Chandelier, Armageddon and Laughing Like It’s My Last

Kung meron mang magandang nangyari sa akin sa pagkakakulong ko dito sa isla ng ilang buwan ay yung bagong pagkakaibigang nabuo namin nung mga iilang taong natitira dito sa isla.

Naging malapit kaming apat na babae nung magsimula yung lockdown. Ang weird nga lang ng kobinasyon naming apat: dalawang Pinay, isang Chekwa at isang German. Ang tawag sa aming grupo ay ‘The Eggs.’ Matanda na kasi kami para tawagin ang mga sarili naming Power Puff Girls saka tatlo lang miyembro nun eh apat kami.

halata naman kung sino ang sabaw diyan diba?

Madalas ang trip namin ay kumain, magbilyar kahit di talaga kami marunong at manood ng mga lumang palabas at Korean Drama.

Minsan ay nagkakaraoke din kaming apat sa room namin pero rinig naman ng buong isla yung concert namin.

Minsan nagkaraoke kami with white wine on the side. Malakas na ang tama namin as it is kahit di pa nakainom, isipin mo na lang kapag may mga tama na. Nung una, mahina hina pa yung kanta namin. Tas nung may pumili ng Chandelier, dun na narining ng buong isla yung concert namin.

Siya nga pala, last month may nirekomenda sa akin si youtube. Ito yung Koreanang nagpraktis ng dalawang buwan para makanta yung Chandelier at infairness, nadaan sa praktis. Naabot niya din yung mga matataas na nota bandang huli.

So inisip ko na baka pag nagpraktis din ako everyday for two months eh makanta ko na din yung Chandelier. Pero Day 1 pa lang sumuko na ako kasi halos dumugo na yata ung lalamunan ko at nagising ata lahat ng tao sa isla.  Kaya ayun, sa karaoke sessions na lang namin ako kakanta ng Chandelier, maabot ko man yung mga nota o hinde.

Eto nga pala yung video ni ate girl, in case trip niyo panoorin.

Nung unang beses nga pala kaming nagkaraoke with white wine on the side, nang-raid kami ng kwartong maraming pagkain. Yung Assistant Director namin na umuwi ng Malaysia bago mag-lockdown eh may dalawang maletang pagkaing naiwan sa room niya. So kinuha namin lahat since di naman namin alam kung kailan siya makakabalik sa isla. Andaming chicha. Ang kaso expired na pala yung iba. Pero dahil desperado kami at walang dumarating na stocks ng chichirya at di kami makaluwas dahil sa lockdwon, naisip naming tikman yung mga expired na chichirya. Yung iba, expired na nitong January. Yung iba August 2019 pa yung expiry date. Pero taste-tester namin si Chekwa. Pag ok sa kaniya yung lasa, ibig sabihin pwede pa. So kinain namin. Nag-antay na lang kaming saktan ng tiyan kinabukasan pero sa awa naman ng langit ay normal parin kaming apat.

akala mo walang tama sa umpisa, diablo pala talaga….

Sinimulan namin ang movie nights nung last week ng May. Unang palabas na pinanood namin ay yung Armageddon. Kahit ilang ulit ko na napanood ay naiiyak pa din ako. Bumuhos na agad yung luha ko sa scene na lumabas silang lahat sa NASA para enjoying ang kanilang last day on Earth. Naiyak ako dun sa part na dinalaw nung tatay yung anak niya tas ang pakilala nung nanay eh sales man. At syempre mas nagkaubusan na kami ng tissue nung nagpaiwan na si Bruce Willis sa kalawakan.

 

Minsan iniisip ko, andami ko na yatang oras na inaaksaya kakatambay, kakalaro ng bilyar, kakanood ng mga palabas at di na ako nakakapagsulat o nakakapagbasa. Pero pag naiisip kong baka last night on Earth ko na or last night dito sa isla dahil anytime ay baka mapauwi na kami pag may flights na, di nako nagdadalawang isip na tumambay, maglaro ng bilyar o manood ng palabas hanggang hatinggabi, tumawa ng malakas, kumanta hanggang mamaos kasama ang mga kaibigang karamay ko ngayon sa panahon ng walang kasiguraduhan.

***

draft –  28 May

***

featured image not mine

9 responses to “Chandelier, Armageddon and Laughing Like It’s My Last”

  1. Kanya kanyang trip nalang para iwas stress at lungkot 🙂

    Liked by 1 person

    1. hehe baka makahabol nako sa talent ni Efren Bata Reyes pagtapos ng lockdown…char

      Like

  2. Ang galing ng trip nyu ha..lol

    Liked by 1 person

  3. akala ko si Sandara sa thumbnail nung youtube

    Liked by 1 person

  4. Musta ka na dyan? Hope you’re keeping sane and safe.

    Liked by 1 person

  5. […] in one sitting, that’s 2.5glasses, and luckily I could stop it, and I am now sober, haha). We started eating expired snacks because we didn’t have anything else at that time (except the consumable form of […]

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: