The Ants

Let’s ask someone to spray the ants away, said my office mate when I immediately cut him off.

No! I semi-screamed as if he had said something forbidden, unlawful and illegal. As if he wanted to harm the ants and I am the sole protector of all ant-kind. They will go away by themselves, let them be.

He looked at me, his face in a bit of a shock with my reaction to his statement.

I then calmed down and explained to him that the ants are all over our table and are climbing to the ceiling in battalions because its going to rain and that they will be gone even before it rains or maybe after.

He gave me a mocking laugh and asked, what’s the logic on that?

I thought about all those times I’ve seen ant trails on our bathroom wall, on the wall near my bed and everywhere else. I will always tell myself, it will rain once these ant trails are gone. And the accuracy of my predictions are 99% correct.

I remembered the story of The Ant and The Grasshopper and asked myself if this moron of an office mate never heard of this fable.

I explained to him that ants tend to go up to higher places whenever they sense the upcoming rain so as not to drown, and they bring their food as well with them. Though this explanation is clearly an assumption from my side, thinking of what should I do in case I’m an ant and I know that the rain is about to fall. I shall go to higher grounds with my food supply right? A bit of a common sense right? Just like when there is a tsunami warning, we, humans, go to higher grounds to keep ourselves safe.

He said, let’s see if there’s sense in this logic.

Anyway, I told  him to wait and that it will rain soon. This conversation happened on Thursday and it did not rain. Yesterday, I was looking at the sky and it was half sunny, half cloudy and windy and I was half wishing for it to rain so that my predictions can once again come true.

I asked a local if there is any chance of rain. He looked at the sky and said no.

Then last night as I was tucking myself to bed, I heard raindrops falling on the rooftop. It wasn’t so loud initially and I was in doubt. Maybe it was just strong wind. To satisfy myself, I opened the door and saw the wet ground.

Then the rain started pouring hard. I closed the door and listened to the the noise of the roof.

I smiled a victorious smile.

I walked into the office this morning. The ants are gone.

Somewhere Over The Rainbow[s]

It was a warm sunny day. The sky was so clear and the water was bluer than ever.

I told myself, I’ll take a dip later after my shift.

I left the office at 5:30pm and headed to the shores. The sun was still up, it was due to set around 7pm.

Not over five minutes have I stayed in the water when it started raining. It started with a drizzle so I still, kept on swimming. Then it became more than just a drizzle.

The water became cloudy so I stopped my swim. I headed to the beach and sat while the soft rain poured on me.

As I sat, I pondered. How the weather in this part of the world can change so quickly. In a matter of minutes, the bright blue sky turned gray. Just like our thoughts and feelings. In a matter of minutes, this bright happy feeling can suddenly turn into a cloud of deep melancholy, even with just a slight stir of empty words and crappy thoughts.

The rain stopped after a short while and the sun was up again. The sky, ever bright as if it didn’t rain just a few seconds ago. I sat still. I wondered if, like the weather, I should change my mind as well and head back to the water again. Or, keep sitting still and wait for some time till the weather fixes its mind as to whether it wants to keep the sun up or cover the sky with gray clouds again and let the heavens shed tears once more.

The weather can be so confusing at times. And so is life.

The rain finally made up its mind. That’s to leave me and the sun and the sky happier before the night says hello. But it didn’t leave without a trace. Or a gift should I say?

They said, to see a double rainbow is a good omen. Some form of a luck waiting for the one who sees it.

It was my first time to see a double rainbow. I’ve never seen a rainbow that close, let alone two. It seemed so near. I felt like I can almost touch it. Yet it is, still, in reality so far.

I felt like I was in a dream. Of rainbows and white ponies and unicorns. And I wondered if I could ever step on the rainbow and slide to the other side to see whether gold coins await me.

I felt like the world stopped. Like I was in between fantasy and reality. Stuck in the middle of a minute ago and a minute later.

I kept sitting while the whole world moved on. I just looked at the double rainbow and waited until all the colors have faded and I wondered if those colors have turned into stardust sprinkles, blown by the wind somewhere, to grant a lonely child’s wish.

I thanked heavens for the lovely gift. Then I went back to the water to swim again.

FB_IMG_1432698783527
photo taken by my colleague, Ahmed Thaif

Mga Kabalbalan sa Isla

Kahit saan ako mapunta ay sentro yata talaga ako ng mga kakaibang pangyayari.

-Inutusan ako maghatid ng guest sa room dahil busy yung mga receptionists. At dahil diyan naligaw ako dahil kahit maliit lang itong isla ay sala-salabid pala ang pagkakapwesto ng mga villa. Nakakahiya pero nabigyan pa rin ako ng tip na tumataginting na 3 dollars. LOL. Pero binigay ko yung tip sa pakalat-kalat na bellboy na nagsalba sa buhay ko nung nakita niyang naliligaw na ako.

-Lumalangoy lang ako sa kababawan eh nakikipag-unahan pa itong mga sapsap na ito. Kayo na mabilis sa tubig. Kainin ko kaya kayo?

-Pinakapaborito kong gawin dito ay ang pangingisda LOL. Heto ang litrato ng mga nahuli namin nung nakaraan. Dalawang red snapper ang nahuli ko haha.

isda

 

-Sa tinagal-tagal ko na sa propesyong ito, magiging taga-pala lang pala ako ng buhangin bandang huli. LOL.

aysabaw

 

Training-Training-an, Present-Present-an

So dahil mapapadalas ang pakikihalubilo ko sa mga ka-ungguyan kong mga taga Altashushudad, kelangan kong i-enhance ang aking unggoy-ungguyan skills.

Sumali ako sa Presentation Skills Training.

Dalawa ang maeenhance sa mga aattend ng training na ito, paggawa ng presentation sa powerpoint at pagsasalita sa harap ng maraming tao.

Yung una, easy na sa’kin, ehem, yabang. Pero yung totoo, ilang taon na kasi akong gumagawa ng powerpoint presentations kaya hindi na ako hirap gumawa nito – at iyon din ang comment sa akin ng trainer. Maganda ang format ng presentation ko.

Dun naman sa pangalawa, dun ako sumablay.

Handang handa ako at excited ako sa ipepresent ko – Review ng XMen Apocalypse. Pero pagharap ko sa mga tao, nawala lahat ng pinaghandaan ko. Sigh. Nalungkot tuloy ako. Nalungkot ako kasi bakit hindi naging magandang-maganda ang presentasyon ko gayong handa naman ako? At bakit hindi ko nasabi ang mga naisip ko? Nalungkot ako, bakit mas magaling magsalita yung mga ibang kasama ko sa training?

At ang komento pa sa akin nung nagtuturo ay, wala na daw bang ihahaba ang presentasyon ko? Wala na ba akong masasabi?

Gusto kong sumagot na wala nang ihahaba pa yan dahil wala na akong masabi. Pwede ba pagsulatin niyo na lang ako? Bibigyan ko kayo ng mahabang-mahabang kwento kung gusto niyo.

Pero hindi ko sinabi yun at hindi naman tama na malungkot ako. Kaya nga ako tine-train sa pagsasalita dahil dun ako mahina.

Ganun pa man, sana ay mag-improve na ang aking alatshushudad ungguy-ungguyan skills para masaya at sana maging kasing angas ako ni JenLaw.

image: comingsoon.net

Save the Turtles

Ang post na ito ay walang kinalaman sa Ninja Turtles.

Nagkaroon kami ng training session tungkol sa mga pagong at gusto kong maiyak.

Extinct na pala ang mga pagong dito sa banda dito dahil ginagawa palang “delicacy” ng mga local dito (Maldivian) ang mga pagong at ang masaklap ay walang nakalatag na batas para proteksyunan ang mga pagong.

Ngayon ko lang nalaman na out of hundred eggs ay iisa lang ang mabubuhay at magiging baby pagong. Ang masaklap nito, kapag nahuli ng mga local dito ang mommy pagong na nagdadalang pagong, eh parang they killed 2 birds turtles in one shot. Mahina o mababa na nga ang mortality rate (tama ba ang term?) tapos yung mga mommy pagong na buntis pa ang mahuhuli nila, eh ang saklap.

Hindi ko na din babanggitin ang mas masaklap pang hindi makatao at hindi makahayop na paraan na pagpatay sa mga kawawang pagong na ito.

Isa ang hotel namin sa iilang pinayagan na magtago at mag-alaga ng mga pagong sa bansang ito dahil sa aming Marine Life Conservation programs. Inaalagaan namin ang mga mommy at baby pagong at pinapakawalan namin kapag kaya na nilang makipaglaban sa mga masasamang elemento ng sangkatubigan at nilalagyan namin ng marka at radar para malaman namin kung saan sila naglalakwatsa. May mga natrack kaming pagong na nakaabot sa Indonesia at sa Australia pero ang pinakamagaling na parte ay kahit saan pala sila mapadpad, bumabalik sila sa kanilang pinanggalingan matapos ang ilang taon lalo na yung mga mommy pagong na manganganak.

Kaya pakiusap lang na iligtas natin sila dahil you’ll never know. Baka sa susunod ay ikaw naman ang iligtas nila, ninja man sila o hinde.

xoxo,

Aysa the Maldivian Mermaid

 

Turtle

Monkey Monkey Annabel

Noon pa man ay alam ko na, na isa sa mga trabaho ng mga nasa Sales and Marketing ay ang pang-uunggoy. Hindi ko sinasabing mukha silang unggoy o mahusay silang mang-unggoy at hindi ko sinasabi na lahat sila ay nang-uunggoy, ang akin eh yung mga karamihan lang sa mga kakilala ko na nasa Sales and Marketing ay mahusay mang-unggoy.

Hindi ko talaga masyadong paborito ang  departamentong ito dahil hindi talaga ako marunong mang-unggoy verbally,  written pwede pa. LOL. Pero dito talaga ako napadpad, so.

Nitong mga nakaraang araw ay napipilitan talaga ako makipag-ungguyan dahil iniwan ako ng boss ko at nagliwaliw kasama ng mga giraffe at zebra sa South Africa kaya ako na lang tuloy ang naiwang  unggoy dito este  nang-uunggoy.

As in seriously, dahil VIP ang ilang mga bisita ay kailangan kong asikasuhin, mayordoma style. Kulang na lang din ay maglagay ako ng puting table napkin sa kaliwang braso, magsuot ng bowtie at magbukas ng bote ng champagne (pronounced as sham-pag-ne – joke lang) eh butler na butler na ang peg ko. #HindiMadalingKumita

Hindi ko alam kung paano uungguyin ang mga hindi unggoy lalo na pag ang usapan na ay BREXIT tapos mga Briton yung kausap. Gusto ko talagang isingit yung mga teorya ko kung bakit nagkaron ng brexit kaso baka mawalan ako ng trabaho pag ginawa ko. Mga teoryang tulad ng ayaw ng mga Briton na mahaluan ng alien race kaya nagsosolo na sila papuntang MARS o kaya ay may secret deal ang China at UK para pabagsakin ang mundo. LOL.

Yung totoo ay wala akong kaamor amor sa mga gawaing pang-uunggoy pero hindi naman pala ganun kasama dahil nakakalibre ako ng dinner sa resto at nakakakain ng Lobster Bisque Soup at Sea Bass for dinner kapalit ng ungguy-ungguyan na ito. Kaso talagang mahirap maghukay ng ikukwento kapag dalawang oras ang dinner niyo lalo na kung hindi kayo umiinom ng alak dahil walang maimbentong kwentong barbero.

Pero sa totoo lang, ngayon ko lang narealize kung bakit yung mga friends ko na nasa linyang Sales & Marketing ay mabilis makalimot ng pangalan at ng pinag-usapan. Kasi sa dami ng pag-uusapan nyo habang nag-uungguyan kayo, hindi mo na talaga maalala yung iba.

Pero bago pa man ako maging unggoy dito kakasabi ng salitang unggoy ay may iiwan akong ilang tanong.

Sino nga ba si Annabel? At ano ang kinalaman niya sa mga monkey monkey?

Bakit nga ba monkey monkey ganung may plural form naman ang monkey na monkies? Ay monkeys pala?

At sino si Jensen Gomez at bakit ang ganda ng kanta niyang Tulad ng Dati?

 

 

PS: Ang ganda ng kantang Tayo Lang Ang May Alam ng Peryodiko. Kung may hihilingin akong mga kanta na sana ay ako ang nagcompose, isa ito sa mga yun.

 

Tayo lang ang may alam

Nando’n sa pagitan ng paalam at pahiram

Tayo lang ang may alam

Tayo lang

 

credit to the owners of the videos, lyrics and photos

 

image: thewondrous.com

Oh, those feeling-ko-wala-akong-kwenta days

Dumarating sa buhay natin na feeling natin ay wala tayong silbi sa mundong ito at napapaisip tayo ng kung ano-ano na hindi naman kailangan at later on ay nagiging life crisis kung ganun nga ba ang tawag sa pansariling isyu na iyon.

Kanina lang ay naisip ko na parang ang walang silbi ng trabaho ko kumpara sa dalawang kasama ko sa opisina. Bunsod siguro ito ng pagkatuklas ko sa difficulty level ng kanilang mga tasks na nagmukhang hopia yung mga daily tasks ko o kaya ay hindi ako masyadong busy kanina kaya kung ano-ano na lang ang naiisip ko. O kaya naman ay naiinggit ako sa kanila at gusto ko din matutunan ang ginagawa nila. O kaya ay naiinggit ako sa isa sa kanila  na mahigit sa sampung taon na sa kumpanya at nililipat lipat sa iba’t ibang properties kasi “kailangan” siya dahil “kailangan” ang kaniyang expertise.

O baka kaya ako naiinggit dahil sa sort of importansya ng taong ito na willing gastusan ng company na i-relocate dahil importante siya at importante ang mga kaya niyang gawin.

Siguro kaya feeling natin ay wala tayong kwenta sa mundong ito dahil sa liit lang ng kakayanan nating gawin o dahil limitado lang ang kaalaman natin.

Pero hindi dapat ganon. Tinanong ko ang sarili ko (dahil habang tumatagal ako dito ay dumadami ang oras ko na tanungin ang sarili ko at sagutin din ang mga tanong na tinanong ko sa sarili ko) kung kaya ko rin bang gawin ang ginagawa ng kaopisina naming iyon at kung kaya ko rin bang abutin ang pwestong kinalalagyan niya ngayon pero narealize ko na hindi ko kaya dahil patungkol sa mga numero ang kaniyang pinaggagawa na alam kong mahina ako at narealize ko na iba naman din ang profile ko. Na kahit hindi ko kayang gawin ang mga ginagawa niya ay may silbi pa rin naman ako kahit paano sa ibang paraan. At kaya ako nandito ay para gawin ang mga kaya kong gawin at hindi para gawin ang kaya niyang gawin.

Naalala ko tuloy yung kulay black na parang uod na gumagapang sa pader ng opisina kahapon ng umaga. Ito yung uod na kapag hinipan mo or ginalaw ay nagcucurl siya at medyo tumitigas ang katawan niya na obviously, proteksyon niya sa mga humans na magbabalak na tusukin siya ng isang pirasong walis ting-ting.

Ewwweeee para sa akin ang mga uod and the likes pero hindi ko siya pinatay dahil kahit ayaw ko sa kaniya at sa mga katulad niya ay alam kong may silbi sila sa ecosystem, kung ano man ‘yon. Hindi ko siya tinusok ng walis ting-ting. Dahan-dahan ko lang sinundot  ng papel para malaglag sa pader at nung malaglag na siya at nagcurl na ang katawan ay dahan-dahan kong winalis palabas ng office. Hindi ako harsh. No uods were harmed during the process.

Tulad ng uod, maliit man ang kontribusyon natin sa mundong ito ay hindi tayo dapat nalulumbay dahil gaano man ito kaliit o kakaunti o kahalaga ay may silbi pa rin ito. Tulad ng uod ay dapat din nating protektahan ang ating buhay, i-curl natin kung kailangan, kung iyon ang paraan para maproteksyunan natin ang ating sarili laban sa mga masasamang pwersa ng mga nanunusok ng walis ting-ting.

A Test of Patience and Contentment

If there are few things that I have learned  upon living castaway-ingly for almost a month, it’s not how to catch fish using my bare hands nor how to climb a coconut tree.  What I learned  so far (and I’m still learning) are these two virtues that are very difficult to learn, let alone practice in real life.

Patience and contentment.

Prior to flying to Maldives, I was told by my previous boss, never to take my negative attitude (of screaming or arguing or talking sarcastically to idiots) with me to the island as it won’t help me. I understood what he meant and so far I haven’t breached my patience contract yet, although, I almost did a few days ago, but I did not. I really tried not to because if I did, I would suffer for the rest of the months or  years that I’ll be  working here and seeing this person’s face in the canteen, in the laundry, by the pathways, in the office and well, everywhere in the island to be exact.

The staff here lives in dormitory like rooms, and we all have room mates, unless those on the higher ranks. I have a room mate. She is very quiet and I like her that way, though it feels so awkward sometimes. Not talking to each other that much means less chances of arguing over small things like who did not turn off the lights or who did not lock the door. There’s just some silent type of understanding between us and I just like it that way. What I was able to do in Dubai, (like cursing at previous flatmates who stole my hotdogs or fruit juice in the fridge or just moving to another apartment whenever I want to if I can’t stand my flatmates anymore) is something I can’t do here so I need to be extra patient even though my roommate still have not shown any signs or symptoms that might set off my patience alarm.

On my first few weeks here, I wasn’t eating dinner. As I mentioned in one of my previous posts, the dinner served daily are mostly local food that is meant for those who have been fasting the whole day since it is Ramadan – though this will change once Ramadan is over. And since I am very picky with food, I’d rather not eat than regret  having eaten something I don’t like.

I also mentioned that I have been craving for a lot of food that is not available here (and will never be), and that I have brought with me just a carton of my preferred brand of 3 in 1 coffee which is about to completely disappear from my life within the next week or so.

At one point, I felt very deprived of the “simple” things that I want in life. But lately, maybe because I have adjusted to the lifestyle, I realized that what’s here, what’s been provided to us is really more than enough. That these cravings for food and for preferred brand of coffee are merely human desires, that we can control if we want.

Maybe, mind over matter? Is this just easier said than done? Or is this just easy for me because I don’t have a choice?

You might say it is easy for me to speak about patience and contentment because at the moment I don’t have a choice. But I think I’d like to continue living this lifestyle even after my island life is over and I hope I can really do so. And I hope I could practice this contentment not only on food matters, but also, in my life as a whole.

Reading this, I’m asking myself now if I’m slowly turning into a monk.

Just A Short…

Lately, may iniistalk akong travel blogger. Mej naiinggit ako kasi naiimbitahan siya for  all expense paid trips kasi, sa sobrang dami ng followers niya, ok lang na gastusan siya ng mga hotels para lang ma-feature sila sa website niya.

So inisip ko kung pano ako maiimbitahan. Inisip ko din kung paano ako magkakaron ng madaming followers. Pero bandang huli naisip ko na hindi naman pala ako travel blogger, so bakit ko tinatanong ang sarili ko kung paano ako maiimbitahan?

Anyway, for sure, pinaghirapan ng blogger na iyon na maka-gain ng hundred thousand followers at para makilala siya sa larangan niya.  Hindi ko naman hangad magkaron ng sobrang daming followers tulad niya at lalong wala akong balak maging travel blogger. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nainggit. Epekto siguro ng pagiging castaway.

Pero all in all, travel blogger man o hinde, isa lang ang moral lesson dito.

Work hard until you no longer have to introduce yourself.

Work Hard Until

Kung anong kinalaman ng picture sa quote, bahala na kayong humusga pero wala akong ibang ma produce na litrato kundi puro litrato ng dagat, sunset, buhangin, gumamela, santan at bougainvilla.

Teka, just a short lang to.