FAQs – HRM Course Part 2

Question:

Ano ang ginagawa kapag nag aaral ka ng HRM
Ang tanong na ito ay madalas nagmumula sa mga batang gustong kunin ang course na ito ngunit clueless sya sa mga pangyayari. Napaka broad naman kasi pag sinabing “Hotel and Restaurant Management.” Ano nga bang gagawin ko pag kinuha ko ang course na yan? Anong pag aaralan namen? Anong mga subjects meron? Magluluto ba kami? Pano kung di ako marunong magluto? Pagaaralan ban amen kung pano mag manage ng hotel at restaurant?

Tinanong ko din yan bago ako magenroll noon, una dahil hindi talaga ako marunong magluto at naisip kong baka bumagsak ako sa mga cooking classes. Pangalawa ay ang tanong na pagluluto lang ba at management ang pagaaralan ko sa loob ng apat na taon. Sabi naman ng nanay ko, kaya nga magaaral ka para matuto ka. So nag enroll naman ako ahehe.

Syempre bawat college o university, iba’t iba ang curriculum at mga activities na ginagawa. So ibabahagi ko na lang ang aking mga karanasan noong ako ay pumapasok pa sa aking Sintang Paaralan para naman may clue kayo in general kung ano ba ang mga ginagawa ng mga HRM students.

Sa unang taon ng course na ito, syempre puro Introductory subjects muna tulad na lang ng Intro to Hospitality. Dito ituturo sa inyo ang iba’t ibang uri ng hotels, restaurants, mga food chains at kung ano ang pagkakaiba ng mga ito sa isa’t isa ganun din ang structure ng bawat isa. Naalala ko noon na inutusan kame ng Prof namen na libutin ang Maynila at manguha ng mga Hotel Brochures (muka kaming palaboy hehe).Pero as a freshman, napakagandang exposure nitong ipinagawa samen ni Prof. Aba, noon lang ako nakakita (as in first time) ng napakagagandang mga lobby ng hotel na may mga fountain pa at halos diamond na kumikinang ang mga chandeliers. Edi nawala ang pagka Indio ko. Andyan din ang matataas na front desk counters at sa likod noon ang mga naggagandahan at nagggagwapuhang at nagtatangkarang mga receptionist. Napaisip tuloy ako kung itutuloy ko pa ba ang kursong ito kasi hindi naman ako kagandahan ha ha.

May subject din kameng Intro to Food Service Techniques kung saan itinuro sa amin ang mga basic table set up at service (oha oha). Pagandahan ng set up at paangasan sa creativity. Itinuro na din sa subject na ito ang mga klase ng table service tulad ng Russian, French, American at Family Service. Syempre may mge demo yan. Kami na nag setup ng lamesa, kami pa nagluto, kami pa nag serve ng pagkain ahehe at higit sa lahat kami pa naghugas ng pinggan at naglinis. Tinuruan din kame dito kung ano ang 7 basic napkin folds (sailboat, banana, pyramid, candle, bishop’s hat, fan at lotus na syang pinaka time consuming gawin) at naalala ko na iyon ang Final Exam namin. Kelangan maitiklop ang 7 napkins sa loob ng isang minuto (take note nagawa ko yon within 57 seconds haha). Anu ba yan nabubuhay ang aking mga alaala ha ha ha.

Isa sa mga minor subjects nyo ang P.E. at kinakailangan nyong magswimming. Guys and Gals required kayo matuto nyan lalo na sa mga nagbabalak sumakay ng barko. Don’t take this subject for granted mga kids.

Nung 2nd year naman kame ay nagkaroon na kami ng baking classes. At ang final exam namin ay magbake ng cake. By twos ang grouping at kami ng partner ko ay parehas walang alam. Pero matagumpay naman naming napatayo ang Pineapple Upside Down Cake (para paraan lang yan). Hindi madali mag bake. Lalo na kung walang tamang equipment. Manual kaming naghahalo ng harina at itlog noon at bawal magpalit ng ikot ng halo kung hindi pangit ang kakalabasan ng cake base. Kaya nga lumaki ang braso naming kakahalo. Ang pinaka enjoy na part nito ay natuto akong gumawa ng flower dun sa cake. Hindi din pala basta basta yun. Pinagawa kame ng 200 flowers of different sizes and colors ang saya saya.

Nagkaroon din kami ng subject na housekeeping kung saan syempre kailangan naming matutong magwalis at mag mop. Hehe pero hindi lang yan. Natutunan namin kung ano ano ang mga patong patong na telang inilalagay sa ibabaw ng kama. Kaya pala mukang malaki ang mga hotel beds dahil sa mga kobre kama hihihihi.Hindi pala ganun kadali ang trabaho ng mga room attendants lalo na pag malaki yung kama. Bukod pa dyan natutunan namen gumawa ng mga flower arrangements sa subject na ito na kung saan ay nagpaangasan na naman pagdating sa creativity.

Nasa 3rd year naman ako nung International Cuisine na ang pinag aralan namen. Syempre, bawat isa magrereport ng cuisine ng iba’t ibang bansa. At ang na-assign saken ay Germany. Alam ko lang ay dun sa kanila nanggaling ang Octoberfest at mahilig sila sa mga sausages at Sauerkraut.
3rd year na din kami nung may Beverage Management subject na kami. Paborito ko yang subject na yan hindi dahil inuman sa loob ng klase, tinitikman lang naman namin yung alcohol. Kaya ko yan paborito kasi dyan ako natuto mag flairing. Hindi ako masyadog magaling pero gustong gusto ko yan. Kahit nagkakanda bukol bukol ang noo ko at pasa pasa ang braso ko tuwing babagsak saken yung bote ng emperador ay ayus lang. Nakakatuwa pag nakakabuo ako ng routine at kapag hindi na bumabagsak yung bote. Sumali nga ako sa isang bartending competition (hay nagmaganda) talo nga lang pero it was a great experience at achievement na yun para saken nung time na yun.

Syempre hindi matatapos ang pagaaral natin kung hindi magkakaroon ng thesis at practicum. Hindi ko na ieexplain ang thesis kasi alam kong alam nyo kung ano ang ibaig sabihin ng salitang – madugo. Sa practicum naman twice ako nag OJT. Restaurant practicum nung 2nd year ako at Hotel practicum nung 4th year ako. Hmmmm, marami din akong kwento tungkol sa practicum na yan pero saka ko na lang ibabahagi kapag merong nagtanong dahil isang malaking topic na naman yan at hindi na yan kasali sa question of the day.

Ayan mahaba haba din ang naikwento ni Lola Basyang ngayon tungkol sa kanyang buhay kolehiyo at sana ay makatulong ito sa mga nangangalap pa ng impormasyon. Marami pa akong hindi naisali dyan pero impormasyon lang ang gusto kong ibigay sa inyo mga bata at hindi ang aking talambuhay kaya taympfers muna.

Hanggang sa susunod!

Ciao!

___

Mga babasahing may kinalaman dito:

https://aysabaw.wordpress.com/2012/09/23/hotel-and-restaurant-management-course/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/08/22/nag-aral-ba-tayo-para-maging-waitress-lang/

https://aysabaw.wordpress.com/2013/03/05/faqs-hrm-course-part-1/

http://hotelierako.wordpress.com/2013/08/22/a-day-in-a-life-of-a-business-center-team-leader/

http://hotelierako.wordpress.com/2013/08/23/a-day-in-a-life-of-a-demi-chef-de-partie/

http://hotelierako.wordpress.com/2013/08/25/a-day-in-a-life-of-an-assistant-restaurant-manager/

____
Maraming salamat po sa mga bumabasa ng isinulat ko patungkol sa mga kalimitang itinatanong tungkol sa HRM Course at para po sa mas marami pang impormasyon, pakidalaw po ang blog ko na naglalaman lamang ng mga post patungkol sa hospitality http://hotelierako.wordpress.com/. Salamat po ulit 🙂

FAQs – HRM Course Part 1

Sa tuwing sinisilip ko ang stats ng blog ko, napapansin kong marami rami ang tumitingin sa isinulat ko tungkol sa HRM course. At kapag tinitingnan ko ang mga terms na ginamit nila para mahanap ang blog ko ay natutuwa ako sa iba’t ibang mga tanong na nilalagay nila patungkol sa kursong ito. Siguro maraming mga kabataan ang nagnanais na kumuha nito o kaya ay maraming nalilito at kumukuha pa ng impormasyon patungkol dito. Marami din namang mga katanungan na tila out of this world at natatawa talaga ako habang binabasa ko.

O sya, nagmamagaling na naman ako at mangangahas akong sagutin ang ilang mga katanungang nabasa ko.

Question # 1

Magkano ang baon mo pag HRM ka

Guys and gals, depende po yan sa inyo. Ang baon ko noong kapanahunan ko ay 100 pesos a day kasi 50 pesos and pamasahe ko balikan mula samen hanggang sa school at 50 pesos ang breakfast, lunch and dinner budget ko pati pala meryenda. At nung nagtaas ang pamasahe eh 120 pesos na ang baon ko hanggang makagraduate ako.  Kung ang tinatanong nyo naman ay kung magkano ang magagastos nyo sa mga practical exams or trainings eh naku, I’ll be frank. Magastos po ang kursong HRM, kung iyan ang gusto nyo talagang malaman. Marami rami kayong gagastusan, halimbawa na lang kapag may baking or culinary subject kayo. Syempre kayo ang bibili ng mga ingredients. Kapag may beverage subject naman kayo, syempre bibili din kayo ng mga liquors at mixers. Kapag naman may mga functions or events at kelangan nyo mag arrange ng mga flowers at centerpiece eh kelangan nyong gumising ng maaga at magpunta sa Dangwa…ahehe. May mga ibang curriculum na may Intro to Tourism subject kayo at kelangan nyo syempre mag-tour kaya gagastos na naman kayo.

Uulitin ko, magastos ang kursong ito. Pero kung ito talaga ang passion mo, ito ang kunin mo. Makikita mo naman kasi ang resulta ng mga pinaghirapan mo kapag naka graduate ka na at nakahanap ng magandang trabaho.

Question # 2

Marami bang Math subject ang HRM

Maraming estudyante ang nagsasabi na mahina daw sila sa Math kaya HRM ang kukunin nilang course. Aaminin kong napakahina ko sa Math at kahit fraction at decimal ay iniiyakan ko pa (huhuhuhu) pero hindi naman ito ang dahilan kung bakit HRM ang kinuha kong course, slight lang ahehe. Guys and gals, bigyang dangal nyo naman yung kurso. Baguhin naman natin ang image ng kursong ito kasi minamata mata ng iba at sinasabing ang HRM ay tapunan lang ng mga hindi nakaabot sa kota ng Engineering or Accounting o kaya tapunan ng mga walang ibang course na maisip at kung ano ano pa. Hindi naman talaga sa ganon. Exciting ang course na ito, kasi walang masyadong Math (hahaha) at hindi kelangan mag compute (isa pang ha ha ha). Uulitin ko, hindi boring ang kursong ito (isa pa ulit ha ha ha).
Meron din pong Basic Math subjects sa HRM tulad ng Accounting, Algebra (yata) at Statistics (ganyan yung nasa curriculum ko noon, di ko lang sure ngayon). Pero as I said, hindi nyo kelangan ng scientific calculator at mahahabang ruler dito. Ang kelangan nyo – spatula, chopping board, shaker at flairbottle saka magandang background music (ahehe).
Para sa mga katulad kong hindi Math Wizard, pag isipan nyo munang maigi. Wag nyong kunin ang kursong ito nang dahil lang mahina kayo sa Math. Kung wala kayong passion para sa Hospitality ay wag nyo na lang ituloy. Lilinawin ko ha, ang Hotel and Restaurant Management ay hindi po para sa mga mahihina sa Math, para ito sa mga may kakayanan na humarap at makipag usap sa tao (in short makakapaal ang face…ahehe biro lang), sa mga taong presentable at kaaya-aya( in short model-modelan ahehe), sa mga taong smart at masayahin in nature.

Ayan, hanggang dito na lang po muna tayo at sana ay nasagot ko ang mga FAQs ng kursong HRM. Marami pa akong nabasang iba’t ibang katanungan kaya may kasunod pa itong question and answer portion ko.

Hanggang sa muli!
Ciao!


Mga babasahing may kinalaman dito:

https://aysabaw.wordpress.com/2012/09/23/hotel-and-restaurant-management-course/
https://aysabaw.wordpress.com/2012/08/22/nag-aral-ba-tayo-para-maging-waitress-lang/
http://hotelierako.wordpress.com/2013/08/23/a-day-in-a-life-of-a-demi-chef-de-partie/
http://hotelierako.wordpress.com/2013/08/22/a-day-in-a-life-of-a-business-center-team-leader/
http://hotelierako.wordpress.com/2013/08/25/a-day-in-a-life-of-an-assistant-restaurant-manager/

____
Maraming salamat po sa mga bumabasa ng isinulat ko patungkol sa mga kalimitang itinatanong tungkol sa HRM Course at para po sa mas marami pang impormasyon, pakidalaw po ang blog ko na naglalaman lamang ng mga post patungkol sa hospitality http://hotelierako.wordpress.com/. Salamat po ulit 🙂

Bato

Sabi sa librong binabasa ko na Sparks of the Divine ni Drew Leder, subukan daw nating maging bato. Isipin mo na wala kang ibang pwedeng gawin kundi ang maging steady lang sa kinatatayuan mo. Umulan man o umaraw nananatili ka pa din sa pwesto mo.

Ipagpalagay mo na isa kang malaking bato sa tabi ng upuan sa parke. Minamasdan mo ang mga taong dumaraan at umuupo paminsan minsan. Nakikinig ka sa mga masasayang kwentuhan ng mga estudyanteng tumatambay sa upuan, sa matamis na pagliligawan o kaya’y lambingan ng magkasintahan sa ilalim ng liwanag ng buwan. Nakikidalamhati sa usapan ng magkasintahang naghihiwalay na o kaya ay nagbabantay sa natutulog na palaboy na walang matuluyan. Mahirap maging bato at magmasid lamang. Pero minsan kailangan nating maging matibay na bato para sa ibang tao.

Ipagpalagay mo na isa kang malaking bato sa kabukiran. Minamasdan mo ang mga babaeng masayang umaani ng palay habang nag aawitan. Pinakikinggan mo ang tunog na dala ng pagsayaw ng mga dahon sa hampas ng hangin. Nakikita mo ang hinagpis ng mga taong nakatingin na lang sa mga nasirang halaman pag nasalanta sila ng bagyo o kaya’y pag walang maani dahil tuyong tuyo ang lupa at matagal nang nagtampo ang kalangitan at ayaw man lang mamahagi ng tubig sa sangkalupaan. Nakikita mong tinutuka ng mga ibon ang mga dapat sana ay aanihin ng mga nagtanim at kahit gustong gusto mong isuplong ang tampalasang ibon ay wala kang magawa dahil isa ka lang bato. Uupo sa tabi mo ang magbubukid na hapong hapo na sa maghapon sa pagtatanim at maiinis dahil tutukain lang ng ibon ang kanyang mga pananim. Itatayo at isasandal sayo ang alay-ay na pambugaw ng mga ibon. Kelangan mong maging bato para sa kanila lalo na sa alay-ay na kailangan ang iyong matibay na suporta.

Ipagpalagay mo na isa kang malaking bato sa dalampasigan. Pinapanood mo ang masasayang mukha ng mga taong lumalangoy at naglalaro sa buhanginan. Naririnig mo ang masayang kwentuhan ng mga mangingisdang maraming nahuling isda. Naririnig mo ang iyak ng batang kinapitan ng dikya, at ganun din ng mga isdang nagaagaw buhay sa buhanginan dahil naiwan sila doon nung nadala sila ng malakas na alon. Nakikita mo ang mga ibon na lumilipad paroo’t parito at nakikinig ka sa katahimikan ng mga taong umuupo sa tabi mo na nais lamang magmuni muni habang nakikinig sa mga hampas ng alon sa iyo. Natutuyo ka tuwing tag araw at kapag mababa ang tubig at hinahampas ka naman ng malalakas na alon sa kinahapunan. Nalulunod ka naman kapag bumabagyo at sobrang taas na ng tubig pero wala kang magawa kung hindi manatili ka sa iyong kinalalagyan sapagkat ikaw ay isang bato. Sala sa init sala sa lamig.

Minsan kailangan nating maging bato. Walang kailangang sabihin. Walang kailangang gawin kundi ang manatiling matibay sa iyong kinatatayuan.

Hindi Ako Susuko

Maaliwalas. Maririnig ang huni ng mga ibon. Malamig ang simoy ng hangin at  kahit  hapon na at mataas pa rin ng araw ay hindi masyadong mainit. Nagsisibak sya ng mga kahoy na gagamitin para sa bon fire mamaya para hindi lamigin kapag naupo sya sa tabing dagat sa kinagabihan. Iyon ang halos araw araw na gawain  nya mula noong pinili nyang manirahan na lang sa kanyang bahay sa isla. Minabuti nyang manirahan sa tahimik na lugar na ito. Simple, nakaka relaks, walang maririnig na busina ng mga sasakyan na gigising sa kanya sa umaga at wala ding polusyon.

Mula nang magka isip sya, ito na ang pangarap nya. Na sa kanyang pagtanda, at kung mag aasawa man sya ay nais nyang manirahan sa lugar na ito. Kung saan ang mga anak nila ay makakapag laro at makakapagtakbuhan ng malaya na katulad noong unang panahon. Kung saan sila ay makakapag palipad ng saranggola kapag mahangin sa hapon. Kung saan sariwa ang mga prutas na kanilang mapipitas, at makakapanghuli sila ng isda para pang hapunan. Napakasarap. Napakadalisay. Napakapayak.

Muli ay nagbalik sa kanya ang mga alaala ng lumipas. Alaala ng taong kanyang iniwan isang maulang gabi ng kanyang nakaraan.

_____________________________________________________________________________________________

Tanghali na syang nagising. Nakahilata pa sya at tinatamad bumangon sapagkat wala naman syang pasok sa opisina. Pagod na pagod sya sapagkat matapos ang ilang araw na pag oover time para mahabol ang deadline ng kanilang ginagawa ay nagpaparty naman ang kanilang boss dahil maayos ang naging resulta ng  kanilang proyekto. Naalala nya ang sayawan at inuman kagabi, gayun din ang walang humpay na tawanan at kwentuhan. Kumakalam ang kanyang sikmura. Bumangon sya at nagtungo sa kusina. Nagtimpla sya ng kape at tumanaw sa ref. Walang pagkain. Kelan pa ba sya huling nag grocery? Dalawang linggo na pala.  Ganun sya ka abala. Oo nga pala. Kahit pala day off nya ay pumapasok sya dahil sa mga deadlines. Kaya nga pinararangalan sya lagi ng boss nya dahil sa dedikasyon at sipag sa trabaho. Pagkaubos nya ng kape ay dali dali na syang nagbihis para magpunta sa grocery.

Makapal na jacket at pantalon ang sinuot nya at nagboots pa sya dahil napakalamig sa labas. Taglamig na pala ulit. Parang kelan lang ay gumagawa pa sya ng snow man sa bakuran. Isang taon na pala ang lumipas? Hindi nya na napansin iyon dahil sobrang abala sa trabaho. Sobrang lamig. Hindi pa sya nakakarating sa grocery ay may nakita syang kapehan. At dahil gutom at nilalamig, umorder sya ng donut at kape at naupo sa tabi ng bintana. Maya’t maya ang pag ring ng kanyang telepono habang kumakain sya ng donut. Tawag ng mga katrabahong nais lumabas at gumimik sa kinagabihan. Bago nya ibaba ang telepono ng matapos na ang pinaka huling tawag, nakita nya ang petsa. Sa kaparehang buwan at araw na iyon, ilang taon na ang nakakaraan ay ang pag iwan sa kanya ng tanging lalakeng kanyang minahal.

Kolehiyo pa lang noon ay nais na nyang magpakasal na sila sa huwes. Sobrang minahal nya ang taong iyon at nais nya nang makasama ito sa araw araw. Bumuo sya ng mga pangarap na kahit mag asawa  na sila ay tatapusin nya ang kolehiyo. Magtatrabaho sya at magsisikap makarating sa bansang kanyang pinapangarap at doon sila magsasama ng maligaya.  Pinlano nya na kapag nakapangibang bayan sya ay mapag iipunan nila ang matagal nang pinapangarap na rest house sa isang isla. Alam nyang gustong gusto  iyon ng mahal nya. Gusto nito nang simpleng buhay lang. Kaya nga pagsisikapan nya ito para meron silang bahay bakasyunan. Para kung sakaling mainip o mapagod ang mahal nya sa buhay sa siyudad o sa ibang bansa ay meron silang mapupuntahan.  At kung sakaling magreretiro na sila ay dito na din sila mainirahan.  Buo na ang lahat. Kumbaga nais nya na lang isumite sa kanyang boss ang kanyang action plan. Ngunit nasira ang lahat ng ito nung gabing iyon. Nung maulan na gabing iyon na iniwan sya ng pinaka mamahal nya.

______________________________________________________________________________________________

Malamig sa dalampasigan at tamang tama ang dami ng mga kahoy na sinibak nya para sa bon fire. Nakaupo sya sa tabi nito at naalala ang mga masasayang sandali na sila ay magkasama at nangangarap. Matayog ang kanyang mga pangarap at ayaw kong maging hadlang sa mga ito. Masyado pa kaming bata noon. Hindi siguro sya magiging matagumpay kung sinunod ko ang mga gusto nya. Wala siguro sya sa lugar na kanyang pinapangarap ngayon kung sumunod sya sa bugso ng kanyang damdamin. Kung maaga kaming nakasal noon, baka hindi rin sya nakapag focus sa pag aaral nya. Pero sa ngayon, alam ko namang masaya na sya dahil sa kanyang mga narating.

Nakatitig sya sa buwan at mga bituin katulad ng lagi nyang ginagawa gabi gabi, hawak ang kanyang gitara at inaawit ang mga paborito nilang kanta.

______________________________________________________________________________________________

Natupad ko na lahat ng mga pangarap ko pwera lang sa isa. Ang makapiling ka. Ngayong natamo ko na lahat ng mga nais ko sa buhay, panahon naman para hanapin kita. Nasa ilalim pa din tayo ng iisang kalangitan. Iisa pa rin ang araw at buwan na nagpapaliwanag sa ating daigdig mahal ko. Hindi ako susuko.

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/24/pagdadalamhati-ikatlo-sa-pag-ibig-na-hindi/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/12/halik-by-kamikazee/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/09/ang-pag-ibig-na-hindi-ikalawang-yugto/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/07/ang-pag-ibig-na-hindi/

2012 in review

The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2012 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

600 people reached the top of Mt. Everest in 2012. This blog got about 2,600 views in 2012. If every person who reached the top of Mt. Everest viewed this blog, it would have taken 4 years to get that many views.

Click here to see the complete report.

 

– o –

Aba, ang saya naman at may gantong summary report ah. Parang Profit and Loss Reports lang by the end of the year. Ahehe….Happy New Year and a Happy New Dear! Happy 2013! Happy Blogging! Ayeeeeee

 

Fireworks na ^__^

Ilang kembot na lang at 2013 na!

2013 folder

 

Sabado ng hapon sa opisina. Normal na araw ng pagtatrabaho. Di pa nagsi-sink in na malapit na ang bagong taon. Hanggang sa kinailangan ko nang gumawa ng folder sa documents ko na ang label ay “2013.”

Dalawang araw na lang ay bagong taon na. Ang dami kong dapat ipag pasalamat. Unang una na ang aking pamilya at mga kaibigan laging nandyan para sa akin, mga pangyayari sa taong 2012, mga taong nakilala at naging kaibigan, mga taong naging malapit sa puso at mga taong naging malaking bahagi ng lumipas na taon. Hindi naging madali ang una at huling parte ng taong 2012 para sa akin pero nagpapasalamat ako at nalampasan ko ito, with flying colors? Ahehe

Nitong mga nakaraan ay masyadong masikip sa damdamin (anu daw?) este marubdob ang aking mga pinagsusulat. Well, may pinagdaraanan lang.  Salamat sa mga patuloy na dumadaan at nagbabasa at lalo na sa mga nagcocomment. Malaking tulong sa akin ang inyong mga opinion. Bagama’t hindi ako tunay na manunulat ay unti unti kong nahahasa ang aking kukote para magisip ng mga bagay bagay na maisusulat.

At dahil magbabagong taon na, kelangan medyo light muna at positive ang aking isulat, para maganda ang aura. Hindi ako mahilig gumawa ng mga New Year’s Resolution and everything dahil hindi ko naman din nasusunod he he. Mga kapatid sa panulat (acheche ang hilig gumawa ng sariling term), mga kaibigan, katoto, kapitbahay at syempre sa mga kapamilya at kapuso Happy happy New Year (in advance). Kita kits sa mata 🙂

Kape sa McDo

Malamig ang simoy ng hangin. Nakaupo sa McDo at nagkakape ang tatlong taong may sari sariling pinagdadaanan. Ang isa’y kumakalam na ang sikmura ngunit kape na lang muna dahil iyon lang ang hinaing libre ng mga kasama. Ang isa ay nilalamig at nagiisip kaya kailangang magkape at ang isa’y kelangan magpalipas ng oras dahil punong puno na ang utak ng iba’t ibang isipin.

____________________________________________________________________________

Kakaresign lang nya sa trabaho. Pagod, puyat at sigaw ng amo sa inaraw araw kaya sumuko na lang sya. Wala pang malilipatang trabaho. Walang pera at ginigipit pa. Walang matutuluyan, walang mahigaan. Naipadala na nya ang natitirang pera para pamasko sa pamilya kahit na sya ay magutom ng panandalian habang naghahanap ng bagong mapapasukan. Tanging meron lang sya ay ang mga damit sa maleta at lakas ng loob na unti unti na ring nawawala dahil nauubusan na sya ng panahon. Mapapaso na ang visa nya. Malapit na mawala ang lahat sa kanya at ilang araw na lang ang natitira. Iisa lang ang tanging natitira sa kanya – ang taong sa kanya’y nagmamahal.

_____________________________________________________________________________

Samu’t saring responsibilidad sa trabaho, reklamo, utos at iba’t iba pa na ipinapatong sa lamesa nya na nadaragdagan sa bawat araw. Bukod pa ay ang walang pakundangang pagkakagulo sa tahanang dapat ay mapagkukunan ng kapayapaan sa mga panahong magulo. Binabalot na ng lamig ang manipis na katawan na patuloy pa ring lumalaboy hanggang sa kinahating gabihan wag lamang maabutan ang hindi kaaya ayang mga tagpo sa bahay na dapat uwian. Iisa lamang ang nakakapagbigay ng kapayapaan- ang minamahal.

____________________________________________________________________________

Nobyembre pa nang mawalang sya ng trabaho. Ni hindi pa nakukuha ang sweldong pinagtrabahuhan. Ang hirap ng kalagayan nya’t lalo ngayong magpapasko na. Umaasa na makakahanap ng mapapasukan at kahit ihabol na lang ang pamasko nya sa tatlong anak at sa kanyang asawa kapag nakakuha na ng unang sweldo. Tumatakbo ang oras. Nauubos ang pera. Mahirap dahil pangalawang beses na itong naranasan at siguro sa ngayo’y natuto na. Mahirap mawalan lalo’t nasa ibang bayan. Di bale nang kumulo ang tyan, basta sana may maihahain ang kanyang asawa sa pasko at may mairegalo man lang sa mga anak. Iisa na lang ang natitira sa kanya – ang pamilyang nagpapalakas ng loob at nagbibigay ng determinasyon na makahanap muli ng trabaho at hindi umuwing talunan.

 ___________________________________________________________________________

Maingay ang paligid. Masaya na kahit sa bansang hindi nagdidiwang ng pasko ay may Christmas Tree na din at mga Christmas Carol na maririnig. Sa gitna ng masayang mundong ito ay may tatlong taong isang linggo nang tumatambay sa McDo para magkape.

 

Hango sa tunay na buhay nang tatlong taong ito, ang iba lang ay ginawang medyo eksaherado. Ayoko sana nang malungkot na istorya ngayong Festive Season, kaso lang “Hindi araw araw ay pasko sa mga tulad namin.”