Things Happens For a Reasons

Andaming S no? Wala lang. Andami kasing ganap. At antagal ko na ngang hindi nakapagsulat dito. Busy kasi ako sa mga ibang sinusulat. Mga emails ganyan. May S na naman.

Bertday ko nga pala nung isang araw. Gustong gusto mag day off ni Inday kaso andaming trabaho. Anlakas pa ng ulan nung araw na iyon. Basang basa yung bubong sa ulan. At ang sarap sarap sana matulog. Kaso ayun na nga, kape na lang para magising sa opisina.

Ngayon lang ata ako nag bertday na hindi kasama si Hubby. Hiwalay kami nag celebrate ng bertday namin. Anyway.

Sinabihan ko yung coordinator namin na wag na umorder pa ng cake para sa birthday ko dahil ayaw ko ng mga surprise na alam ko namang gagawin nila.

Pero matigas ang ulo niya. Umorder pa din. Pero ang ikinagulat ko at hindi ko naforesee ay yung regalo nila sa akin. Chichirya. Chuba Cassava Chips. Nilagyan pa ng ribbon. HA HA! Napaka creative.

Not a sponsored post. Pero sobrang sarap po ng Chuba Cassava Chips. Nakakaadik po. Feeling ko madaming MSG.

Pero ang mas nagpasaya sa ‘kin ngayong bertday ko ay nung makita kong pinublish sa PADI website yung blog na sinubmit ko. At syempre may credits ito. Ito na ang pinakamalaking break ko sa pagsusulat.

Para sa hindi nakakaalam kung ano yung PADI, it stands for Professional Association of Diving Instructors, the world’s leading Scuba diver training organization.

So ayun na nga, napakalaking karangalan na maging guest blogger sa PADI. At pag pinag dugtong-dugtong ko ang mga bagay-bagay at mga taong nakikilala ko (na isang mahabang kwento), lahat ay naglelead sa achievement na ito.

Kaya talagang, things happens for a reasons. And we should be thankful, all the time.

Author: aysabaw

Aysa is a stubborn island girl, drinking more than 3 cups of coffee a day, swimming with the reef sharks, turtles and parrot fishes almost everyday. If she is not reading her books, writing something comical, leaving rubbish comments on your posts or strumming her guitar, then she's up to some mischief.

18 thoughts on “Things Happens For a Reasons”

  1. Una sa lahat, belated happppppy birthday Aysaaa a and congratulations on being featured!!! May vlog ka na ba? Magvlog ka na rinnnn!! Pero really happy for you! Nawa’y bumuhos pa Ang blessings sa iyo and nawa’y mas marami pa kami mabasa blog posts from you! Cheeeers!

    Like

  2. Makiki-ride na rin ako sa pagbati! Habertdey Aysaaaa! 😀 😀 😀 Congrats din sa na-publish mong post! Things happens for a reasons indeeds! Ang saya saya sayaaa!!! 😀

    Like

  3. Happy birthday! Hindi tayo personal na magkakilala pero gusto ko lang na malaman mo, napapasaya ako ng mga sinusulat mo. Continue what you are doing. God bless and you deserve all the blessings. Thank you nga pala for reminding me that everything happens for a reasonsss! Salamat! Mabuhay ka!

    Liked by 1 person

    1. Huy salamat sa pagbati. Akala ko nareplyan ko na ito. Yaiks!

      Maraming salamat sa pagbabasa at sa wishes at masaya akong napapasaya ng mga obra ko. Naks obra! Hehe!

      God bless!

      Like

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.