Ikaw Lang ang May Karapatang Magreklamo

Hirap na hirap ka sa trabaho mo. Ang liit liit ng sweldo. Napakaliit lang ng bonus na natatanggap mo tuwing ikatlong buwan at napakaliit din ng increment na natanggap mo matapos mong makapagtrabaho sa kumpanya ng isang taon. Ikaw lang ang may karapatang magreklamo. Walang karapatan ang mga taong walang swerte sa paghahanap ng trabaho, mga taong labing anim na taon nang naninilbihan sa kumpanya ay wala pa ring increment. Wala silang karapatan. Mga taong walang natanggap ni singkong bonus sa talambuhay nila, wala silang karapatang magreklamo. Mas mapapadali ang buhay mo kung makakahanap ka ng kumpanya na naayon ang pasweldo at benefits sa standards mo at para pag alis mo, magkaron ng puwang ang libo libong taong nagaabang sa pintuan ng kumpanya na di hamak naman na mas magaling sa iyo.

Pare parehas ang putaheng hinahain sa inyo sa cafeteria. Ikaw lang ang may karapatang magreklamo. Walang karapatan ang mga taong hindi binibigyan ng staff meal, o kaya yung mga taong pare parehas ang laman ng plato araw araw, kanin at bagoong. Mas maganda kung magbaon ka ng litson o hamon araw araw at ipamahagi mo sa mga tulad mong nagrereklamo para lahat kayo masaya.

Nasisikipan ka sa tren na sinasakyan mo sa araw araw papasok at pauwi. Bakit hindi ka kaya magtaxi? O kaya maglakad para mas masaya.

Nagrereklamo ka sa luma mong sneakers na isang taon ng hindi napapalitan? Butas na ba? Ikaw lang ang may karapatan magreklamo. Walang karapatan yung mga batang nagkakasakit at binubulate dahil walang suot na tsinelas. Ipamigay mo na lang mga luma mong sapatos na nakatambak sa shoe rack sa mga nangangailangan at bumili ka ng latest model para lahat masaya.

Nagrereklamo ka sa damit na binili sayo ng nanay mo galing sa tiangge? Eh sya ba nagrereklamo na ikaw na lang muna ang bibilhan nya ng damit kesa sa sarili nya na ang suot lagi ay ang puting tshirt na may kupas na logo ng Boysen Paints na ipinamigay ng isang hardware nung pasko ilang taon na ang nakakaraan. Wala syang karapatang magreklamo.

Nagrereklamo ka sa gawain mo sa buong araw na tumayo sa tabi ng swimming pool, mainitan at manood sa pagsa-sunbathing ng mga naggagandahang chikababes at naiinggit ka sa trabaho ng ibang taong nakaupo sa opisina. Sige magpalit kayo. Sya ang tatayo sa initan at manonood ng mala Baywatch na katawang nagswiswimming habang ikaw naman ang maging sekretarya ng dalawang tao, magsulat ng mga napagusapan sa limang meeting na dadaluhan mo sa loob ng isang araw, mag asikaso ng mga papeles ng mga empleyado, magisip ng team building activities, at mag asikaso ng kapakanan ng dalawang daang staff ng kumpanya. Andali ng trabahong ito. Nakaupo lang sa opisina. Wala syang karapatang magreklamo. Ikaw lang ang meron. Eh bakit hindi ka muna kaya pumasok sa walk in chiller para malamigan ang natutusta mo nang pagiisip? Subukan mo lang para masaya.

Nagrereklamo ka dahil mali ang pagkaing hinain sa iyo sa restaurant nung waitress. Sinigawan mo sya. Pinagalitan din sya ng kanyang amo. Ang mali lang naman sa order mo ay nalagyan ng broccoli ang pagkain mo dahil nakalimutan nyang sabihin sa kusinero na ipinatatanggal mo iyon. Oo mali sya. At wala syang karapatang magreklamo kahit na kumakalam na ang sikmura nya dahil hindi pa sya nakakakain mula nung pumasok sya ng alas dose ng tanghali habang ikaw ay nagdidinner na. Wala din syang karapatang mangatwiran na pagod na sya, nanginginig na ang tuhod nya sa puyat. Wala syang karapatan.

Ikaw na lang ang may karapatang magreklamo. Idaing mo lahat ng mga nangyayari sayo sa buhay  mo sa araw araw. Wag mo isipin na may ibang tao rin na naghihirap dahil sayo. Wag mo rin isipin na marami pang ibang taong mas nangangailangan kesa sa iyo. Wag mong iisipin na may nagliligpit ng kalat mo, na may nagwawalis ng balat ng kendi na tinatapon mo at may dumadampot sa tirang ulam na itinapon mo. Magreklamo ka pa. Ikauunlad ng bayan ang ganyang klase ng pag iisip.

A Long and Winding Road

By the Beatles. Pinapakinggan ko yan at ang iba pang mga OPM songs  habang binababagtas ang kalsadang patungo sa Abu Dhabi. Anung meron don na wala sa Dubai?

Mas maraming malls at mga maaring mapasyalan dito sa Dubai na higit kesa doon. Pero mas pinili kong magpunta doon sa kadahilanang nais kong bumiyahe ng malayo. Mag unwind habang nag so-soundtrip sa loob ng bus.
Unwind? Oo, nakakapagod ang halos dalawang oras na byahe pero baket ko nasabeng nakakapag unwind ako sa ganitong paraan? Hindi dahil weird ako, kundi dahil nalilibang ako. Ninais ko muli na bumiyahe ng mahaba dahil sa loob ng halos magdadalawang taon na, ang aking ruta sa inaraw araw ay ang sampung minutong paglalakad galing bahay papuntang opisina at ganun din pabalik.

Maaga akong nagising para “lumuwas.” Pag dating sa bus station, napansin ko ang nakapaskil sa salamin ng bilihan ng ticket – “No outside food allowed inside the bus.” Namilosopong Tasyo ako at naisip ko na ang baon kong Oishi ay nasa loob ng bag ko kaya pag pumasok ako sa loob ng bus, ang aking pagkain ay inside food na at hindi outside food. Pag  upong pag upo ko pa lang sa bus ay binuksan ko na agad ang aking Oishi, pagwawalang bahala sa aking nabasa at nagsimula ng papakin ang chichirya (almusal yan). Nang magsimula na ang pag usad ng bus, biglang nag abot ng menu ang kundoktor ng bus. Waaahhhhh…kaya pala bawal na magdala ng “outside food” ay dahil may binebenta silang pagkain. Susyal naman ang bus na ito at may food cart pa, pero limitado ang menu nila. May ilang snacks lang, prutas, juice, kape at sopdrinks. Pero dahil dyan, dali dali kong itinago ang aking Oishi at baka pagbayarin pa ako ng fine.

Pinlay ko na ang mp3 ko para mas feel na feel ko ang roadtrip na ito.

Dala ko ang librong “Life of Pi” sa pag aakalang mababasa ko ito habang bumibyahe. Pero matapos ang isang chapter ay nahilo na ako kaya itinigil ko na ang pagbabasa at nagmasid na lang.

Patuloy pa rin ako sa pakikinig ng iba’t ibang mga kantang luma. Naalala ko tuloy ang pagbyahe byahe ng malayo nung ako ay estudyante pa.

Nakakarelaks. Ang halos dalawang oras na pag upo at pakikinig lang ng musika habang nagmamasid sa mga bagay na dinadaanan at mga  lugar na nilalampasan. Mga gusaling luma, at mga hindi pa natatapos na construction. Mga gasolinahan at mga grocery. Mga taong naglalakad at mga sasakyang nag uunahan. Mga tupang nasa likod ng truck (malamang iyon na ang kanilang pamamaalam). Mga puno at mga halaman. Mga mosque at mga taong patungo rito para magdasal. Stop light. Pedestrian lane. Mga bato at  buhangin. Disyerto. Mga gusali sa disyerto. Factory. Bangko. Kapehan. Kainan. Beach. Mga papunta sa beach. Mga nakatambay. Mga nasiswimming. Mga katabing pasahero na natutulog at nagtetext. Pag alala sa mga masasayang nakaraan. Hindi pag iisip sa mga bagay sa trabaho. Hindi muna ako maglalaba at maglilinis ng bahay. Weekend ko ito!

Pag dating sa Abu Dhabi ay nagpaikot ikot lang sa isang mall, at tumambay sa may corniche hanggang sa gabihin at nag antay na lang ng muling pag uwi at pagbyahe.

Ang tanawin sa Corniche, Abu Dhabi

May souvenir naman ako sa aking paglalakbay at ito ay ang super fluffy na marshmallow na halos ayaw ko nang kainin dahil gusto ko na lang itong titigan.

It’s so fluffy

Sa aking pag uwi ay nakasaksak na naman ang headset sa aking tenga. Napagod ako dahil sa layo ng byahe pero totoong nakakarelaks. Roadtrip ulit ^__^

Kamusta naman ang weekend natin dyan?

Eh…ano pala ang mas nakakalungkot?

Ano ang mas nakakalungkot?

1. Nag eemote ka dahil wala kang makausap o walang may gustong kumausap sayo?

2. Hindi ka mahal ng mahal mo ayaw ka na ding mahalin ng nagmamahal sayo?

3. In-unfriend ka sa facebook o in-unfollow ka sa twitter?

4. Hindi ka tinetext o binura ka sa contacts?

5. Papatayin ka habang tulog o gigisingin ka muna bago ka patayin?

6. Tinahol ka ng aso o kinalmot ka ng pusa?

7. Wala kang pagkain o wala kang inumin?

8. Hindi ka pinapansin o pinapansin ka nga plastik naman?

9.Nagmahal ka ng tunay pero iniwan ka o hindi ka sumubok magmahal dahil natakot ka?

10. Nasugatan ang puso mo o nasugatan ang tuhod mo?

 

 

Cee’s Fun Photo Challenge : Water

This week’s challenge is all about water.

Well, I don’t have a good camera and I don’t have the patience like Cee – on waiting for the waves and taking hundreds of pictures before getting the right one. So here’s what me and my handy camera have for this challenge.

1. Dancing Fountain : It is really very difficult to take a shot of moving water. I usually get the photo blurred. But it’s worth the try. Here’s a  photo of the Dancing Fountain at Dubai Mall.

2. Dam : Fresh moving water, a breathe taking sight! Taken at Rodriguez, Rizal in the Philippines.

3. Misty Glass Window : Here’s how my office window looks like during a cold winter morning.

Fore more great stuff from Cee’s Fun Foto Challenge, please click here.

Gusto Ko…

Gusto kong gumawa ng kanta

Na pupukaw sa puso ng masa

Awitin ng pag ibig

Malungkot man ito o masaya

Gusto ko gumawa ng kanta

Pero wala akong alam sa musika

Himig ko’y wala sa tono

At sa liriko tiyak ako’y talo

Gusto kong maging makata

Pero wala akong kwento

Mabuti pa si Gloc 9

Masyadong talentado

Gusto kong maging henyo

Ngunit ako’y walang talino

Ipinanganak na ganito

Ano pa bang magagawa ko

Gusto ko magsulat

Kaso kaalama’y silat

Anong gagawin ko

O anong iisipin ko

Gusto kong tumula

Ng mahabang mahaba

Tumingin sa tala

Habang nangangarap

Gusto kong isipin

Na ako’y magkakaroon din

Ng tulad ni Romeo

Na aking iibigin

Gusto kong tawagin

O Romeo ako’y iyong dinggin

Nasaan ka

Ako ay iyong pansinin

Gusto kong tanungin

Si Kupido ba’y nakatingin

O baka naman

Ako ay nagawang limutin

Gusto kong umibig

Pero ayokong masugatan

Ayoko ng sumubok

Baka madapa lamang

Gusto kong lumigaya

O nasaan ka?

Dalawin mo naman ako

Kahit paminsan minsan lang

#FeelingMakataLang

#HindiItoTwitterBakitMayHashTag

#FeelerLangAtEmotera

#KulangSiguroSaLablayp

Hindi Sakit ang Homesickness

Kahapon ay may nabasa akong artikulo sa Gulf News na pinamagatang Homesickness : Invisible enemy of working abroad. Nilahad dito ang ilang mga panayam sa mga taong naninirahan dito sa disyerto, gayun din ang mga symptoms ng sakit na “Homesickness.”

“Homesickness often has psychological symptoms such as lack of concentration, disorientation, sadness, and recurrent mood changes. But it eventually manifests through physical symptoms such as changes in appetite, in patterns of sleep, or sometimes nausea, and dizziness.”

Sinuri ko ang aking sarili. Naho-homesick ako. Pero wala sa mga symptoms na nasa itaas ang pinagdadaanan ko. Naho-homesick ako, pero wala akong sakit. -__-

Ang alam ko lang ay namimiss ko na ang aking pamilya at ang aming bahay. Namimiss ko ang sikat ng araw na bumubulaga sa akin sa umaga at ang sariwang hangin na aking nilalanghap pag lumalabas ako kapag bibiili na ako ng mainit na pandesal.

Ito…….

……oo ito ang bumubulaga sa akin sa umaga. Ang bundok na natatakpan ng hamog na unti unting nawawala pag sumilip na si haring araw. Ito ang bumubulaga sa akin tuwing umaga. Ang mga kawad ng kuryente na nakabalandra sa harap ng aming bahay. Ito ang bumubulaga sa akin tuwing umaga. Ang mga kalawanging bubong ng aming mga kapitbahay. Oo ito, ang mga simpleng bagay na namimiss ko sa umaga kasabay ng pagtilaok ng mga manok at pagtahol ng mga aso sa mga tricycle na dumadaan upang sunduin ang mga estudyanteng papasok na sa eskwela.

Umaga pa lang ay magigising ka na sa ingay ng mga tricycle na pari’t parito sa pagsundo ng mga bata. May sumisigaw ng taho, pandesal, goto, dyaryo at kung ano ano pa. Dagdag pa rito ang mga pansabong na manok na nakapalibot sa aming bahay na nakikisabay sa panggigising (ay mas maaga pa pala sila dahil alas kwatro pa lang ay tumitilaok na sila.) Kapag Sabado’t Linggo naman, magigising ka sa ingay ng mga batang naglalaro na sa labas o kaya mga kapitbahay na nagwawalis o naglalaba, o di kaya’y nagkwekwentuhan habang nag iigib ng tubig. Talagang nakakamiss.

Sa tanghali naman ay ang masarap na tanghaliang tuyo at kamatis na may malagkit at mainit pang kanin na may kasamang softdrinks na may yelo. Sa kainitan ng tanghali ay hinaharap ko pa ang electric fan sa akin para mas mabilis lumamig ang kanin (oo, masarap ang kaning mainit pag mejo malamig na ng konti. anudaw?) Ilang oras pa matapos ang tanghalian ay may mga naglalako na ng banana cue at turon (nakakapaglaway -__-) at iba pang mga meryenda tulad ng palitaw at biko.

Dahil puro pagkain naman ang nabanggit ko, itutuloy ko na sa hapunan ang talagang nakakamiss na Andok’s Lechon…..waaaahhhhhh….Nakakahomesick lalo……Kasabay ng hapunan ang masayang kwentuhan ng buong pamilya at biruan ng magkakapatid at ang pagbibidahan kung sino ang mas higit at mas magaling at kung sino ang may pinaka nakakatawang istorya.

Nakakamiss din ang pagbuhos ng ulan. Namimiss kong marinig ang pagpatak nito sa aming bubong at ang biglaang pagtakbo ng mga kapitbahay para makuha ang kanilang sinampay. Ang tagal ko ng hindi nakakita ng ulan. Namimiss kong magpayong ha ha. Namimiss kong humigop ng mainit na sabaw ng noodles na magpapainit sa aking tyan habang malamig at maulan. Haay …

Nakakamiss ang lahat ng yan. Naho-homesick ako, pero wala akong sakit. Namimiss ko lang sila 😦

Sunday Post : City

Great theme for this week. Let me show you a glimpse of Dubai.

Dubai often perceived as a country, yet it is a City/ Emirate of the United Arab Emirates.

The life here is usually on malls during weekends especially during summer. Obviously, we wouldn’t like to go strolling outside when the temperature is at 45 degrees Celsius. And during winter, that’s the time when everyone goes out for a walk.

This is the “Marina Walk” part of Dubai Festival City.

 

This is the Dubai Mall at night. It is packed with people every Friday. This is the biggest mall, and beside this is the dancing fountain.

This is a part of Bur Dubai, one of the oldest towns of Dubai. This photo was taken last year during Diwali.

Diwali is an Indian Festival celebrated during mid-October till December. This festival is actually about lights or lamps that’s why all the houses have light displays.

This is Souk Al Bahar, beside Dubai Mall.

Souk is an Arabic word which means open Market. Although Dubai has grown quite rapidly over the last few years, they make it sure that new infrastructures still have the cultural elements within it.

And as Dubai is an Islamic City, you will see Mosques in every corner and street in different designs.

Hope you liked it! 🙂

For more of Sunday Posts, click here.