Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga

Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga ay sinulat  ni Jack Alvarez, isang OFW na nakabase sa Saudi Arabia.

Kinuha ko ang librong ito sa NBS, randomly at akala ko, yung usual na makabagbag damdaming kasaysayan na naman ng mga OFW na overly-dramatic at kung anek anek pa ang mababasa ko. Pero mali ako.

Nagulat ako sa mga kwentong tumambad sa akin nung mabasa ko ang librong ito.

Ang sabi sa likuran ng libro ay confession daw ito ng may akda at kung totoo man ang lahat ng mga kwentong nasa loob ng librong ito ay saludo ako kay Jack Alvarez. Una, dahil sa tapang niyang harapin lahat ng mga hinarap niya sa Saudi, ultimo pagkakakulong ng ilang araw at pangalawa, dahil sa tapang niyang ihayag ang mga sensitibong parte ng buhay niya.

Para sa mga nakapagtrabaho sa Gitnang Silangan, kahit pa hindi talaga sa Saudi, basahin niyo ito. Paniguradong kahit isa sa mga dagling kwento ni Jack Alvarez ay makakarelate kayo.

At kung hindi man kayo makarelate dahil hindi niyo naranasan ang kahit isa man sa mga kwento niya, maaliw naman kayo sa pagbabasa dahil sa husay ng pagkakasulat niya ng mga isyung kinakaharap ng mga OFW na minsan ay pinipikitan na lang natin ng mata, mga isyung pabulong lang natin minsan kung pag-usapan at mga isyung minsan ay ating tinatakasan.

20170207_192921
Nag-effort ako mag flat lay mga Bes! Pansinin niyo! Nag-effort ako!!!

Books, Recently

Blind Willow, Sleeping Woman

This was my first time to have read a book written by Haruki Murakami. I never knew he was so so good.

This book is a collection of short stories and every time I’m down to the last page of each story, I would stare at the wall and ask myself, what the hell happened? Is the story over? And I would try to recall what actually happened and still, I would be left mind-f@*#ed.

One of the short stories in this book inspired me to write In Case I Don’t Come Back.  The title of the story is Man-Eating Cats and it is about a Japanese couple who ran away to Greece, then all of a sudden, the lady disappeared.

blind-willow-sleeping-woman
Fergy the Frog says hi!

 

The Magic Strings of Frankie Presto

Mitch Albom is one of those authors who will always leave you crying by the end of his novels. However, this one just didn’t make me cry.

This book is about a sad life of a musician – Frankie Presto. This is fiction, I know, but a lot of Frankie’s struggles will surely be the same as the struggles that each musician faces in real life, a sad reality.

The story is beautiful, what else can we expect from Mitch Albom right? But it just didn’t connect with me.

Though this book ignited some fire in the musician in me.

Image result for the magic strings of frankie presto
image: https://www.harpercollins.com/9780062294418/the-magic-strings-of-frankie-presto

Lost

I was so excited (as always) when we went to National Bookstore during my short vacay back home and I immediately went to Fil Books to check out what I can grab.

I saw this weird looking book called LOST. I grabbed it without even opening the plastic cover. I thought, I wanted to be surprised.

And, I was indeed surprised.

I don’t usually judge the book by its cover (ha ha) but I assumed that this book would certainly have a lot of illustrations on it. I didn’t expect though that there would be no text at all. Purely illustrations ha ha.

I don’t know how to feel about it. At one point I felt that I wasted my Php 200 for a comic book. Though I must say, the illustrations are great and to be fair, there’s a story. I just didn’t understand it LOL.

This book isn’t just for the likes of me. Sorry Rob Chan.

Image result for LOST anino comics
http://www.flipgeeks.com/comic-reviews/review-the-adventure-goes-deep-in-lost

Twisted 9

This is the first book of Jessica Zafra that I’ve read and I don’t know how I am going to react.

This book is a collection of her essays, personal I guess and a lot about Roger Federer and his winning and losing moments – something I’m not much into.

She’s good, but she’s like alien good. Sometimes I feel like I’m reading an unknown language ha ha!

Twisted 9
http://www.goodreads.com/book/show/10244746-twisted-9

If I disappointed you with my comments about the books, please be informed that this ins’t your usual book review.

I Know Why the Caged Bird Sings by Maya Angelou

Ito ang kauna-unahang libro ni Maya Angelou na nabasa ko (at hindi ito ang magiging huli). Hindi ko siya talaga kilala dati. Narinig ko lang ang pangalan niya noong pumanaw siya nung nakaraang taon.

Ang I Know Why the Caged Bird Sings ay tungkol sa buhay niya mula noong bata pa siya hanggang mag labing pitong taong gulang siya. Ito rin ang kauna-unahang libro niyang na-publish noong 1969 (hindi totoong mahilig akong mambungkal ng mga sobrang lumang libro).

Isa lang masasabi ko sa kaniyang paraan ng pagsusulat, nakaka nose bleed. Ewan ko lang, pero medyo dumugo yung ilong ko. Hindi naman dahil sa sobrang hirap ng mga salitang ginamit naiintindihan ko naman yung karamihan(pero mahirap pala yung iba ha ha), hindi naman wala sa bokabularyo yung mga salita pero yung pagkaka-construct ng sentence ang nakaka nose bleed. Ewan, baka ako lang to. Baka naninibago lang ako dahil unang beses ko pa lang nakapagbasa ng libro niya.

Tinalakay sa libro ang mga isyu ng murder, sex at mas pinakamadalas mabanggit ay yung racism bilang Black American si Maya at binanggit ang mga ito sa pananaw ng isang batang Maya Angelou. Higit sa harap-harapang pangmamaliit ng mga puti, pinapasok din sa kukote ng mga batang itim na iba sila, iba rin ang mga puti. Na dapat gumalang sila sa mga puti at di sila dapat tumawid sa teritoryo ng mga puti. Kinuwento din kung paano na lang patayin ng brutal ang mga itim pag may nagawa sila sa mga puti kahit napakaliit na bagay lang at kung paano manalbahe ang mga puti.

Minsan nabanggit ni Maya na hindi daw humans ang mga puti, mga whitefolks at powhitetrash lalo na nung bastusin ng mga batang puti ang lola niya.

Pinakamatinding diskriminasyong nabanggit sa libro ay nung magpapatingin sa dentista si Maya dahil sobrang sumasakit na yung ngipin niya at dinala siya ng lola niya sa isang puting dentista. Sinabi ng dentista na mas gugustuhin niya pang ipasok ang kamay niya sa bibig ng isang aso kaysa sa isang negro. Ang lupet lang. At to think, itong dentistang ito ay pinautang pa ng lola ni Maya noong nakaranas sila ng matinding recession. Matindi lang.

Kakaiba din ang mga pananaw ng mga itim pagdating sa relihiyon lalo na ata ng mga matatanda nung panahon noon. Biruin mo’y tinadtad ng palo si Maya ng lola niya nang sabihin niya sa kapatid niyang, By the way, Bailey, Mrs. Flowers sent you some tea cookies….Akala ko kaya nagalit yung lola niya dahil ayaw niyang tumanggap ng kahit ano mula sa iba yun pala kaya siya nagalit dahil sa term na ‘by the way’ dahil daw sabi sa biblia “Jesus was the Way, the Truth and the Light,” kaya pag sinabi mo daw na ‘By the Way’ katumbas daw noon ang ‘by Jesus’ o ‘by God’ na isang paglapastangan sa pangalan ng Diyos. At nung pinaliwanag nila na yung mga whitefolks daw ay normal na ginagamit ang ‘by the way,’ dahil daw iyon sa wala silang galang sa Diyos sabi ng lola nila. Ang weird lang.

Isang magandang babasahin ito. Pangalawang beses pa lang akong nakapagbasa ng tungkol sa diskriminasyon sa mga itim, yung unang libro ay puti ang nagkukwento at ang ‘feeling’ ay puro awa dun sa dinidiscriminate. Ito naman yung dinidiscriminate ang nagkukwento kaya iba yung atake.

At bilang panapos ng post na ito, isang napakagandang linya mula sa librong ito ang aking iiwan:

Colors weren’t true either, but rather a vague assortment of shaded pastels that indicate not so much color as faded familiarities.

I Know Why the Caged Bird Sings

pasensya na po sa image. malabo ang kuha huhu

And the Mountains Echoed by Khaled Hosseini

Haay. Kagaling lang ni Khaled Hosseini kumurot ng puso.

And the Mountains Echoed

Author si Hosseini ng Kite Runner at A Thousand Splendid Suns. Nabasa ko na din yung A Thousand Splendid Suns eh. Basta ang magiging reaksyon mo pagkatapos mong magbasa ng libro niya ay ‘napakasakit Kuya Eddie.’

Ang kwentong ito ay umikot sa buhay ng mga taong konektado sa isa’t isa pero pinaglayo-layo ng tadhana dala ng iba’t ibang sirkumstansya sa buhay. Bida dito sina Pari at Abdulla, magkapatid na Afghan. Nagkahiwalay sila dahil binenta si Pari (mas batang kapatid na babae), sa mayamang amo ng Uncle nila. Doon nagsimula ang napakaraming sala-salabid na kwento ng buhay nila at ng mga taong naapektuhan nila.

Si Pari, mula Afghanistan ay napuntang France. Si Abdulla naman, napadpad ng Amerika nung sumiklab ang gera sa bansa. Nabura ang alaala ni Pari nung kabataan niya kaya hindi niya naalala na may kapatid pala siya. Nagkita rin naman sila muli nung matatanda na sila. Kaya lang, by this time, si Abdulla naman ang hindi na nakakaalala sa kaniya.

Pinakamagandang aspeto ng librong ito ay may kaniya-kaniyang side of the story ang bawat karakter kaya makikita ng mambabasa ang point of view ng bawat isa, ang mga dahilan sa likod ng kanilang mga desisyon, etc.,

Madalas tinatalakay sa mga kwento ni Hosseini ang gera sa Afghanistan, isyu ng pamilya, isyu ng feminism, kaya para kang nagkakaroon ng glimpse sa kulturang mayroon ang bansang iyon.

Overall, napakagandang babasahin. Maganda pero napakarimdim na kwento.

PS
Ito ang mga paborito kong linya sa libro:

“They say, Find a purpose in your life and live it. But, sometimes, it is only after you have lived that you recognize your life had a purpose, and likely one you never had in mind.”

“But time is like a charm, you never have as much as you think.”

Madaling Araw by Inigo Regalado

Unang nailathala ang nobelang Madaling Araw noong 1909 kung kaya’t ang tema at setting nung libro ay mundong sobrang layo sa kung ano ang ating kinagisnan. Pati yung mga Tagalog na salitang ginamit ay sobrang lalim na minsan pakiramdam ko ay nagbabasa ako ng ibang dayalekto. Minsan may hindi ako maintindihan. Aba! Akala ko ay malalim na akong mag-Tagalog. Ay! Hindi pa pala!

Si Inigo Regalado (enye yung n sa Inigo) ay kaibigan nila Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino at tanyag sila sa U.P. bilang Tres Mosquiteros. Mga haligi ng sining. Alam niyo na siguro kung ano ang dapat i-expect sa kaniya?

Aminado ako na hindi ko kilala si Regalado at talagang tsambahan lang ang pagkakakuha ko sa librong ito nung namili ako sa NBS ng mga Tagalog na libro noong nakaraang taon.Nawirdohan pa nga ako sa book cover. Kako, bakit may patay na ibon?

Aminado din ako na nung nasa bandang unahan pa lang ako ng libro ay gusto ko na itong itiklop dahil sa sobrang bagal ng kwento pero buti na lang hindi ko ginawa iyon. Napagtanto ko na kaya mabagal ang kwento ay sadyang ganoon ang takbo ng buhay mahigit isang daang taon na ang nakakaraan, di tulad ngayon na lahat ay mabilisan. Lahat ng mensahe gusto may reply agad. Kapag seen ang mensahe at walang reply, magtatampo na agad. Isipin mo na lang noon? Nung ang means of communication ay sulat lang. At pinakamabilis na ang telegrama?

Kayamanan ang obrang ito.

Ayaw kong ikumpara pero para talaga siyang Ana Karenina (hindi yung palabas ni Antoinette Taus, Kim Delos Santos at Sunshine Dizon ha grrrrrr). Siguro, kaya ko napaghahambing ang dalawa ay dahil halos nasa iisang panahon lang nangyari ang kwento, isa pa pareho itong napakagagandang mga nobela.

Ang Madaling Araw ay isang romantikong nobela na umikot sa pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan na si Mauro at Luisa at iba pang mga magkakapareha. Maraming trahedya ang pinagdaanan ng mga magkakasintahan, yung iba ay nauwi na lang sa pagkakasawi dahil sa matinding kalungkutan na dala ng mga pagsubok sa kanilang pag-iibigan.

Sa kwento, parang binubully ng mga kabataang Pinoy ang mga Pinoy na laking Amerika. Mayroon silang mga tinawag na ‘Filipino Boys’ na pinagtatawanan nila dahil nagpupumilit magsalita ng ‘lengwahe ni Shakespeare.’ Ang kulit lang. Samantalang ngayon, lahat gusto magkaron ng American accent ano?

Noong wala pang telebisyon ay kakaiba ang libangan ng mga kabataan. Nagbubugtungan, sayawan ng walts at rigodon at kantahan ng kundiman. Iniimagine ko lang, ano kaya kung ganiyan pa din ang libangan hanggang ngayon?

Sa kalagitnaan ng romantikong pag-iibigan ay biglang may mahahabang talatang naghahayag ng dakilang pag-ibig sa tinubuang lupa, bagay na hindi kataka-taka sa ganitong klase ng libro.

Marami ring iba’t-ibang isyu ng lipunan ang tinalakay sa librong. Isyu noong panahon nila na isyu pa rin hanggang ngayon tulad ng pagtangkilik sa produktong banyaga at isyu noong parang hindi na masyadong isyu ngayon tulad ng sobrang higpit na mga magulang na nangungurot sa singit at namamalo ng sinturon.

Habang binabasa ko ito ay na-i-imagine ko na ang mga senaryo ay parang yung mga nasa pelikulang makaluma. Black and white, makaluma ang buhok at pananamit ng mga gumaganap, naka kamesita de chino ang mga lalake at naka baro’t saya naman ang mga babae. Madrama. Maraming iyakan. Maraming panibughuan. Simpleng buhay. Tumatanaw sa bintana sa kinahapunan. Nag-aawitan sa ilalim ng punong mangga. May mga kalesa. Sayawan. Kundiman. Bugtungan. Karnibal sa Luneta. Mga parte ng ating pagka-Pilipinong madalas mahahagilap na lang sa mga titik sa libro at sa likod ng pinilakang tabing.

Madaling Araw
Madaling Araw

Responde

Alas syete kinse nung makasakay ako ng tren, hindi naman sikisikan pero walang bakanteng upuan. Nilabas ko ang librong nasa bag. Responde. Nakatayo ako sa tren habang nagbabasa at nagbabalanse na parang nasa gitna ng tsubibo, parang pumepreno rin and mga paa kasabay ng pagtigil ng tren sa bawat istasyon para di matumba sa mga ungas na lalaking nagtutulug-tulugan at walang pakialam kung ang nakatayo sa tren ay babae, buntis o matanda, basta sila nakaupo.

Maliit yung libro, napakanipis kung ikukumpara sa iba, halos kasing nipis lang ng mga Precious Hearts pero punong puno ng angas, pangarap, kirot at galit.

Marami akong nakikita sa aking peripheral vision na sumisilip sa cover ng libro o kaya sa summary sa likod. Baka nais nilang malaman kung bakit hindi 50 shades and binabasa ko.

Responde by Norman Wilwayco
Responde by Norman Wilwayco

Manipis lang yung libro pero di ko pa ito natatapos basahin, di ko kasi minamadali. Ninanamnam ko ang bawat mensahe, bawat linya na nababasa ko. Anong meron at anong wala. Andaming naglalaro sa aking utak. Mga ideyang inagiw na sa matagal na pagkakahimlay na muling nagising dahil sa mga nabasa ko.

Andaming ideya, naguumapaw sa utak ko. Di ko alam kung paano isusulat.

Si Amapola sa 65 na Kabanata

litrato mula sa goodreads
litrato mula sa goodreads

Hindi ito isang book review. Seryoso ako.

Habang ang lahat ay nababahala sa nakakahawa at walang lunas na sakit na Ebola, ako naman ay nagbabasa ng kwento at kabaklaan ni Amapola.

Hindi ko kilala si Ricky Lee pero narinig ko ang librong Para kay B, bagaman hindi ko ito nabasa. Lumaki akong….tumanda akong ang tanging kilalang Pilipinong manunulat ay si Bob Ong at Lualhati Bautista, pero wala ni isang libro ni Madam Lualhati ang nabasa ko. Ah, nabasa ko pala ang libro ni Ramon Bautista pero parang nanghihinayang ako sa perang pinambayad ko. Nanlumo ako nung mabasa ko ang Bakit di ka Crush ng Crush Mo kasi nag-expect ako ng higit pa sa kung ano ang nabasa ko.

Nananabik ako sa mga Tagalog na libro. Palibhasa, walang mabibiling ganun dito. Kaya nung umuwi ako last month sa Pinas ay nag shopping spree ako sa National Bookstore. Hindi ko alam kung sino sino ang mga manunulat ng librong nabasa ko. Kumuha lang ako ng mukhang interesante yung plot at yung cover. As long as hindi ito mga wattpad wattpad, kinuha ko ito. Syempre kumuha din ako ng libro ni Madam Lualhati, dalawa he he.

Isa na nga sa mga nabili ko ang Amapola. Pag-uwi ko, binasa ko ulit yung plot sa likod ng libro. Nasabi ko sa sarili ko, “ay putek, bakit ko ba binili itong kabaklaan na ito?”

Wala naman akong sinabing ayaw ko sa mga bakla, o tomboy o sino pa man pero ngayon lang kasi ako makakapagbasa ng libro na bakla ang bida. At ayokong ayoko kasi ng mga salitang churva ek ek at kung ano pang salitang bading.

May 45 minutes ako para basahin ito sa umaga papasok sa trabaho at 45 minutes ulit sa gabi papauwi habang nasa tren. Ugali talaga ng mga tao na umusyoso sa mga taong nagbabasa mapa dyaryo, libro o ebook man ang binabasa mo. Minsan kahit naglalaro ka ng candy crush o zombie tsunami ay nakikiusyoso din sila.

Kapag ibang lahi ang umuosyoso sa pagbabasa ko ng Amapola ay inaalis agad ng tingin dahil hindi naman nila naiintindihan, pero meron din naman na talagang mapilit at mapapansin mong kulang na lang ay kunin na sayo yung libro. Oo, madaling basahin ang Tagalog dahil ABC ang gamit naming alpabeto di tulad ng mga letra ng Korea o kaya Thailand pero di mo pa din ito maiindtindihan kung hindi ka Pilipino. Sabagay marami namang English na salita sa libro bilang Taglish Gay-lingo ang ginamit ng manunulat.

Kapag Pilipino naman ang umuusyoso, kung makatingin naman ng masama pagkatapos basahin yung back cover ng libro na may nakasulat na “ASWANG KA BA?” “NARINIG MO NA BA ANG ALAMAT NG BAKLA?” at “MAY PAG-ASA PA BA ANG PILIPINAS?” Nakibasa na nga lang iismid pa. Kung tingnan ka pa nila ay para bang sinasabing “Bakit di na lang libro ni Mitch Albom o Paulo Coelho ang basahin mo?” “o kaya Divergent?”

Noong una ay hindi ko naiintindihan kung anong meron sa kwento ni Amapola lalo na ang paulit ulit na pagbabanggit sa mga Noranians. Fan kaya ni Nora si Ricky Lee? Hindi ko rin naiintindihan kung anong meron sa donut. Pero habang binabasa ko pa at nakakalahati ko na yung libro ay dun na ko nagandahan.

At dahil hindi naman talaga ito book review, ibabahagi ko lang naman yung pinakamagandang parte na nabasa ko dito. Syempre hindi ko kabisado kaya bubuklatin ko yung libro ngayon kung saan nandon ang bookmark ko. Chapter 32.

– Napaka-imaginative ng Pilipino at di nauubusan ng mga bagong paraan ng pagdurusa. Nakikita ko ang iba’t ibang mukha ng kahirapan. At kabobohan.

– Ano nga ba ang nangyayari sa mga kababayan kong ito? Wala na nga ba talaga silang pag-asa? Lagi na lang silang nakapila – para bumoto, para humingi ng relief goods, para manalo sa lotto, para maabutan ng premyo sa TV, para makahingi ng hustisya.

Wala na kong idurugtong kasi yang parte lang na yan ang pinakapaborito ko at pinauulit ulit sa utak ko, parang yung scene na niyakap ni Do Min Joon si Cheong Song Yi sa My Love from the Star noong nagkasundo na sila.

Yun lang.