Mga Kabalbalan sa Isla

Kahit saan ako mapunta ay sentro yata talaga ako ng mga kakaibang pangyayari.

-Inutusan ako maghatid ng guest sa room dahil busy yung mga receptionists. At dahil diyan naligaw ako dahil kahit maliit lang itong isla ay sala-salabid pala ang pagkakapwesto ng mga villa. Nakakahiya pero nabigyan pa rin ako ng tip na tumataginting na 3 dollars. LOL. Pero binigay ko yung tip sa pakalat-kalat na bellboy na nagsalba sa buhay ko nung nakita niyang naliligaw na ako.

-Lumalangoy lang ako sa kababawan eh nakikipag-unahan pa itong mga sapsap na ito. Kayo na mabilis sa tubig. Kainin ko kaya kayo?

-Pinakapaborito kong gawin dito ay ang pangingisda LOL. Heto ang litrato ng mga nahuli namin nung nakaraan. Dalawang red snapper ang nahuli ko haha.

isda

 

-Sa tinagal-tagal ko na sa propesyong ito, magiging taga-pala lang pala ako ng buhangin bandang huli. LOL.

aysabaw