Travel Theme : Foliage

Green, green grass of home! Have taken these photos during my trip home last March.

This is my entry for this challenge Travel Theme: Foliage

This is the river flowing from the mountains of Montalban, Rizal in the Philippines (now called Rodriguez, Rizal). The small town where I came from.

I call this part Mini Thailand. It is on the right side of the river (first photo above).

This is called Wawa Dam, where the water flows  (from the above photos).

The legend of Bernardo Carpio.

If you can see the huge stones on the Wawa Dam on top, well they keep on growing and they are getting bigger each year. And as the legend says, these two mountains were alive once and started to crash into each other.  Thus, creating earth quake and massive landslide. Bernardo Carpio, as they said was the strongest man during that time came and he tried to stop the mountains from crashing together. And that is how those two mountains got separated.

Hope you liked the photos, and the story 🙂

Hotel and Restaurant Management Course

Napansin ko lang na madami pa din ang nagtatanong ng kung ano ba talaga magiging trabaho nang isang nagtapos ang kursong HRM (Hotel and Restaurant Management). Gaya ng nasabi ko sa nakaraan kong blog na Nag aaral ba tayo para maging Waitress lang (babala: isa itong napakahabang blog patungkol sa aking mga naging karanasan sa trabaho), hindi ka lang serbidora pag natapos mo ang kursong ito dahil malawak ang nasasaklaw ng industriyang inyong pinapasok.

Ang mga sumusunod ay iilan lang sa mga propesyon o sangay ng Hospitality Industry na maari nyong pagpilian o mapasukan pag kayo ay nakapagtapos na:

1. Chef

Sa apat na taon ng pag aaral nyo ng kursong ito, may ilang subjects na pumapatungkol sa pagluluto ang pagdadaanan nyo, at dito nyo malalaman kung hahanay ba kayo sa mga magiging magaling na Chef tulad ni Heny Sison at Nora Daza na mga batikan sa larangan ng pagluluto (syempre pinili kong pangalan eh yung sikat :)).Sa aking pagkakatanda, mayroon akong Culinary, Baking at International Cuisine na subjects noong ako ay nasa kolehiyo. Malamang sa ngayon, nadagdagan din iyan depende sa bagong kurikulum o depende sa unibersidad na iyong papasukan. (Para sa isa pang babasahin tungkol sa buhay ng isang Chef tingnan ito http://hotelierako.wordpress.com/2013/08/23/a-day-in-a-life-of-a-demi-chef-de-partie/)

Tandaan lang natin na, hindi naman agad agad tayong makakapasok ng Chef de Cuisine of Sous Chef pagkatapos natin mag aral. Magsisimula muna tayo bilang taga balat ng patatas at sibuyas at kailangan natin ng matinding tyaga at determinasyon para maabot natin ang ating minimithi. At kung sa palagay mo ay hindi ka masyadong nahihilig sa pagluluto, may iba pang maaring pagpiliang propesyon tulad ng:

2. F&B Service Staff

Dito naman lumilinya ang mga waiter/waitress, bartender, hostess/receptionist sa mga  restaurants, stand alone man o nasa loob ng hotel. Ang mga eksperiyensadong service staff ay unti unting napopromote sa paglipas ng panahon depende sa galing at determinasyon sa trabaho. Sa una ay maaring maiangat ka bilang Captain o Senior Waiter, sunod na ang Assistant Restaurant Manager, Restaurant Manager at kung sa malalaking hotel ay meron tayong tinatawag na Assistant F&B director/Manager at sumunod pa ay ang Food and Beverage Director.

Sa linyang ito, kailangan ng pasyon sa iyong ginagawa. Kinakailangan dito ang kaalaman sa pagkain at lalo na sa mga alak at mga cocktails. Syempre, kailangan din ng matinding ngiti at service skills ika nga. Halimbawa na lang ay ang sikat na sikat na TGI Fridays. Sa aking pagkakatanda, bago ka maging bartender ay kailangan mong sauluhin ang mahigit tatlong daang klase ng international cocktails at dapat din ay marunong ka mag flairtending. Silipin natin kung ano ang ginagawa ng mga bartender sa shift nila sa post na ito – A Day in a Life of a Bartender.

3. Front Office

Kung ayaw nyo naman sa linya ng F&B, maari naman kayo sa Front Office. Dito maari kayong magsimula bilang telephone operator, concierge, bell boy, o receptionist. Dito naman, kailangan ng kakayahan sa pagharap sa matinding pressure. Anong gagawin mo kung may kaharap kang guest na nais mag check in at bukod pa dyan ay kabilaan ang pagriring ng telepono mo, sabay hindi gumagana ang sistema nyo at ilang segundo na lang ay matatapos na ang shift mo? (Para don sa may mga tanong tungkol sa trabaho ng bellman at conceirge pa-click na lang din dito http://hotelierako.wordpress.com/2013/06/19/faqs-ano-ang-pagkakaiba-ng-bellman-sa-concierge/) (Para sa babasahing patungkol sa buhay ng isang Business Center Team Leader sa Front Office basahin ito http://hotelierako.wordpress.com/2013/08/22/a-day-in-a-life-of-a-business-center-team-leader/)

4. Sales and Marketing

Dito naman napapasok ang mga taong may magaling na convincing skills. Ang sales at marketing ay dalawang magkaibang sangay na pinag isa dahil iisa lang naman ang layunin ng mga ito. Ang mapukaw ang puso ng mga mamimili para tangkilikin ang inyong produkto. Ang mga napupunta sa linya ng Sales ay yung may mga “negotiating and convincing” skills at ang nasa Marketing naman ay yung may mga “creative and artistic minds” na makakapag isip ng medium na magagamit para mga adverts na tinatawag.

5. Cruise Ship

Kapag binanggit ang “Cruise Ship” madalas ang pandinig dyan DOLYAR. ^__^

Totoo naman yan. Mabilis kumita dyan, pero mahirap din ang trabaho at wala pa kayong day off. Isa pa ay ilang linggo o buwan kayong nasa gitna lang ng tubig. Pero sanayan lang din yan. Isa pa, makakpunta ka sa iba’t ibang parte ng mundo lulan ng barko. Yun nga lang sabi ng iba malaki nga ang kita, pero mabagal naman ang career advancement.

Ok peeps…eto na ang pinaka aabangan siguro ng lahat bilang ito ang madalas gustong maging trabaho ng mga HRM grads, ang makapagbarko. Sa mga gustong basahin eto na po A Day in A Life of a Cruise Ship Stewardess

6. Airlines (Cabin Crew)/ Travel Agent

Maari din kayong makapasok sa airlines bilang Cabin Crew kung kayo ay slim and slender at  kung kayo ay matangkad, pero syempre dapat alam nyo rin na marami kayong makakalabang Tourism graduates na mas lamang sa inyo sa kaalaman patungkol sa Travel & Tourism.

7. Events

Kung magaling ka mag organize at mag plano ng mga events tulad ng meetings, conferences, parties at kung ano ano pang functions, pasok ka dito.

Note #1: Ang Hospitality Industry ay parang Film Industry. Pag tungtong mo sa entablado, dapat ay nakangiti ka na. Sa industriyang ito, tayo ang nagpapasaya sa mga tao at binabayaran nila tayo para maghatid nito. Kaya kung ikaw ay may “grumpy attitude” o kung hindi ka smiling face ay hindi ka pwede dito dahil kahit kakabreak nyo lang ng kasintahan mo, pagharap mo sa ibang tao ay kelangan abot tenga ang ngiti mo.

Note #2: Tulad din ng Film Industry, nakakapagod ang industruyang ito. Mas madalas ay dose oras kang nakatayo (na naka high heels – para sa babae). Swerte ka pag nagbabayad ng overtime ang kumpanyang napasukan mo. Maipapayo ko lang, na dapat tanggapin mo na sa sarili mo ngayon pa lang na ang industriyang iyong pinapasok ay hindi tulad ng iba na eksaktong 8 o 9 hours lang ang trabaho. Mas madalas 10 – 12 hours at hindi ka din makakaranas ng ” holiday.” At pagtapos ng lahat ng ito, kahit ngarag ka na sa loob ng dose oras mong nakatayo ka, ilang linggo ka ng walang off at nalilipasan ka na ng gutom ay kelangan kaaya aya pa din ang iyong itsura. (Oo, talent yan. Mga Hoteliers at HRM Studes and grads lang makakagawa nyan :))

Note #3: Kung may nakikita kayong ilang taon na ay waiter/waitress pa din, o kaya ay bellman pa din at hindi pa din sila napopromote o nalilipat ng trabaho hindi ito dahil sa wala silang kakayahan. Minsan choice nila ito. Bakit kamo? Ipapaliwanag yan sa inyo ng dollar sign. 🙂

Iilan lang yan sa mga maaring maging trabaho at maaring nyong pasukan sa Hospitality Industry, at habang nag kakaroon kayo ng mga experience at exposure ay lalawak pa ang inyong pag unawa at kaalaman patungkol sa industriyang ito. Habang nag aaral ka pa, dapat alamin mo na kung ano ang iyong forte para yun na ang hinangin mong “skills”  at doon ka na mag focus.

Sana ay nakatulong ako. Ang lahat ng aking mga inilahad ay base lamang sa mga karanasan ko at ng mga taong katulad ko din na nasa Hospitality Industry.

Kung meron man kayong iba pang katanungan , mag iwan lang ng komento at sisikapin nating sagutin. O kaya, tweet me ^__^

Ciao! 🙂

____
Maraming salamat po sa mga bumabasa ng isinulat ko patungkol sa mga kalimitang itinatanong tungkol sa HRM Course at para po sa mas marami pang impormasyon, pakidalaw po ang blog ko na naglalaman lamang ng mga post patungkol sa hospitality http://hotelierako.wordpress.com/. Salamat po ulit 🙂

Weekly Photo Challenge : Solitary (Alone But Not Lonely)

Another entry for the Weekly Photo Challenge : Solitary

This is my favorite photo, a friend of mine took this while I’m enjoying the sound of the waves.

Why wear jacket then go to the beach? Well, during winter here in Dubai it is really freezing. But then people still go to the beach, not to swim but to listen to the waves and watch the sunset.

Weekly Photo Challenge : Solitary

My entry for the Weekly Photo Challenge : Solitary

This photo was taken during my vacation last March. That plant is in solitude.

There’s life everywhere, even in the darkest part of the world.

And this is what I call ” reunion with mother nature

Pag-alala sa Martial Law

Hindi ako mahilig sa pulitika. Ni hindi ako nagbabasa ng mga artikulo patungkol sa mga ito at hindi ko inalala masyado ang mga tinuro sa eskwela dahil hindi talaga ako interesado.

Sa pagbukas ko ng facebook ay may bumungad sa akin na mga larawan at status na pumapatungkol sa pag alala sa deklarasyon ng Martial Law. Iba’t ibang opinyon, natural dahil iba’t iba ng paniniwala.

Hindi pa ako ipinapanganak noong dineklara ang Martial Law. Isa akong pangahas kung sasabihin kong may alam ako sa mga nangyari, o maghahayag ako ng opinion na parang alam ko ang lahat. Pero napakaraming katanungan at palaisipan na hanggang ngayon ay hindi pa din alam ang tamang kasagutan.

Maraming nagsabi na napakahigpit ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos. Bukod sa kanyang kahigpitan, ay umabuso pa ang kanyang mga tauhan. Hindi nya naman mababantayan ang galaw ng bawat isa sa mga ito. Umabuso sila dahil nabigyan sila ng kapangyarihan. Sa panahon ngayon, malaya ang lahat. Andyan ang tinatawag na demokrasya. Lahat may kapangyarihan magsalita ng nais nila, ginagawa ang gusto nila, pero nasaan ang Pilipinas ngayon? Maya’t maya may rally ang mga grupong nais maghayag ng kanilang paniniwala, pero may nangyayari ba? Walang masama sa demokrasya, pero dapat may limitasyon. Wala ding masama sa pagiging mahigpit, kung alam din kung hanggang saan ang limitasyon.

Kurakot daw si Marcos (o sabihin na nating ang kanyang mga kamag anak at tauhang abusado), pero magkano ang palitan ng peso sa dolyar noon? Ikumpara mo din sa palitan ngayon.

Ang sabi nila’y si Marcos daw ang nagpatumba kay Benigno Aquino na syang nag umpisa ng kanyang pagbagsak. Sinong makapagpapatunay?

Bilang isang pinuno, hindi ganoon kadali magdesisyon. Oo, kailangang unahin ang kapakanan ng mamayan pero napakaraming bagay ang dapat isa alang alang sa bawat desisyon at maraming dapat isakripisyo para maabot ang minimithi. Maraming tao ang nakakaapekto sa bawat desisyon, at maraming desisyon ang hindi napapatupad ng tama.

Sa mga patuloy na nagsasaliksik, mahanap nyo sana ang tama. Sa mga patuloy na bumabatikos, sana alamin nyo muna kung ano ang tama. At para sa mga nagsasabing hindi na dapat magkaroon pa ng Martial Law, ikumpara nyo ang Pilipinas noon at ngayon sa lahat ng aspeto ng pamumuhay mula sa ekonomiya ng bansa hanggang sa moral ng sambayanan. Timbangin nyong maigi.

Sa ika sandaan at walong taong anibersaryo ng Pamantasang Utak ang Puhunan – Mabuhay ka

Pagbabalik tanaw ng isang Isko.

PUPCET

Kaba-kaba-kaba!

Madaling araw pa lang ako ay naglakbay na papuntang Sta. Mesa kasama ang aking butihing ina. Dala ang bag na may lamang ilang lapis, ballpen, tinapay, mansanas, tubig at zesto. Hindi pwedeng magutom. Baka hindi gumana ang utak. Maraming tanong. Maiksi ang oras. Iwanan na ang mga tanong na nanghihingi ng solusyon. Pag isipan ang kasunod na litrato sa pattern. Sino ang kauna unahang Pilipinang nanalo sa Ms. Universe. Bilisan. At talasan ang isip. Papasa kaya?

Enrollment

Kasama ko pa din ang aking butihing ina. Hindi pa ako sanay sa Maynila. Ang haba ng pila. Pasikot sikot ang proseso. Ako ay nahihilo.

Pasukan na!

Bagong kamag aral. Bagong kaibigan. Bagong ballpen. Bagong papel.

Hasmin Building

Dahil sa aming kurso, iba ang aming building. Mas maliit at mas tahimik. May uniporme na parang kami ay hayskul pa. Pero pagtungtong ng ikatlong taon, kami naman ay nakapang opisina na. Dahil malayo kami sa main campus, kelangan pa naming mag tricycle papunta don kapag may mga minor subject na doon naka base sa main. Tulad ng P.E. at iba pa. Mahirap mag tricycle, lalo na kung walang bubong at wala ding sandalang bakal sa likod. Paano ako kakapit manong?

Jeep

Hindi ka isko kung hindi mo naranasang sumakay sa patok na patok at bumabangking na jeep ng bagets na bagets na si manong at ng kanyang poging poging kundoktor.

 

Human Rainbow

Kasali ako dun. At ako ay kulay asul. Sa aking alaala ito ay para sa sentenaryo.  Hindi ko makakalimutan yan sapagkat ako ang ingat yaman ng klase at napakahirap mangulekta ng perang pambayad sa t shirt at sombrero. “ Hwag nyo muna labhan” ika ni ma’am, “baka kumupas, saka na lang.”

Unli Goto

Hindi ko yan natikman. -__- Hindi ako makasinget. Hanggang kwek kwek na lang ako. Balita ko ngayon, uso na daw ang Angry Balls?

Pila sa pagbabayad ng tuition fee

Wala ng hihigit pa. Alam mo kung ano ang sinasabi ko. Isa lang ang pipila, pero maya maya, buong klase na ang nakasinget sa harap mo. Unahan base to! Save mo ko!

Tuition fee

Tuition fee namin sa buong semester, baka baon mo lang sa isang araw ate!

Baha

Limang piso para itawid ka ni manong sa mga batong malalaki na ginawa nyang tulay para hindi ka lumubog sa tubig.

Tren

Ayan na ang tren!!! Bawal na tumawid!!! Kapag mahuhuli ka na sa klase, iyan na ang tinatawag na agaw buhay moments 🙂

LRT

Sa mga tulad kong ruta ay pa Santolan, salamat sa LRT at sa iyong maluwag na kalooban. Kami ay pwedeng magsayawan \m/

Pagiging aktibista

Habang nagkaklase kayo, may makikita ka na lang na mga estudyanteng naglalakad sa korihidor at may dalang mega phone.

Rakista

Porma pa lang alam na. May key chain ka bang voo doo doll? May bracelet ka bang bakal, yung parang kay kurapika? Makapal ba eyeliner mo? May bangs ka ba? Nakapanood ka ba ng concert ng Parokya sa Gymnasium? Ako hindi, kasi hindi ako nakasinget man lang o nakapasok sa gym 😦

I’m sorry my love

Napanood ko sa ulat ni Jessica Soho. Ang tamis mo kuya, pero mag aral ka muna at mag tapos. 🙂 Kapayapaan!

 

Higit pa sa lahat ng ito, pinaka hindi ko makakalimutan ay ang mga tao na nakasalamuha ko. Nakasama sa loob ng apat na taon, mga propesor na nagturo ng mga leksyon ng buhay at mga karanasang hindi mapapantayan. Mga bagay at tao na naghubog sa aking pagkatao. Salamat sa inyo. Sa aking sintang paaralan, tunay kang tanglaw ng bayan. PUP Pinagpala!

Share daw ng Pizza for Lunch

Hango lang sa una kong blog sa kabilang website…naaliw lang ako basahin hehe

Unang una, hindi ako kumakain ng keso, pagkaing may keso, at kahit anong may kinalaman sa keso.

Pangalawa, sino ang nag alok ng pizza?

Nakakapagduda talaga dahil inalok ako mag pizza for lunch ng babaeng hindi ko talaga makasundo sa opisina.

Ano ba ang tamang reaksyon?

Reaksyon number 1:

Thank you so much, I’d really love to share your pizza for lunch.

Resulta:

Pag ganyan ang sinabi ko, mauumpisan na ang plastikang walang hanggan. At manunuot lalo sa kaibuturan ng aking puso ang pagka muhi ko sa keso.

Sabihin na nating pumayag ako na sumabay sa kanya maglunch at makishare sa pizza nya, so ano ngayon? Magtititigan na lang ba kame habang kumakain? Malamang wala naman kaming mapag uusapang maganda.
O paplastikin ko ang sarili ko at sasabihing ” This pizza is really good! Lets order pizza once a week for lunch. ” Kahit sukang suka na ko sa paglunok ng pagkaing may keso na para sa akin ay kryptonite ang dating.

Pwede rin namang dito na maumpisahan ang aming “friendship” (ahem).

Reaksyon number 2:

Thanks but I don’t eat pizzas especially with you. (Sabay ismid)

Resulta:

World War III

Reaksyon number 3:

Thank you so much, I’d love to join you but I don’t eat pizza.

Resulta:

Plastic pa din, pero in a good way.
Napigilan ang world war III. At napigilan ang plastikang walang humpay.

Naku po!
Sa susunod na may magaalok ng pizza, kelangan ko pa bang isipin ang lahat ng to bago sumagot?

🙂

Mailing Miguel

This is my first attempt to join this Weekly Writing Challenge and I really find this theme (Mail It In) a very interesting one.

I drafted a mail which goes out to Miguel (Miggy) the vocalist of my favorite local band (Chicosci) back home but in a format that I usually use in the office. Please note that this is for the fun and the challenge only. Don’t mean to harm anyone 🙂 I’m just a fan.

Here it goes:

From:     Alissa

Sent:       Mon, 17 Sep, 2012 at 12:09

To:           ‘ Miggy ‘

Dear Miggy,

Greetings from the Cactus Fields!

I would like to take this opportunity to introduce myself as your number one fan representing the desert.

The desert is a wide area of land which grows cactus and other rare plants. This is also where all the camels dwell as they can well adapt with the climate. This is also a place where your kind of music is rare and is difficult to find.

I have been here for few years now, and I have visited several bars with live bands. I am really disappointed as I have not heard any of them that have ever tried to do a cover of any of your songs and I do believe that it is such a pity because your songs are of good musical quality with very strong and intellectual lyrics that gives an inspiration and challenge to all the listeners.

It is a great challenge for me to face not to see you perform live on stage, but I can’t help but to stay here and just watch your latest videos and live performances on youtube.com, the only way for me to witness your energetic and ever entertaining performance. I am also glad that your latest single “Stealing Kisses” is now out on itunes, I can say I am at least updated. I followed you on twitter, reading all your sometimes sarcastic tweets and I am looking forward for you to retweet me as well in the near future.

I have been seeing all your gig updates and photos on your band’s facebook page and I am glad to see each and every update. Please extend my deepest gratitude to the admin of your page for a job well done.

I would like to inform you that I have been a great fan for the last 8 to 10 years. Apologies for the confusion on the exact date, but all that I can remember is that one of my classmates introduced your band to me when I was still in college, and you have been a part of my life ever since.

I am also pleased to see your different hair colors and styles and please don’t get me wrong. You always remind me, and I feel that you are the Gerard Way of our country and that is a compliment.

I would also like to bring to your attention that I have been hearing a lot of constructive feedback from people whom I believe does not appreciate your music. I do understand that not everyone will appreciate your stuff, but it doesn’t make you less as a musician.

I would also like to seize this once in a life time opportunity to inform you that I have tried to do a cover of one of your songs and have uploaded it on youtube. It is called CVSC Aysabaw Version 2, and I really did my best to give justice to your song. And it will be indeed a great pleasure for you to see it.

Please advise me whenever you decide to visit Cactus Fields for a gig and I will definitely be the first one to purchase tickets to your show and I am looking forward to seeing you soon.

Please see the attached picture which for me is the best photo of you.

For further inquiries, please don’t hesitate to contact me.

Best Regards,

Alissa

miggy of chicosci