Kung meron mang pinaka kakaibang kombinasyon sa buhay kong ito, ay yung pinanganak akong mahiyain pero itinadhana akong magtrabaho sa hotel industry at lalong lalo pa sa Sales.
Sinabihan ako ng boss ko kahapon na kailangan daw ay kilala ako ng bawat isang travel agent sa Maldives at mag-i-spot check daw siya at tatawag sa mga agents at itatanong kung kilala nila ako.
Sa totoo lang, ano ako, mangangampanya? Kakatok sa bawat pintuan, makikipagkamay at magpapakilala na parang tatakbo sa halalan. Myghad. Iniisip ko pa lang, gusto ko na magresign.
Kinukumpara niya ako sa counterpart ko na local. Paano namang hindi siya sisikat eh Maldivian siya. Malamang, lahat ng Maldivian agents diyan ay kilala niya bilang buong buhay niya ay nasa Maldives siya. At buong career niya, sa mga Maldives resorts. At malamang, mga kaklase niya pa at kabarkada yung mga agents diyan. So anong laban ko? How 2 b u poh?
Hindi naman sa nagrereklamo ako sa buhay ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nandito ako. Binanggit ko na sa kanila na ayaw ko na ng ganito, baka pwede ilagay na lang nila ako sa ibang departamento na pwede tumunganga at mag-isip ng mga creative na bagay, magsulat, mag-update ng website etc. Yung mga ganyan na hindi ko kailangan ipagtulakan ang sarili ko sa Hall of Fame. Hindi ko pinangarap maging sikat. Hindi ko alam kung nafefeel niyo yung nafefeel ko. Minsan nga gusto ko na lang maging invisible habang naglalakad sa Male’ kasi nahihiya ako. Mas gusto ko ngang walang nakakakilala sa akin tapos inutusan akong gawing sikat ang sarili ko. Universe, why me?
Iyak tawa na lang.
I’d love to hear from you!