Matapos ang isang taon nang pagbo-blog, saka lang ako maglalagay ng tawagin na lang natin na “profile” ko. Kung titingnan nyo yung nasa “About,” walang kahit ano doon na nagsasabi tungkol sa akin. Kaya ko lang ginawa ang page na iyon ay dahil, wala lang. Para may ma ipost lang. Di man lang pinag isipan. Yan si Sabaw. Mapilit. Maiksi ang pasenya, walang tyaga.
Isa akong hotelier sa Dubai Maldives na nagpupumilit maging manunulat. Salamat sa wordpress at isa itong plataporma para sa mga tulad ko na nais magsulat pero hindi naman ganoon pinagpala haha. Aba, nangangarap din naman akong makapaglathala ng libro, libre lang naman mangarap. 🙂
Gaya ng sinabi ko, mainipin ako. Madalas na magpupublish ng post, saka lang ulit babasahin pag nakapost na at makailang ulit pang ieedit matapos maipublish. Minsan kahit hindi na napag-isipan yung mga pinagsusulat, bahala na may maipost lang. Wala namang deadline pero naghahabol makapagpost. Masyadong excited. Parang bisitang mas excited pa dun sa birthday celebrant. Para nakasalang na Sopas na di pa man kumukulo ay pinapatay na ang kalan kaya di umiinit ng husto. Pag kinain, malamig sa tyan. Pero ngayon, sinisikap na din na habaan pa ang pasensya lalo na sa pagsusulat.
Iba – iba ang mga sinusulat ko depende sa mood, depende sa naiisip, depende sa mga nangyari sa paligid ko. Minsan pa-deep, minsan naman patawa at minsan naman ay nagkukwento lang. Nagpost ako noon ng ilang mga artikulo na pumapatungkol sa aking industriya at napakaraming views kaya naisip kong gumawa ng isa pang blog na lahat ng post ay may kinalaman lang sa mga bagay bagay pumapatungkol sa Hospitality Industry. Pakisilip na lang din kung napukaw ang iyong interes. http://hotelierako.wordpress.com/
Maiba naman tayo.
Mahilig ako sa musika. Paborito ko ang My Chemical Romance kaya nalungkot ako nung na disband na sila. Paborito ko din ang Evanescence at pangarap ko na makakanta ng kahit isa man lang sa mga kanta nya (na alam kong, parang walang pag asa haha). Ang taas ng boses ni Amy Lee kaya isang kanta lang nya ang makanta ko, solb na ko. Feeling propesyonal na singer na haha. Syempre nakikinig din ako ng OPM. Si Yeng, Chicosci (hindi Chicser), Urbandub, Sponge Cola (nakapag pa autograph ako sa kanila noon nung college pa ako), at marami pang iba.
Mahilig din akong kumain, este malakas pala kumain pero choosy ako. Basta ang paborito kong pagkain Seafood Linguini with Garlic Bread on the side (nakakatakam, isipin ko pa lang).
Paborito ko ang One Piece. Saludo ako sa gumawa ng kwento. Infairness 600 plus episodes at wala pa ako sa kalahati ha ha. Minsan nagagaya ko na ang punto ng pananalita ni Luffy haha.

Mmmm, wala na yata akong maikukwento pa tungkol sa akin, pero maraming kwentong maipopost.
Ay sya! At hanggang dito na lang ang aking pagpapakilala. Maligayang pagbabasa!