Maging Tama Ka Man

Nung nakaraang buwan ay natapos kong basahin ang Desaparesidos ni Lualhati Bautista at ang Go Set a Watchman ni Harper Lee.

Kung hindi mo pa nababasa yung Desaparesidos, ang kwento nito ay tungkol sa mga kaganapan noong Martial Law at ang epekto nito sa mga mamamayan nung matapos na ito. Gayun din ang buhay ng mga NPA, pre and post Martial Law.

Kung hindi mo pa rin nababasa ang Go Set a Watchman, ito naman ay kasunod ng librong To Kill a Mockingbird. Mabigat din sa dibdib ang istoryang ito dahil kasali sa kwentong ito ang tungkol sa mga karapatan ng puti at itim.

Magkaiba yung kwento nung dalawang libro pero may major take home ako, isang mensaheng nakuha ko sa dalawang magkaibang libro.

Kaparehas ko sa tigas ng bungo yung dalawang karakter na nakilala ko sa mga nobelang ito.

Minsan pinaglalaban natin kung ano ang alam nating tama, dahil alam talaga nating tama at ang nakikita lang natin ay yung katotohanan ng ating rason. Pero minsan kahit tama man ang mga bagay-bagay ay hindi natin dapat ipilit dahil lang sa tama ito.

Minsan nakakapang-init ng ulo kapag alam mong tama ka na pero kinokontra ka ng iba lalo na kung hindi mo naiintindihan kung bakit.

At dahil dito, marami kang nasasaktan, napagsasalitaan. Kasi tama ka. At akala mo, mali sila. Pero yung totoo, minsan pareho naman talaga kayong tama pero isa lang sa inyo ang dapat masunod bilang ganun talaga ang takbo ng mundo. Ng iyong paligid. Ng mga tao sa iyong paligid.

Bilang madali akong magalit, at matigas talaga ang bungo ko kapag alam kong tama ako, madalas akong nakikipag away sa mga kasama ko sa trabaho dahil mapilit ako (sa iyong nagbabasa, di mo siguro gugustuhing makatrabaho ako haha). At kapag di nasunod ang ipinipilit, nagagalit at sumasama ang loob at maghahanap ng sisisihin o kaya ay magpipilit pa din. Magpipilit pa din talaga.

Ilang taon ko ng pinag-aaralan kung paano maging mahinahon (gaya ng ilang taon ko na ring patuloy na pinag-aaralan ang tamang gamit ng NG at NANG haha) pero hanggang ngayon ay pinag aaralan ko pa din. Ang buhay nga naman, walang katapusang pag-aaral. Walang katapusang pagtitiyaga. Walang katapusang paghihintay na sana ay dumating ang araw na masasabi mong ikaw ay natuto na din.

Ngayon maalala ko pang maging mahinahon at mag-isip muna bago magsalita. Pero baka sa susunod na araw, o linggo, o buwan ay balik na naman ako sa dating gawi.

Sinusulat ko ito para magsilbing paalala kapag bumalik na naman ako sa aking dating gawi. Tama man ako at lalo na kung mali.

8 responses to “Maging Tama Ka Man”

  1. May tama ka! hahaha! At natakot nga akong makatrabaho ka ahahaha! Narito lang ako kung kailangan mo ng gabay sa paggamit ng β€œng” at β€œnang” πŸ˜€

    Like

  2. Natawa ako sa Ng at Nang. Hahah.. Same same lang tayo. 😊

    Curious lang, pati ba sa asawa mo matigas din ang bungo mo? Or sa mga katrabaho mo lang ikaw ganyan? Hahah. Anyways, lagi naman tayong may learnings kahit ano pa ang edad natin. Eventually, you will grow at makakaya mo ng kontrolin ang sarili mo.

    Like

    1. Haha…..

      Hindi kami nag aaway na mag asawa….magkasundo kasi kami sa maraming bagay …. pero sa work mapilit ako haha….

      Parang ang tagal ko na pinag-aaralan kung paano makontrol ang sarili ah hahaha

      Liked by 1 person

      1. Good to hear na hindi ka naman pala nangaaway sa asawa mo. Hahah.. Iba pala ang Aysa kapag nasa work at kapag nasa bahay.

        Yaan mo, konteng panahon pa (mga taon? Hahah) at mao-overcome mo na yan. ☺

        Like

        1. Magkaiba talaga…sa trabaho masipag ako…sa bahay hinde hahahahaha

          Liked by 2 people

  3. Alam mo minsan iniisip ko “nang / ng” (hahaha!) tanggalin ang app na ito pero isa sa mga pumipigil sa akin ay ang iyong malikhaing kwento ng samu’t saring kaganapan sa iyong mundo πŸ˜‚πŸ˜

    Liked by 1 person

    1. wahahahah andami kong ganap

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: