Mga Kaganapan at Mala Exorcism na Hilot

Andaming ganap sa buhay ko. Kape sa umaga, kape bago magtanghali, kape matapos mananghalian, kape bago magmeryenda, kape ulit ang meryenda. Sa sobrang dami ng kaganapan sa buhay ko, kape na lang ang nasa utak ko. Nasaan na ang paghihirap ko nung Oktubre na halos maipasok ako sa Coffee-holics Anonymous para lang maiwasan ang pagkakape? Pero heto na naman ako.

Sa dinami dami ng kape na nainom ko, maghapon pa rin akong antok. Pagod na pagod na kasi ang brain cells ko. Sa walang humpay na trabaho at walang humpay na paglangoy sa hapon.

Ayaw na din gumana ng utak ko ngayon at di ko na maintindihan mga laman ng emails ko kahit ilang ulit kong basahin.

Kaya naisip ko na lang magsulat. Pero wala akong maisulat na matino. Kape na kasi yata ang likidong dumadaloy sa utak ko.

Dahil wala akong maisip, nagbukas na lang ako ng personal email at nagtingin ng mga post niyo. Namili ng mga interesting na title at nagbasa basa ng kaunti.

Pero bago pa tuluyang mabaling ang atensyon ko sa pagbabasa ay tatapusin ko muna ang post na ito at magkukwento muna ako.

Nagpahilot ako kanina at may kakaiba akong karanasan. Bawat manghihilot kasi ay may iba ibang estilo. Ngayon lang ako nahilot ng babaeng nagngangalang Shiny. At ngayon lang ako nakaranas ng hilot na mala-exorcism of Emily Rose ang datingan ng posisyon ko. Habang ako ay nakahiga, hinila ni Shiny ang kanang braso ko sa direksyong papunta sa ulo ko. Tiniklop niya ang siko ko ng pabaliktad (tama bang term ang tiniklop ang siko?) at saka niya ito diniinan ng husto. Matapos niyang gawin sa kanang braso ko ay ginawa niya rin sa kaliwa.

Matapos naman niyan ay sa paa ko naman sya dumako. Sinubukan niya ring tiklupin ang paa ko ng pabaliktad pero dahil walang joint ang mga ito  tulad  siko ay slight lang ang mga pangyayaring pagtiklop. Hindi ko din alam kung paano ipaliwanag iyong mga pinagagagawa ni Shiny pero akala ko matapos niya akong tiklup-tiklupin na parang labahin ay pwede na akong sumali sa cirque du soleil.

Isa pa sa mga kaganapan bukod sa  pagkakape at pagtitiklop ay napansin kong may mga bago akong followers HAHA na baka nagsisisi na ngayon habang binabasa ang post ko at baka iunfollow na agad ako.

May isa pa ulit na kaganapan. Kahapon nung lumalangoy ako, sinusundan ako ng mga isda. Ayaw nila akong lubayan at dahil ayaw nilang tumabi sa dinadaanan ko este nilalanguyan ko, aksidenteng nahawakan ko ang isa. Anlambot. Maya-maya pa narealize ko na kaya pala sila lumalangoy sa paligid ko ay may teenage non mutant reef shark sa paligid na nasa surface. Naghuhunt ng makakain. So itong mga isdang ito ay ginawa pa akong shield. Walandyo naman oh. Sa akin pa sila kumuha ng proteksyon eh  sila yung mas mabilis lumangoy at mas madaling makakatakas. At kung takot sila sa pating, hello, takot din ako ng slight pag malaki na ito at masyadong malapit sa akin!!!

May isa pa ulit na kaganapan. May natanggap akong email mula sa isang OFW. Kung nababasa mo ito, sana ay maayos ka at sana wag mo na ituloy ang balak mong magTNT.

God Bless everybody!

Author: aysabaw

Aysa is a stubborn island girl, drinking more than 3 cups of coffee a day, swimming with the reef sharks, turtles and parrot fishes almost everyday. If she is not reading her books, writing something comical, leaving rubbish comments on your posts or strumming her guitar, then she's up to some mischief.

15 thoughts on “Mga Kaganapan at Mala Exorcism na Hilot”

  1. Nakakatakot naman yung pating na kasama mong lumalangoy. Daddy shark na ba or baby shark pa lang?

    At yung kay Shiny, babalik ka pa ba sa kanya para magpatupi? Ah este, para magpahilot? ☺

    Like

  2. Maximum of 4 cups na kape lang sa isang araw ang pwede, basta brewed. Toxic daw kasi ang mga instant coffee lalo ang mga 3 in 1.

    Ano pakiramdam mo kinabukasan after mamasahe? Minsan kasi masakit sa katawan. Hahaha

    Like

  3. Namiss ko ang longform Aysaaaa dahil palagi na lang akong nakababad sa instagram! Ngayon magbababad naman ako sa blog mooo!

    Dahil sweldo na at nainggit ako sayo, gusto ko rin magpamassage. Thai massage dito yung ala cirque du soleil pero pag yan pipiliin ko, pinipilit nila ako magpabody massage na lang.

    Like

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.