Aba, once a month na lang talaga ako nagpopost? At talaga pang natataon na tuwing ika labing walo ng buwan yung post ko. Di ko po yan sinadya.
Parang may nagcompell lang sa akin na magbukas ng wordpress ngayon at ayun na nga. Nung chineck ko yung huling dalawang posts ko, aba, every 18th of the month.
Anyway, ambilis ng panahon. Di ko namamalayan. Parang paulit-ulit na lang. Para lang nangyari na kahapon ay nangyayari uli ngayon. Though I’m not complaining. Para lang nalalagas ang araw na parang dahong laya na hinihipan ng hangin.
So itutuloy ko na naman dito ang mga pangyayari tungkol sa road to stardom ko (Ha ha!).
Kung sa huling post ko ay yung mga ways kung paano ko pasikatin ang sarili ko, ngayon naman, ay ikukwento ko na lang yung isang pangyayari na parang nagsasabing sikat na ako (haha ulit!).
Nung nasa Male’ kami ng Assistant Director ko, nagkape kami dahil may bakanteng oras kami sa pagitan ng appointment. So habang humihigop kami ng kape ay may napansin kaming kalaban.
Yung Revenue Manager ng kalabang hotel ay nandun sa kabilang lamesa. At alam niyo na, hindi lang wifi ang kaya naming sagapin. Binabantayan namin siya. Inaantay kung sino ang kakatagpuin niya dun. Baka kliyente namin. Pero nugn dumating yung kameeting niya, hindi naman namin kilala kaya keber na lang.
So nauna na akong umalis sa Assistant Director ko dahil mas maaga ang meeting ko. Pag-alis ko daw ay narining n’ya yung kameeting ng kalaban na binanggit na “She’s from **insert my company name here* and I heard she is good.”
Hala sya! Sikat na ba me? (ha ha)
Pero charot lang. Baka naman assuming lang kami. Ayun lang po.
I’d love to hear from you!