Andaming S no? Wala lang. Andami kasing ganap. At antagal ko na ngang hindi nakapagsulat dito. Busy kasi ako sa mga ibang sinusulat. Mga emails ganyan. May S na naman.
Bertday ko nga pala nung isang araw. Gustong gusto mag day off ni Inday kaso andaming trabaho. Anlakas pa ng ulan nung araw na iyon. Basang basa yung bubong sa ulan. At ang sarap sarap sana matulog. Kaso ayun na nga, kape na lang para magising sa opisina.
Ngayon lang ata ako nag bertday na hindi kasama si Hubby. Hiwalay kami nag celebrate ng bertday namin. Anyway.
Sinabihan ko yung coordinator namin na wag na umorder pa ng cake para sa birthday ko dahil ayaw ko ng mga surprise na alam ko namang gagawin nila.
Pero matigas ang ulo niya. Umorder pa din. Pero ang ikinagulat ko at hindi ko naforesee ay yung regalo nila sa akin. Chichirya. Chuba Cassava Chips. Nilagyan pa ng ribbon. HA HA! Napaka creative.

Pero ang mas nagpasaya sa ‘kin ngayong bertday ko ay nung makita kong pinublish sa PADI website yung blog na sinubmit ko. At syempre may credits ito. Ito na ang pinakamalaking break ko sa pagsusulat.
Para sa hindi nakakaalam kung ano yung PADI, it stands for Professional Association of Diving Instructors, the world’s leading Scuba diver training organization.
So ayun na nga, napakalaking karangalan na maging guest blogger sa PADI. At pag pinag dugtong-dugtong ko ang mga bagay-bagay at mga taong nakikilala ko (na isang mahabang kwento), lahat ay naglelead sa achievement na ito.
Kaya talagang, things happens for a reasons. And we should be thankful, all the time.
I’d love to hear from you!