magka isip sya, ito na ang pangarap nya. Na sa kanyang pagtanda, at kung mag aasawa man sya ay nais nyang manirahan sa lugar na ito. Kung saan ang mga anak nila ay makakapag laro at makakapagtakbuhan ng malaya na katulad noong unang panahon. Kung saan sila ay makakapag palipad ng saranggola kapag mahangin sa hapon. Kung saan sariwa ang mga prutas na kanilang mapipitas, at makakapanghuli sila ng isda para pang hapunan. Napakasarap. Napakadalisay. Napakapayak.

Muli ay nagbalik sa kanya ang mga alaala ng lumipas. Alaala ng taong kanyang iniwan isang maulang gabi ng kanyang nakaraan.

_____________________________________________________________________________________________

Tanghali na syang nagising. Nakahilata pa sya at tinatamad bumangon sapagkat wala naman syang pasok sa opisina. Pagod na pagod sya sapagkat matapos ang ilang araw na pag oover time para mahabol ang deadline ng kanilang ginagawa ay nagpaparty naman ang kanilang boss dahil maayos ang naging resulta ng  kanilang proyekto. Naalala nya ang sayawan at inuman kagabi, gayun din ang walang humpay na tawanan at kwentuhan. Kumakalam ang kanyang sikmura. Bumangon sya at nagtungo sa kusina. Nagtimpla sya ng kape at tumanaw sa ref. Walang pagkain. Kelan pa ba sya huling nag grocery? Dalawang linggo na pala.  Ganun sya ka abala. Oo nga pala. Kahit pala day off nya ay pumapasok sya dahil sa mga deadlines. Kaya nga pinararangalan sya lagi ng boss nya dahil sa dedikasyon at sipag sa trabaho. Pagkaubos nya ng kape ay dali dali na syang nagbihis para magpunta sa grocery.

Makapal na jacket at pantalon ang sinuot nya at nagboots pa sya dahil napakalamig sa labas. Taglamig na pala ulit. Parang kelan lang ay gumagawa pa sya ng snow man sa bakuran. Isang taon na pala ang lumipas? Hindi nya na napansin iyon dahil sobrang abala sa trabaho. Sobrang lamig. Hindi pa sya nakakarating sa grocery ay may nakita syang kapehan. At dahil gutom at nilalamig, umorder sya ng donut at kape at naupo sa tabi ng bintana. Maya’t maya ang pag ring ng kanyang telepono habang kumakain sya ng donut. Tawag ng mga katrabahong nais lumabas at gumimik sa kinagabihan. Bago nya ibaba ang telepono ng matapos na ang pinaka huling tawag, nakita nya ang petsa. Sa kaparehang buwan at araw na iyon, ilang taon na ang nakakaraan ay ang pag iwan sa kanya ng tanging lalakeng kanyang minahal.

Kolehiyo pa lang noon ay nais na nyang magpakasal na sila sa huwes. Sobrang minahal nya ang taong iyon at nais nya nang makasama ito sa araw araw. Bumuo sya ng mga pangarap na kahit mag asawa  na sila ay tatapusin nya ang kolehiyo. Magtatrabaho sya at magsisikap makarating sa bansang kanyang pinapangarap at doon sila magsasama ng maligaya.  Pinlano nya na kapag nakapangibang bayan sya ay mapag iipunan nila ang matagal nang pinapangarap na rest house sa isang isla. Alam nyang gustong gusto  iyon ng mahal nya. Gusto nito nang simpleng buhay lang. Kaya nga pagsisikapan nya ito para meron silang bahay bakasyunan. Para kung sakaling mainip o mapagod ang mahal nya sa buhay sa siyudad o sa ibang bansa ay meron silang mapupuntahan.  At kung sakaling magreretiro na sila ay dito na din sila mainirahan.  Buo na ang lahat. Kumbaga nais nya na lang isumite sa kanyang boss ang kanyang action plan. Ngunit nasira ang lahat ng ito nung gabing iyon. Nung maulan na gabing iyon na iniwan sya ng pinaka mamahal nya.

______________________________________________________________________________________________

Malamig sa dalampasigan at tamang tama ang dami ng mga kahoy na sinibak nya para sa bon fire. Nakaupo sya sa tabi nito at naalala ang mga masasayang sandali na sila ay magkasama at nangangarap. Matayog ang kanyang mga pangarap at ayaw kong maging hadlang sa mga ito. Masyado pa kaming bata noon. Hindi siguro sya magiging matagumpay kung sinunod ko ang mga gusto nya. Wala siguro sya sa lugar na kanyang pinapangarap ngayon kung sumunod sya sa bugso ng kanyang damdamin. Kung maaga kaming nakasal noon, baka hindi rin sya nakapag focus sa pag aaral nya. Pero sa ngayon, alam ko namang masaya na sya dahil sa kanyang mga narating.

Nakatitig sya sa buwan at mga bituin katulad ng lagi nyang ginagawa gabi gabi, hawak ang kanyang gitara at inaawit ang mga paborito nilang kanta.

______________________________________________________________________________________________

Natupad ko na lahat ng mga pangarap ko pwera lang sa isa. Ang makapiling ka. Ngayong natamo ko na lahat ng mga nais ko sa buhay, panahon naman para hanapin kita. Nasa ilalim pa din tayo ng iisang kalangitan. Iisa pa rin ang araw at buwan na nagpapaliwanag sa ating daigdig mahal ko. Hindi ako susuko.

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/24/pagdadalamhati-ikatlo-sa-pag-ibig-na-hindi/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/12/halik-by-kamikazee/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/09/ang-pag-ibig-na-hindi-ikalawang-yugto/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/07/ang-pag-ibig-na-hindi/

2012 in review

The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2012 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

600 people reached the top of Mt. Everest in 2012. This blog got about 2,600 views in 2012. If every person who reached the top of Mt. Everest viewed this blog, it would have taken 4 years to get that many views.

Click here to see the complete report.

 

– o –

Aba, ang saya naman at may gantong summary report ah. Parang Profit and Loss Reports lang by the end of the year. Ahehe….Happy New Year and a Happy New Dear! Happy 2013! Happy Blogging! Ayeeeeee

 

Fireworks na ^__^

Ilang kembot na lang at 2013 na!

2013 folder

 

Sabado ng hapon sa opisina. Normal na araw ng pagtatrabaho. Di pa nagsi-sink in na malapit na ang bagong taon. Hanggang sa kinailangan ko nang gumawa ng folder sa documents ko na ang label ay “2013.”

Dalawang araw na lang ay bagong taon na. Ang dami kong dapat ipag pasalamat. Unang una na ang aking pamilya at mga kaibigan laging nandyan para sa akin, mga pangyayari sa taong 2012, mga taong nakilala at naging kaibigan, mga taong naging malapit sa puso at mga taong naging malaking bahagi ng lumipas na taon. Hindi naging madali ang una at huling parte ng taong 2012 para sa akin pero nagpapasalamat ako at nalampasan ko ito, with flying colors? Ahehe

Nitong mga nakaraan ay masyadong masikip sa damdamin (anu daw?) este marubdob ang aking mga pinagsusulat. Well, may pinagdaraanan lang.  Salamat sa mga patuloy na dumadaan at nagbabasa at lalo na sa mga nagcocomment. Malaking tulong sa akin ang inyong mga opinion. Bagama’t hindi ako tunay na manunulat ay unti unti kong nahahasa ang aking kukote para magisip ng mga bagay bagay na maisusulat.

At dahil magbabagong taon na, kelangan medyo light muna at positive ang aking isulat, para maganda ang aura. Hindi ako mahilig gumawa ng mga New Year’s Resolution and everything dahil hindi ko naman din nasusunod he he. Mga kapatid sa panulat (acheche ang hilig gumawa ng sariling term), mga kaibigan, katoto, kapitbahay at syempre sa mga kapamilya at kapuso Happy happy New Year (in advance). Kita kits sa mata 🙂

Kape sa McDo

Malamig ang simoy ng hangin. Nakaupo sa McDo at nagkakape ang tatlong taong may sari sariling pinagdadaanan. Ang isa’y kumakalam na ang sikmura ngunit kape na lang muna dahil iyon lang ang hinaing libre ng mga kasama. Ang isa ay nilalamig at nagiisip kaya kailangang magkape at ang isa’y kelangan magpalipas ng oras dahil punong puno na ang utak ng iba’t ibang isipin.

____________________________________________________________________________

Kakaresign lang nya sa trabaho. Pagod, puyat at sigaw ng amo sa inaraw araw kaya sumuko na lang sya. Wala pang malilipatang trabaho. Walang pera at ginigipit pa. Walang matutuluyan, walang mahigaan. Naipadala na nya ang natitirang pera para pamasko sa pamilya kahit na sya ay magutom ng panandalian habang naghahanap ng bagong mapapasukan. Tanging meron lang sya ay ang mga damit sa maleta at lakas ng loob na unti unti na ring nawawala dahil nauubusan na sya ng panahon. Mapapaso na ang visa nya. Malapit na mawala ang lahat sa kanya at ilang araw na lang ang natitira. Iisa lang ang tanging natitira sa kanya – ang taong sa kanya’y nagmamahal.

_____________________________________________________________________________

Samu’t saring responsibilidad sa trabaho, reklamo, utos at iba’t iba pa na ipinapatong sa lamesa nya na nadaragdagan sa bawat araw. Bukod pa ay ang walang pakundangang pagkakagulo sa tahanang dapat ay mapagkukunan ng kapayapaan sa mga panahong magulo. Binabalot na ng lamig ang manipis na katawan na patuloy pa ring lumalaboy hanggang sa kinahating gabihan wag lamang maabutan ang hindi kaaya ayang mga tagpo sa bahay na dapat uwian. Iisa lamang ang nakakapagbigay ng kapayapaan- ang minamahal.

____________________________________________________________________________

Nobyembre pa nang mawalang sya ng trabaho. Ni hindi pa nakukuha ang sweldong pinagtrabahuhan. Ang hirap ng kalagayan nya’t lalo ngayong magpapasko na. Umaasa na makakahanap ng mapapasukan at kahit ihabol na lang ang pamasko nya sa tatlong anak at sa kanyang asawa kapag nakakuha na ng unang sweldo. Tumatakbo ang oras. Nauubos ang pera. Mahirap dahil pangalawang beses na itong naranasan at siguro sa ngayo’y natuto na. Mahirap mawalan lalo’t nasa ibang bayan. Di bale nang kumulo ang tyan, basta sana may maihahain ang kanyang asawa sa pasko at may mairegalo man lang sa mga anak. Iisa na lang ang natitira sa kanya – ang pamilyang nagpapalakas ng loob at nagbibigay ng determinasyon na makahanap muli ng trabaho at hindi umuwing talunan.

 ___________________________________________________________________________

Maingay ang paligid. Masaya na kahit sa bansang hindi nagdidiwang ng pasko ay may Christmas Tree na din at mga Christmas Carol na maririnig. Sa gitna ng masayang mundong ito ay may tatlong taong isang linggo nang tumatambay sa McDo para magkape.

 

Hango sa tunay na buhay nang tatlong taong ito, ang iba lang ay ginawang medyo eksaherado. Ayoko sana nang malungkot na istorya ngayong Festive Season, kaso lang “Hindi araw araw ay pasko sa mga tulad namin.”

Pagdadalamhati | Ikatlo sa Pag-ibig na Hindi

Kung hindi ka rin lang pala magtatagal, sana hindi na kita nakilala at sana ay hindi na lang din kita minahal.

Sana hindi ako nag-aksaya ng panahon sa pagbuo ng masasayang alaala na aking pagdadalamhatian lang ngayon sa tuwing dadapo sa aking isipan.

Sa umaga ay matindi ang pagsikat ni Haring Araw na tila ba gusto na sunugin ang aking damdamin at sabihing hanggang dito na lang. Sa kinahapuna’y parang bumubulong ang malamig na hangin na “wala na sya.” At sa kinagabihan ay tila nauubos ang mga tala, bawat patak ng luha isang tala ang nawawala.

Paano ako magsisimula muli. Paano ko bubuuhing mag isa ang planado nang buhay na kasama ka. Masakit makita ang lahat ng bagay na nakapagpapaalala sa iyo.

– o –

Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Doble ang sakit na aking nararamdaman. Ang mawala ka sa piling ko, at makita kang nagdurusa dahil sa aking kagagawan. Pero mauunawaan mo din ito sa takdang panahon.

Wala akong ibang hangad kundi ang mapabuti ka. Nais ko ang iyong kaligayahan sa hinaharap, kahit alam kong hindi ako magiging parte non.

 

– o –

Hihihi nakalimutan ko itong isali. Edit edit lang din. Para tunay na seryeng serye ang dating, kelangan kasali yung mga nauna.

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/12/halik-by-kamikazee/ 

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/09/ang-pag-ibig-na-hindi-ikalawang-yugto/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/07/ang-pag-ibig-na-hindi/

Liebster Blog Award

This is the second award that I have received since I started blogging and both were given by Shewrites. I would like to thank her for always appreciating whatever comes out of my silly mind.

How does Liebster work?

 

A) You are not allowed to nominate the blog who nominated YOUR own blog.

B) You paste the award picture into your blog.
C) You write up 11 NEW questions directed towards your nominees.

1-2.What’s your favorite song/type of music?

3. Hobby aside from blogging or writing?

4. Define love.

5. What’s your greatest dream?

6. Color that describes your personality.

7. Favorite book.

8-9.Favorite teacher/professor. Describe him/her.

10 – 11.  If you would be something else, what would you be and why?

D) When you receive the award, you must post 11 random facts about yourself.

11 Random FACTS ABOUT MYSELF

  1. I hate cheese and milk
  2. I love using my mom’s old typewriter when I was a kid and I never knew the value of that typewriter till the time I became a secretary.
  3. When I was young, I wanted to be either a band guitarist or a Radio Disc jock (and I still want to be if given a chance)
  4. I know how to flair bottles and I’ve joined flair bartending competitions when I was in college.
  5. I love punk rock music.
  6. I am better of writing heart breaking and sad stories as well as revolutionary papers than any other topics.
  7. I can remember my dreams clearly.
  8. I love wallets and notebooks.
  9. I am a frustrated singer
  10. I love mocha frappuccino
  11. I love Mitch Albom’s books.

E) To answer the 11 questions asked by shewrites

1)      How do you like your readers to call you? Sabaw

2)      From where did you get your idea in naming your blog? Aysabaw is derived from (wow etymology) Aisa which is my nick name when I was a kid and sabaw is a Tagalog word that means soup. What’s the connection between the 2? I also don’t know.

3)      What is the thing that you are proud about your blog? I’m proud of…getting 2 blog awards so far 🙂

4)      Where do you usually get your inspiration in writing? From my feelings or from the music that I am listening to.

5)      Why do you blog by the way? I’m better at writing my feelings than saying it.

6)      One thing that most people don’t know about you? I am a very insecure person. Doesn’t look like because I’m good at hiding it.

7)      Your greatest fear in life? Cockroaches and bugs.

8)      A hobby that you can’t give up aside from blogging? Playing the guitar

9)      What is the nick your family used to call you when you are a child which you hate the most? I never hated my nick names.

10)  What is your OST for yourself/ life? Time of your life by Greenday

11)  Worst habit that you’ve successfully overcome? Can’t think of one.

 

F) Pass the award onto 11 other blogs (while making sure that you notify the blogger that you nominated them.

 

http://sasaliwngawit.wordpress.com/

– a great blog, thanks Ate San

http://jakesprinters.wordpress.com/

– great sunday post themes

http://stainlessthoughts.wordpress.com/

– great blog

http://livingtheseasons.com/

– on my top recent comment list, thanks a ton

http://nextpictureplease.wordpress.com/

– great photography

http://batopik.wordpress.com/

– cute

http://25pesocupnoodles.wordpress.com/

– great blog

http://francineinretirement.wordpress.com/

– I love the way she comments : Be Encouraged! Be Blessed! So positive 🙂

http://adinparadise.wordpress.com/

– great blog

http://miljoanne.wordpress.com/

– great blog, we could have met here in UAE 🙂

http://patriciaddrury.com/

– great photos

These are amazing bloggers. Do check out their blogs!

These bloggers have been part of my first few months of blogging and I really appreciate their support, likes and comments (yeah right, thank you speech -__-).

Halik by Kamikazee

Sa mga nakibasa at naki emote sa ikalawang yugto ng Pag-ibig na Hindi, (may Pag-ibig na Hindi part 1 pero walang OST eh) eto ang acoustic version ng Halik ng Kamikazee ang Official Sound track ng  ikalawang parte ng mini series ko. (Naks! Nag-oofficial sound track? Feeler)

Sa mga nakakaalam ng kantang to, jamming na.

Sa mga hindi nakikinig or hindi mahilig sa mga maiingay na banda, just try to listen. Acoustic version na ang nilagay ko para hindi kayo maingayan. Try and you’ll appreciate their music.

Hindi ako promoter ng Kamikazee (although paborito ko sila) he he, gusto ko lang itong kanta.

Long live OPM \m/

Ang Pag-ibig na Hindi – Ikalawang Yugto

Ang isa ay gusto nang mamaalam at ang isa ay gustong pa ring manatili.

Sa kaalinsanganan ng panahon ay tila narining ng langit ang hiling ng mga nauuhaw kaya biglang umulan ng malakas. Malalaki ang patak ng ulan na masakit pag tumatama sa bumbunan. Dali dali sumilong ang mga tao sa kani kaniyang kubo. Walang mapuntahan ang magkasintahan kaya dali dali na lang silang tumungo sa una nilang nakita, ang kubo ng life guard. Dali dali nilang inakyat ang matarik na hagdan at doo muna nanatili.

Umupo silang magkatapat at nakasandal sa magkabilang dingding ng kubo. Yumuko na ang isa at nagsimulang humagulgol na tila sinasabayan sya ng lalo pang lumalakas na iyak ng langit. Walang magawa ang isa kundi tumanaw sa malayo.

Sa katagala’y napagod na din ang mga matang namumugto na at nakatulog. Tumabi ang isa at pinasandal sa kanyang balikat upang makatulog ng maayos, hinahaplos ang noo sabay hinalikan ito. Hindi malaman ang nararamdaman. Nalilito pa. Tama bang lumisan at hindi na lang ipaglaban.Masakit. Pero ano ba ang nararapat? Hindi nya na maintindihan.

Ansarap sa pandinig, huni ng ibon, tunog ng alon, musika ni inang kalikasan. Pagmulat ng namumugtong mga mata ay kay ganda ng sikat ng araw na parang hindi umulan ng malakas kagabi. Inikot ang mata sa paligid.

“Pag-gising ko wala ka na.”

 

Halik by Kamikazee

Kumupas na
Lambing sa yong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo’y ‘di na nadarama
May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita
Bakit kaya?
Parang hindi ka na masaya

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Alam ko na
Magaling lang ako sa umpisa
Umasa ka pa saakin
Mga pangakong nauwi lang sa wala
Nasayang lang ang iyong pagtitiyaga
Wala ka nga pala
At puro lang ako salita
Kaya pala
Pag-gising ko wala ka na

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ngayon ko lang natutunan
Nasubukang mabuhay ng para bang may kulang
Pag nawala doon lang mamimiss
Paalam sa halik mong matamis

Ang Pag-ibig na Hindi

Maalinsangang gabi. Patawid ng kalsada ang magkasintahan. Pinagmamasdan sila ng mga drayber na nasa bungad ng mahabang linya ng mga sasakyan na naghihintay sa berdeng ilaw para sila ay makausad.

Patuloy ang paglalakad. Tahimik. Walang may gustong magsalita.

Pagod at uhaw, narating din nila ang tabing dagat. Mainit ang panahon pero malamig ang hanging sumasabay sa mga alon na dumadausdos sa dalampasigan.

Sabay na naupo sa buhanginan kung saan ang kanilang mga talampakan ay naabot ng maliliit na lang na mga alon.

Tahimik pa din. Pakiramdaman. Nakikinig sa alon at sa mga taong nagkakatuwaan habang nagtatampisaw sa malamig na tubig. Ang isa ay nakatingin sa isa at ang isa nama’y nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. Nangigilid na ang mga luha. Ramdam na ramdam na ang sakit na dulot nang napipintong pamamaalam. Sa ilang minutong pag upo ay unti unting naaalala ang mga masasayang panahong pinagsamahan na lalong nakakadagdag sa sakit na nararamdaman.

Parehas na nagmahal, pero bakit walang pinatunguhan? Bakit walang pinagkasunduan?

Ang isa ay gusto nang mamaalam at ang isa ay gustong pa ring manatili.