Palengke Chronicles 11: Tiktok

Ano? ECQ na naman? Suking-suki na tayo ng lahat ng may Q. Sana lang pati IQ ‘no? Kaso yung ibang binoto natin ay parang tinimbang ngunit kulang.

Bored na bored na si Buding ko kaya nilamon na siya ng sistema. Nilamon na siya ng tiktok. Alam niyo din ba yung tiktok na ‘yun? Pesbuk lang ang meron ako eh.

Bored in the house and I’m in the house bored. Paulit ulit niyang kinakanta ‘yan habang nag-eemote sa harap ng celfone. Nakakatawa pala ‘yan ano pag yung tao nag-eemote at nagsasayaw mag-isa sa harap ng celfone. Minsan akala ko nababaliw na siya. Kaya sabi ko, anak humanap ka naman ng ibang pagkaka-abalahan mo, mga hobby ba? Mag-aral ka kaya magdrawing? O maglettering? Pero aba, umismid lang at biglang nagpose ng parang umiiyak ang mukha. Tinanong ko, anak ano ba ‘yan? Anong nangyayari sa iyo?

Sabi niya, ma ano ba….‘‘yan kasi yung I’m Just a Kid Challenge.’

‘Challenge? Anong mga challenge challenge yan. May napapala ka ba diyan anak?’

‘Ma, madami akong followers.’

‘Aber ilan?’

‘1k. Kala mo diyan.’

Aba, at may pa ismid ismid pa itong nalalaman.

‘Ikaw Buding, bawas bawasan mo nga ‘yan kundi kukunin ko ‘yang celfone mo. Nagawa mo na ba yung assignment niyo? May online class kayo bukas di ba?’

Biglang lumaki ang mata ni Buding.

‘Ayan, ayan ang sinasabi ko eh. Puro ka Tiktok eh tutuktukan na kita diyan!’

Dali-dali niyang kinuha yung notebook at ballpen niya at pumlastar sa lamesa para magmadaling gawin ang assignment. Manang-mana talaga sa pinagmanahan.

Itong anak ko, lumalaki na. Bukas makalawa dalaga na. Ambilis ng panahon. Dati hinehele ko lang. Ngayon panay Tiktok na.

Speaking of Tiktok. Habang nag-aaral si Buding, masilip nga ‘yang Tiktok na iyan at nang malaman ko kung ba’t humaling na humaling itong batang ito diyan.

Ayan, sign up daw. Ano kaya ang magandang username? Hmmm. Merta kaya.

Ay taken na yung name.

Merta01

Taken uli?

Merta001

Taken pa rin.

Merta1980

Taken pa rin.  Buti pa itong mga username taken na samantalang ako hindi pa.

Merta1981

Taken pa rin? Naiimbyerna na ako ha. Ganun kadami ang may pangalang Merta? Akala ko ako lang?

Merta……hmmm. Mertayolet. Tingnan ko lang kung may taong papangalanan ang sarili niya ng ganyan.

Ayun! Haha! Kala mo ha Tiktok. App ka lang. Tao ako. Di mo ko matatalo.

So paano ba ito? Hanapin ko nga ang tiktok ni Buding. Ano ba name nito sa tiktok? Hindi ko pwedeng itanong dahil malalaman niyang may Tiktok account na ako.

Aba, akala ko nag-aaral at nagtitiktok naman pala. Pero teka, chance ko na itong masilip ang username niya. Magpapanggap nga akong may kukunin sa likod niya.

Aba, anong klaseng name yun. Budingarzi. Gusto kong tumawa ng malakas kaso baka magtaka siya kung anong tinatawa-tawa ko dito. Manang mana ka talaga sa pinagmanahan mo.

Ok, game. Patingin nga ng mga pinaggagawa mo.

Aba, may 1k followers nga siya. Ito yung bidyo na inupload niyang bored in the house. Aba may 300 likes na.

At ang mga comment. Sino sino ba itong nagcocomment an ito.

Cheenee Cute: nakakaboring talaga ang GCQ. Haha.

Sione Sweet: Isama mo mama mo sa tiktok mo.

Anoop Jain10x: You so beutiful.

User0000251847: Chana all.

BTS is my brother <3: Pa notice po.

Aba andaming comments. At ano tong mga sayaw dito? paparampampam paparaparampam. Ito pala mga pinagagagawa niya palagi. At ano itong may mga paru-paru pa siya sa mukha? Hala nakakatawa. Kaso hindi ako dapat mahalata. Ang dami naman niyang mga bidyo, suking suki ng tiktok. May suki card ba ito? Kung sana may mapapala tayo sa dami ng oras na inaksaya natin dito ‘no mas masaya.

Oh! Ako ba ‘yun? Ako nga! Nandun pa ako naglalakad sa likod niya sa bidyong ito. Nakakahiya ito.

Ano tong Drop Your Mom Challenge na ito. Binibidyuhan niya pa ako ng hindi ko nalalaman?

At sino-sino ba itong mga followers niya. Lahat yata ng tindera sa palengke ay may mga tiktok.

Oh at itong video na may pagbagsak pa ng rayban, at nakabandana pa siya kaya pala nagugulo mga gamit sa tukador. Siya pala naglalabas ha. At ano to?

500likes.

500 likes?

Para sa bidyong gumigiling giling siya at nagpapabagsak ng rayban mula sa noo niya. 500 likes? Talaga lang ha. Gusto kong tumawa ng malakas. Sino ang nagkakagusto sa mga ganitong klaseng bidyo? Sumasakit na ang tiyan ko kakapigil ng tawa ko.

Ay anak ng tokwa. Siomai. Napindot ko yung like. Pwede ba i-unlike to? Nako di ako marunong. Hala napansin ni Buding.

‘Ma!? Ikaw ba itong Mertayolet? Sinasabi ko na nga ba nasa tiktok ka na eh!’

***

Hello! Hello! Muling nagbabalik ang Palengke Chronicles with newly improved, and enhanced slightly gulat face of Merta na mas enhanced pa kesa sa communicty quarantine. Char lang.

At para sa post na ito, napilitan akong mag-sign up sa tiktok para malaman ko lang kung anong meron dahil baka mali-mali mga maisulat ko.

Sana ay na-entertain kayo.

Basahin ang iba pang mga episode dito: Palengke Chronicles: Mga Kwento ni Aling Merta at Buding.

11 responses to “Palengke Chronicles 11: Tiktok”

  1. nakakaadik talaga ang tiktok hahahaha

    Liked by 1 person

  2. Nakakatawa to!!!!

    Liked by 1 person

    1. waha. buti naman may natawa! haha

      Like

  3. Laughtrip ang Mertayolet. Hahaha.. More Palengke Chronicles! 😊

    Liked by 1 person

  4. Albert Soriano Avatar
    Albert Soriano

    super aliw ako dine haha mertayolet ang nagdala.. the best ka talaga

    Liked by 1 person

    1. haha tagal na nito ah

      Liked by 1 person

      1. Albert Soriano Avatar
        Albert Soriano

        Hehe, now ko lang nabasa, husay!

        Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: