Kwentuhan Tayo

Ang hirap magsulat kapag matagal kang natengga. Actually, ang mahirap ay yung makapagsulat ng magandang piyesa.

So isasantabi ko muna ang pagpiga ng aking utak at magkukwento na lang ng aming misadbentyurs. Umuwi kasi ako, nagbakasyon ng saglit. Dalawang linggo. Pero andaming nangyari. Epic.

Biyernes Santo

Nung Biyernes Santo, babyahe kami mula Pampanga papuntang Montalban. Nung Huwebes ng gabi, napansin naming malambot yung isang gulong ni Luffy (‘yan yung name ng kotse namin). Sabi ko kay Non-IG Hubby, baka tanghaliin kami kinabukasan, malamang walang bukas na vulcanizing shop ng Biyernes Santo. Pero sumubok pa din kami. Worse comes to worst, kung wala talagang magbubukas edi uuwi na lang kami at sa Sabado na lang babyahe.

So Biyernes ng umaga bumyahe kami. Nagpagas muna at naghangin ng gulong. Pagkahangin dun sa malambot na gulong, mukhang ok na siya. Nung hinanginan yung isa pang gulong, tumalsik yung pin, so nagpalit kami ng gulong. After niyan, dahan dahan na naming pinatakbo si Luffy habang naghahanap ng vulcanizing shop. Sakto may isang bukas. Swerte.

So habang nagpapalit sila ng gulong, sound trip lang ako sa loob habang tinitingnan yung mga dumadaang kalalakihang nagdurugo ang likod. Angdaming talsik ng dugo ni Luffy no’n.

Nung matapos na palitan ang mga dapat palitang gulong, nalaman naming may dalawang pako pala yung isang gulong (yung malambot). Hay, buti na lang napansin namin kundi baka nakita niyo ako sa NLEX na nagpapalit ng gulong baka may magvideo pa sa akin at magviral pa ako (chose, feeler).

Shout out pala kay Manong sa vulcanizing shop. Kaya pala bukas sila nung Biyernes Santo ay dahil Iglesia ni Cristo sila.

Stickers at Subic 

Kung nakadaan na kayo sa Subic o kung taga doon kayo, siguro naman ay alam niyo kung gaano sila kahigpit pagdating sa traffic rules. Ninenerbyos kami tuwing dadaan do’n kasi parang kung kailan pa talaga kami nandun sa area na yun, saka sumasablay yung mga nagdadrive.

Dahil pupunta kami ng Zambales, syempre kailangan dumaan do’n. Wala talagang choice.

So tatlong sasakyan kami, sunod sunod. Kami nila Luffy ang nasa unahan kasi sabi ni Erpats at ni Sabaw Sister, para daw pag nagkamali kami, kami ang mahuhuli ng pulis pangkalawakan at hindi sila. Grabe, kami talaga ang ginawang pain.

So una kami sa linya, tapos yung sasakyan ni Sabaw sister na bagong gawa at naka break in pa sa gitna (wow break in, Montalban to Zambales!) tapos panghuli ang sasakyan ni Erpat para daw if ever may mangyari sa sasakyan ni Sabaw Sister, to the rescue siya.

So nung papunta kami ng Zambales ay wala namang aberya pero nung pabalik na, dun kami nadali. Kasalanan ito ni Waze. Alam nilang lahat na dapat ay kakanan na kami kaya pumwesto si Non-IG Hubby sa kanan pero sabi ni Waze dumiretso daw. Nalito si Hubby kaya naalanganin siya. Nag Red yung stop light. Ninerbyos kami. Sumesenyas yung pulis. Di namin alam. Susundin ba namin si Waze o yung pulis. Andyan na palapit na yung mga pulis. Kita namin sa side mirror. Pero bigla silang nag back out. Tapos nag Green Light na. Nakahinga kami ng maluwag. Tapos makailang minuto pa, bigla kaming pinapabalik ni Waze. Dun sa kanto kung saan kami muntik na mahuli. Lang’yang Waze ‘to.  Buti na lang pagbalik namin dun sa kanto ay wala na yung mga pulis pangkalawakan.

Nung nagstopover na kami sa NLEX para kumain ay nagbida si Sabaw Sister tungkol sa muntik na naming pagkakahuli sa Subic. Hindi niya daw alam kung bakit kami dumiretso samantalang sabi ng Waze nila ay dapat kakanan. Binubusinahan niya daw kami at sinesenyasan pero dahil isa yung mga busina sa mga hindi pa naayos or napapalitan sa kanyang bagong biling second hand na sasakyan, ay di namin marinig. Sobrang hina kasi nung busina nung sasakyan niya na kahit langaw di ito maririnig.

Pilit niya daw kaming sinesenyasan na kumanan pero hopeless na siya nung nakita niyang naglalakad na yung mga pulis pangkalawakan papunta sa amin. Pero nung madaanan daw sila at matapat sa sasakyan niya yung mga pulis at nakita yung sticker ng sasakyan niya ay nagbackout daw ang mga ito.

Nailigtas kami ng sticker ng sasakyan ni Sabaw Sister. May dalawang bilog na sticker siya sa salamin. Yung isa may logo ng House of Representatives at yung isang sticker naman may nakalagay na Malacanang.

Kung sino man ang naunang may-ari nun na naglagay ng sticker na iyan, savior siya ng aming human race.

Karera

Nung pauwi na kami galing Zambales, sinunod pa din namin yung plano na kami nila Luffy at Non-IG Hubby ang nasa unahan, si Sabaw Sister sa gitna at si Erpat sa huli.  Pero paglabas na ng EDSA, sinabihan ko na si Hubby na hayaan na yung mag-ama at wag na antayin, bilang balwarte na nila ang EDSA at alam kong sa bandang huli ay kami pa ang maiiwanan dahil di kami sanay makipag balyahan sa EDSA, di tulad nung mag-ama.

So ayun nga, di na namin sila hinahanap. Sinundan lang namin si Waze. Hinayaan na lang namin silang mag-ama kasi alam namin na sila yung mga kahit walang Waze ay kabisado na ang EDSA at QC.

Nawala na sila sa aming paningin dahil sa dami ng sasakyan na nanggigitgit at sumisingit at sa dami  ng malalaking bus na nang-iipit sa amin.

Maya-maya pa nung nasa bandang Commonwealth na ay nakita na namin yung mag-amang nagkakarerahan. Gusto pa sanang humabol ni Hubby pero sabi ko, hayaan na lang sila bilang makakauwi di naman kami kahit di kami makipagbalyahan.

Nung makauwi na kaming lahat ay tinanong ko kung bakit sila nakikipagbalyahan, makakuwi din naman kahit straight lang ang pagpapatakbo. Sabi nila, gusto nila agad makauwi. At kung di sila sisingit, sila ang sisingitan.

Wala akong kinalaman sa kanila. Di ako marunong magdrive.

Lindol

Nagpapahangin kami ni Non-IG Hubby sa labas ng bahay dahil sobrang init nung araw na yun. Mas malamig sa labas ng bahay dahil kahit papaano ay umiihip yung hangin (kailan pa umihip yung hangin?).

Nakahawak ako nu’n sa gate namin ng biglang naramdaman kong yumayanig yung gate. Sabi ko kay Hubby, huy yung gate yumayanig. Sabi niya, hangin lang ‘yan. Tiningnan ko yung pader at halaman, gumagalaw sila. At imposible naman hangin yu’n. Pero di na lang ako nagsalita.

Maya-maya pa ay tumakbo palabas si Erpats.

Naramdaman niyo ba ‘yung lindol?

Napatingin ako kay Non-IG Hubby.

16 responses to “Kwentuhan Tayo”

  1. Nakikisabay lang sa pinetensiya ng Biyernes Santo si Luffy, kaya nagpalagay rin ng pako. Hehehe. Good to hear that you’re safe from the effects of the earthquake.

    Liked by 1 person

    1. nakikisabay din pala si Luffy haha….

      Salamat po, safe naman 🙂

      Like

  2. Epic si Waze, muntik pa kayong ipahamak. Hahah.. At yung Malacanang sticker, parang may ganyan din yung Tatay ko noon sa sasakyan namin. Parang elementary pa yata ako or high school. Naisalba na din sya nun minsan sa mga pulis. Hahaha..

    Like

    1. Oo, hindi lang ito ang unang beses na nilagay kami sa alanganin ni Waze ahaha.

      Salamat sa sticker.

      Liked by 1 person

  3. RheaAngeline Avatar
    RheaAngeline

    Inang Bibe, white yung van na dala namin nung nagtalsikan ang mga dugo from people. Hehehe. Umiwas ka din ba at natakot matalsikan kahit nasa loob ka naman ng sasakyan? Hahaha.

    Like

    1. nakakatakot baka may Hepa yung may-ari ng dugo, mahawa yung sasakyan HAHAHAHA

      Liked by 1 person

      1. RheaAngeline Avatar
        RheaAngeline

        LOL. Pero parang fake blood yung iba. Malabnaw eh.

        Like

        1. HAHAHAHAHAHA baka may tubig na

          Liked by 1 person

  4. “At kung di sila sisingit, sila ang sisingitan.” – Oo nga naman. Haha, di rin ako driver pero ispin mo na lang walang gustong maisahan.

    Liked by 1 person

    1. WAHAHA totoo naman, parang nagiging norm na nga sa Maynila ang pagsingit. Parang bubullyhin ka kasi sa kalsada pag sumusunod ka sa batas trapiko haha

      Like

  5. Wow, ang daming ganap sa bakasyon mo hehehe

    Liked by 1 person

  6. Mahigpit talaga sa Subic Bay hehehe anyway, ganda po ng blog entries mo.. Cheers to more articles! 😊

    Like

  7. Alam mo napapasaya mo ko. Hindi ko na talaga tatanggalin tong app na to. Tumatawa ako habang binabasa ko ang kwento mo 😂

    Liked by 1 person

    1. Ako naman napapasaya ng comment mo whahahaha salamat sa pagbabasa

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: