Hinahamon Kita

Ilang buwan na ang nakakaraan nung nanghamon ako ng Maldivian.

Atapang. Atao. Ako.

Hinamon ako ang kaalaman ng isang Muslim tungkol sa Qur’an.

HAHAHAHA.

Kagaya ng paghahamon ko sa isang matandang Madre tungkol sa kaniyang kaalaman sa bibliya noong ako ay grade 4 pa lang.

HAHAHAHA.

Sinabihan kasi ako nung Maldivian na iyon na ~ God created woman for man, for his desires to make man happy.

Nagpantig po ang tainga ko. Nanglisik ang mga mata ko. At muntik ng kumulot ang kilay ko.

Ang sabi ko, saang parte ng Qur’an mo nabasa iyan?  Wala sa Qur’an ‘yan! Sabi ko sa hitad na lalakeng iyon.

At pinakitaan niya ako ng bersikulo ng bibliya. HAHAHA.

Hindi ko alam kung bakit pinakitaan niya ako ng bible verse samantalang hinahanapan ko siya ng verse sa Qur’an.

Sabi ko sa kaniya na oo, kailangan tumalima ng babae sa kaniyang asawa, kahit naman sa bibliya ay mayroon niyan. Pero para sabihin niyang ang babae ay ginawa para paligayahin ang lalake ay makikipagpustahan ako na mali siya. We are not objects. Sabi ko pa sa kaniya.

At bilang hindi ako nagpatalo sa debateng ito, pinagpilitan kong wala talaga sa Qur’an yung sinabi niya. Sabi ko ipakita niya ang verse bago ako maniwala kahit nagkaroon ako ng kaunting pangamba na baka nga mamaya ay mayroon. Pero with strong conviction, pinagpilitan ko na wala.

Sa sobrang pagpipilit ko ay sinabihan niya na lang ako na ‘speak to a scholar.’ 

Mas lalo akong natawa. HAHAHA.

Bakit ko nga pala kinukwento ito?

Bilang parte sa pagkilala sa mga kababaihan dahil ngayon ay International Women’s Day, naisip kong ibahagi ang isang halimbawa ng mga pang-araw araw naming karanasan, at kung paano kami  patuloy na pakikibaka para sa pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtingin at karapatan.

#IWD2019 #BalanceForBetter

4 responses to “Hinahamon Kita”

  1. Ohmaygash gusto ko mawitness yung paghamon mo kay kuya. Lalo na yung paghamon mo sa madre noong grade 4 ka. Hahaha! at gusto ko iedit yung sinulat ko at hindi ako gumamit ng hashtag. Lol.Happy International Women’s Day! Kailan ka ba magsusulat ng libro at bibilhin ko? Kahit compilation ng mga kwento mo sa blog na to. Kasi kada kwento funny at tagos sa puso. Charot drama pero true!

    Like

    1. Hahahaha kung nawitness mo baka matawa ka sa itsura kong full of confidence pero ninenerbyos deep inside kasi baka mali pala ako hahaha

      Bwahahaha kailan kaya ako magkakalibro? Kaso baka di tanggapin sa publishing house haha

      Like

      1. Tatanggapin yan! If not…no shame in self publishing! Haha basta pagmay libro ka na alam ko na sino pangreregaluhan ko. Lol

        Like

        1. HAHAHAHAHA siguro magagawa ko iyan pag marami na akong free time. Magkakalibro din ako. Tiwala lang haha

          Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: