The Come Back of My Chemical Romance and Other Stories

Isang araw bago nag-announce ng come back yung paborito kong bandang My Chemical Romance, naisip kong patugtugin ang mga kanta nila sa opisina.

Coincidence ba o feelingera lang ako? Malay ko. Anyways, ang saya lang. Ang saya malaman na nagbalik sila. Nagbalik ang pamilyar na mukha at pamilyar na musika. Tipo ng musika na madalas kong pakinggan noong medyo bata pa ako.

Hindi naman sa hindi ako naka move on sa emo music at fashion (ha ha kung may fashion ba akong matatawag). Hindi na nga ako nageeyeliner ng makapal eh. At hindi na din puro black ang tshirt na binibili ko hehe.

Hindi ko lang talaga masakyan yung musika ngayon. Di ko naman sinasabing hindi maganda. Hindi ko lang talaga trip. Oo, may mga pailan-ilan na nagagandahan ako. Pero di tulad noon. Di tulad ng My Chemical Romance na halos alam ko lahat ng kanta sa album (kung hindi man lahat).

Parang gusto ko na ulit magpraktis magdrawing ng makapal na eyeliner. Ha ha! Joke lang. Ako lang ata natatawa sa mga pinagsusulat ko.

Moving on, nagshare ako sa facebook ng tungkol sa come back nila. May nagcomment na paborito rin daw niya ang MCR dahil paborito ng Ex niya. Pero kung makikilala mo talaga ng husto ang taong ito, hindi mga ganitong music ang  pinakikinggan niya.

Marami sa atin ang ganito. Nawawalan ng identity para sa mahal natin. We change. We lose ourselves for the ones we love. Minsan umaabot pa tayo sa puntong hindi na natin kilala ang sarili natin.

Hindi lang din ito dahil sa mga taong mahal natin. Minsan sa mga taong nakapalibot sa atin, sa mga kasama sa trabaho at sa pressure na binibigay sa atin ng mundo.

Tulad na lang ng pag-iisip ko na baguhin na ang mga featured image ko na dinodrawing ko lang sa paint dahil nilagay ko ang link ng blog ko sa CV ko. Ha ha! Baka tingnan ng employer na inapplyan ko at baka hindi ako kunin dahil sa chakang drawing sa blog ko. Ha ha!

Pero naisip kong ‘wag na lang. Identity ko iyan. At artwork ko iyan. Siguro may mapapangitan, at siguro may makaka-appreciate din kaya ganyan na lang siya.

Tulad na lang din ng pag-iisip na isulat itong post ko sa English dahil mayroon akong non-Filipino readers pero mas masarap pa rin basahin yung Tagalog. Yung mga impormal na terminong ginagamit natin na hindi maisasalin sa wikang Ingles. ‘Yun talaga ang highlight ng pagsusulat sa sariling wika (kahit Taglish naman minsan).

Sa maniwala kayo o hindi, may epekto sa pagkatao ko yung pagkawala ng My Chemical Romance at ganun din ang kanilang pagbalik. Hindi ko maexplain eh. Pero eto, nilista ko yung mga realizations ko ngayong nagbalik na sila.

  1. Nothing Lasts Forever.

Sikat na sikat ang MCR nung panahong inanunsyo nilang titigil na sila sa paggawa ng musika. Napaka emosyonal ng farewell letter ng bokalista nilang si Gerard Way at kagaya ng mga bandang nadidisband, mga artistang tumitigil sa paglabas sa telebisyon at mga magjowang naghihiwalay, walang forever. Pero totoo ang sinabi ni Gerard Way na ang ‘idea’ kalian man ay hindi nawawala. Yun ang salitang ginamit niyang pangdefine sa kanilang banda. Hindi ko alam kung bago pa man sila maghiwalay ay alam na nilang magbabalik sila dahil sa sinabi niyang iyan. Pero, baka nga. At dahil nothing lasts forever, hindi rin forever ang pagkakadisband nila. Heto’t nagbabalik sila.

 

  1. We Learn and Live On.

Nung inannounce nila ang kanilang paghihiwalay, parang nadurog ang puso ko. Totoo iyan. Siguro dahil bata pa ako noon (ha ha) at masyadong emosyonal. Parang guguho ang mundo ko sa pag-aalala kung sino na lang ang gagawa ng mga magagandang kantang emo (ha ha ulit). Anlaki ng problema ko noon.

Pero dahil doon natutunan kong:

  • Makining uli ng ibang musika. Na hindi lang punk rock music ang mayroon sa mundong ito. Na nabuhay naman akong nakikinig sa Air Supply at Bon Jovi nung maliit ako at wala pa nun ang MCR. At hindi naman talaga chaka yung rap at natuto akong manood ng fliptop.
  • Wag maging judgmental. Noon kasi ang kitid ng pananaw ko. Cool ka lang pag nakikinig ka ng punk rock ( ha ha sorry na).
  • Ok din naman bumili ng mga pink na bagay. Hindi lahat ng kulay ay black.

 

  1. Art is Everywhere.

Sobrang artistic ng mga videos ng MCR lalo na yung Helena at Ghost of You. Pero art is everywhere. Kailangan lang natin buksan ang ating mga mata. Hindi sa pinopromote ko ang Fliptop dito ha ha pero if you look deeply, may art sa panulat ng mga Pinoy rappers tulad ng may art din sa ating pagsusulat.

 

  1. Leave a Legacy.

Nawala man sa limelight ang MCR, patuloy ko pa ring pinapakinggan yung mga kanta nila. Mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga fans at mga kapwa banda dahil sa magandang musikang iniwan nila nung umalis sila at sa inaabangang magandang musikang ibibigay pa nila sa mga Earthlings. Yung mga kantang sinulat nilang dekada na ang nakaraan ay napapanahon pa rin hanggang ngayon kaya ang musika nila ay hindi naluluma.

Hindi natin kailangan maging kasing sikat ng My Chemical Romance para makapag iwan ng legacy.

Maliit na bagay lang ay sapat na.

Image by Ewica.

2 responses to “The Come Back of My Chemical Romance and Other Stories”

  1. “Marami sa atin ang ganito. Nawawalan ng identity para sa mahal natin. We change. We lose ourselves for the ones we love. Minsan umaabot pa tayo sa puntong hindi na natin kilala ang sarili natin.”

    Alam mo brad nakakainis ka. Nabaon ko na to sa limot pero pagkabasa ko neto in-exhume ko nanaman…

    Liked by 1 person

    1. Anu na naman brad haha

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: