Category: Tagalog
-
Tula Para Sa Nakabibighaning Takipsilim
Hindi ko malaman kung paano ilalarawan At hindi ko maisip Kung saan aapuhap Ng tamang salita o kaya ay tugma na sasapat sa iyong taglay na katangiang patuloy na sa aki’y bumibighani ang damdamin ko’y lubos ang pag pagpuri iyon lamang ang maaari at ang aking pagtangi. Araw- araw ako’y nagpupunyagi Kapag nasisilayan kang maigi Araw-araw Umiibig Umaasa…
-
Indak
Sa saliw ng musika At ihip ng malamig na hangin Sa mainit na gabi Dala ng walang katapusang tag-araw Ako ay nahuhumaling Sa aliw na hatid Ng kumpas ng iyong malakandilang kamay At pagikot ng katawan. Paraluman ng pag-indak, Anghel na nagdala sa akin ng galak. Ang tunog ng tambol Ng musika ng kalikasan, Ng mga dahon at kuliglig,…
-
MDS
1992 nung una ko siyang nakita, hindi nga lang malapitan. 7 years old pa lang ako no’n kaya hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Hindi lang dahil Ingles siya kung magsalita kung hindi dahil napakabata ko pa para intindihin ang mga bagay-bagay. Nasa pinaka-itaas na row kami ng Araneta Colliseum noon. Hindi ko alam…
-
Nandito Ako
Nandito ako Sa lugar kung saan Mo ako iniwan Kahit alam kong Hindi mo na babalikan Nandito ako Sa kasuluk-sulukan Ng kwarto Kung saan Walang mapagtaguan Dahil bawat bagay Sulok at litrato Anino at multo Ay pawang mga Alaala mo Na nakikita ko Kahit magtalukbong pa’t Magtago sa ilalim ng kumot Nandito…
-
Bulaklak na Lila
Sa aking hardin, naroon Ang mga bulaklak na lila Ito’y walang katulad Dito lang makikita Sa paglipas ng panahon Aming napag-alaman Ang naturang bulaklak Ay gamot pala Gamot sa isang Malalang sakit Kung tawagi’y kanser, May kanser ang lipunan Tinipon ko ang mga ugat Nilaga at tinimpla Ito’y para sa mga lolo…
-
Zumba Troll
Hindi sa lahat ng panahon, tayo ay pinagpapala. Pero ganun talaga. Weder weder lang ‘yan. Kung gaano nagcocoordinate ang kanan at kaliwang kamay ko sa pagtipa ng gitara ay ganung hindi nagcocoordinate ang mga paa ko sa pagsayaw. Niyaya ako ni Diana na magzumba dahil kailangan daw niyang magpapayat. Pumayag naman ako dahil wala din…
-
Kung Anu-Ano Lang
Don’t Touch My Birdie Tuwing lumalangoy ako sa hapon ay nakikipaghabulan sa’kin ang mga sapsap na masarap sigangin. Pag wala naman ako sa tubig, maliliit na parrot naman ang humahabol sa akin. Pakalat-kalat lang ang mga mini parrots dito sa amin. Minsan puti, minsan makulay. Dahil socialites ang mga parrots na ito, meaning, mahilig silang…
-
Learning ‘More Than Words’ Since 1999
Lahat yata ng mga nag-aral tumugtog ng gitara ay hindi pinalampas ang kantang More Than Words. Parang hindi ka cool pag hindi mo alam to lalo na nung 90s. Ang inyong lingkod ay nagsimulang mag-aral tumugtog ng gitara nung 1999 at isa sa mga unang natutunan ko ay ang INTRO ng More Than Words at…
-
Save the Turtles
Ang post na ito ay walang kinalaman sa Ninja Turtles. Nagkaroon kami ng training session tungkol sa mga pagong at gusto kong maiyak. Extinct na pala ang mga pagong dito sa banda dito dahil ginagawa palang “delicacy” ng mga local dito (Maldivian) ang mga pagong at ang masaklap ay walang nakalatag na batas para proteksyunan…
-
Lumalabas ang Tunay na Kulay
Sa pagdaan ng panahon, ang mga kakilala, kaibigan, kasama sa trabaho ay lubusan nating nakikilala at di naglalaon ay nagkakalabasan ng tunay na kulay. Gaya na lang ng huwad na kulay ng balat na mabilad lang saglit ay lumalabas na ang tunay na kulay. Di ko naman ginugustong pumuti pero nakakaputi sa Dubai dahil maghapon…
-
Paliparan ka ba?
Hindi lahat ng kababaihan ay pinagpala na magkaroon ng magandang hinaharap. May mga tulad ko na namumurublema kung paano magsusuot ng mga blouse o dress na may mababang neck line, tube at swim suit at kung anek anek na beach attire. Pero hindi tayo dapat magpahuli kaya narito ang ilang tips sa pagpili ng mga…
-
A Letter to My 20 Year Old Self
Hello, it’s me. June 6, 2016 na. For sure gustong-gusto mong makita kung nasaan ka na ngayon, kung ano na ang trabaho mo at kung may asawa ka na. Palagi kang ganyan. Nag-iisip ng mga ‘ano kaya?’ Lalo na pagdating sa lablayp. Dakilang NBSB ka kasi hanggang makatapos ka ng college. Pero wag ka mainip. Isa-isa…