Princess Sarah and Class Segregation

Sabado. Alas kwatro ng hapon. Inaabangan ko ang Princess Sarah sa Yey Channel. Wala. Monday to Friday lang pala.

Tuwang-tuwa ako nung mapanood ko ulit yung Princess Sarah nung isang araw dahil siyempre, namiss ko manood ng mga cartoons. Siyempre, iba na ang pananaw ko dito ngayon. Una na ay dahil matanda na ako (ha ha) at nabahidan na ang utak ko ng sandamakmak na memes ng pagbabalat ng patatas.

Siyempre noong bata ako, awang-awa ako kay Sarah nung ginawa siyang katulong. At yung totoo, naiimagine ko din ang sarili kong isang alilang tulad niya at kinakawawa (ha ha). At inimagine ko din kasi na baka may katulad ni Ramdas na maglalagay ng masasarap na pagkain sa aming bahay at baka maging prinsesa din ako balang araw (ha ha ulit).

Pero ngayong napanood ko ulit ito, ibang mga bagay ang nakita ko. Tulad na lang ng kontrabida culture na pinangunahan ni Lavinya tapos may dalawang alalay yung kontrabida. Well, ganun pa rin naman sa mga telenovela ngayon. Walang bago. Isang main kontrabida at dalawang either taga sulsol o walang opinion dahil takot sila sa kontrabida.

Ganun din ang kulturang tumitingin sa katayuan ng tao sa buhay, paghihiwalay ng mayaman at mahirap. Kung saan nakadepende ang trato sa ‘class’ ng tao kaya nagbago ang pagtrato kay Sarah nung namatayan s’ya ng ama at wala na s’yang pera. Kung papaanong yung maliliit ay nangmamaliit din ng mga katulad naman ng ginagawa nila Mrs. Molly kila Becky at Sarah.

Well, at least ay inihanda na ako nila Becky at Sarah sa judgmental na mundo although, baka hindi ko siya masyadong naintindihan nung bata pa ako.

Few days ago nagpunta kami sa mall ni hubby para mag “tingin-tingin.” Although, hindi naman sa titingin lang talaga, bibili din pag may nagustuhan. Simple lang ang suot namin. Tshirt, shorts at tsinelas. May ilang shops kaming pinuntahan na hindi man lang kami nilapitan nung mga sales lady at sales man. Ni hindi man lang kami tiningnan at binati. Para bang sa isip-isip nila ay wala kaming pambili at aalis naman kami pag di nila kami pinansin. May isang shop din na nagtatanong kami dahil bibili talaga kami ng car accessories pero ayaw talaga kami pansinin samantalang yung dalawang beking nakalipstick at tuwid ang buhok ay inasikaso agad nila. Dahil ba hindi ako naglipstick kaya ayaw nila kami pansinin?  Dahil ba sobrang kinky nung buhok ko na sunog na sunog sa init ng araw at kakaligo sa dagat?

Inaccommodate naman kami nung  bibong salesman sa isa pang shop na pinasukan namin. Naparami tuloy kami ng nabili lalo pa’t sale ha ha.

Hindi namin malaman ng hubby ko kung matatawa kami o maasar sa karanasang ito.

8 responses to “Princess Sarah and Class Segregation”

  1. Parang ganito rin naranasan ko minsan sa HK airport sa isang layover nung nagtatanong ako ng directions para sa shower. Feeling ko yung tshirt ko din yun at simpleng backpack. Plus shiny ang fez ko nun. Hali ka na Sarah magbalat na tayo ng patatas.

    Like

    1. Haha. Magbalat na nga lang tayo ng patatas 🤣 sa Singapore airport din, yung iba judger

      Like

  2. Ang cute ng drawing. Ako rin siguro kapag manood ulit ng Princess Sarah, iba na ang tingin ko dahil sa mga memes talaga ahahahahaha. Kawawa yun hindi pumansin sa inyo wala silang benta. Dzaaah!

    Like

    1. Hahaha kasimg cute mo. Hmp! Hindi namin kawalan ang di nila pagpansin haha

      Like

  3. HAHAHA…wala talagang mapapala ang mga judger HAHAHAHAHAHA

    Like

  4. Wow, Pretty Woman moment, pero car accessories version.
    Nakita ko yung Princess Sarah sa Youtube (Hapon nga lang na my English subtitles). Nahirapan ako panoorin yung iiwan na siya ng tatay niya.

    Like

    1. Pangalawa ka ng nagbanggit ng Pretty Woman. Mapanood nga at hindi ko na maalala haha.

      Masakit nga sa dibdib panoorin ang Princess Sarah

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: