Ang post na ito ay kadugtong ng How 2 B U poh? Natural kaya nga pinamagatan itong How 2 B U poh? Part 2.
So kung nakaraan ay nagtatanong ako kung paano ko gagawing sikat ang sarili ko ngayon naman ay ikukwento ko ang baby steps ko sa aking road to stardom. (anu daw? mali ata?)
Anyway and anyhow, here’s How To Make Yourself Sikat in Just 1 Month. (LOL, today is exactly 1 month after I posted the How 2 Be U poh?)
- I-add lahat ng potential fans sa facebook. Lahat ng mga suggested friend pero kailangan mong suriin. Kailangan may at least 10 mutual friends ka na idividual accounts. Halimbawa, may friend akong may tatlong facebook accounts. Pag nakikita ko yung mga recommended friends at sinuri ko ang mutual friends at si friendship lang na may 3 accounts ang mutual friend ay big No! No! na sa akin.Â
- Kapag ang profile picture ay selfie sa gym at malaki ang muscles ay No! No! din. Hindi potential fan. ***
- Kapag naka coat and tie at nakakurbata, YES! yan! Potential fan!
- I-add sa facebook lahat ng kakilala at kahit hindi kakilala travel agents at owners ng travel agency at lahat ng staff ng travel agency .
- I-add din sa facebook yung mga sales person ng ibang kalabang resorts para masaya.
2. Magboomerang everyday at ipost sa IG at Facebook stories para makita ng mga bagong fans ang active lifestyle mo.
- Bilang may issue ang kamay ko sa pagseselfie dahil nanginginig at laging blur, boomerang na lang.
3. Kumatok sa pinto ng bawat opisina at magpamudmod ng home-made muffins.
- Galawang pulitiko. Vico Sotto & Isko Moreno left the group.
4. Magpanggap na hindi alam na binibidyohan ka pala.
5.I-like at magcomment sa lahat ng mga posts at stories ng mga bagong fans. Kahit annoying yung mga selfie or dance moves nila sa tiktok ay magcomment ka ng “So cool!” o kaya “I like your style!”
At bilang baby steps pa lang ito to stardom, ito na lang muna ang ipopost ko.
Sana ay nakatulong ito sa mga mahiyaing katulad ko. Parang mas maganda iVLOG ito kesa isulat kaso nahihiya me.
*** Katuwaan lang po. Di ako nangdidiscriminate
I’d love to hear from you!