Opinyon Ko Lang Naman Sa Mga Comments ng mga Mangmang na Mamamayan ng Social Media

Siguro ay nabalitaan niyo ang trahedya ng mga Honeymooners na namayapa habang nandito sila sa Maldives (sumalangit nawa, at nakikiramay ako at nalulungkot sa kanilang sinapit) at siguro ay nag-aantay kayo ng post ko tungkol dito (yaaak, feeling sikat?) kaya ito na at magpopost ako. 

Pero ang post na ito ay hindi tungkol sa isyu nung mga namayapa at hindi ko bubungkalin ang istorya dahil hindi talaga namin alam ang tunay na nangyari. Walang statement na nilabas yung hotel kung ano talaga ang nangyari. So ang post ko ay tungkol sa mga kahindik hindik na comment ng mga mamamayan ng social media HA HA! Alam niyo namang patola ako minsan kaya heto papatulan ko ang mga comments na nabasa ko kagabi na hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa mga kakaibang teoriya nila tungkol sa Maldives.

Heto ang mga comments nila at hindi ko na ibublur ang mga pangalan nila bahala sila.

WAHAHAHA. People of the Philippines. Hindi ko kinaya yung comment na may nangunguha diyan at binuhusan dapat ng asin.

Kung may nangunguha talaga diyan, sana sa mahigit isang taon kong paglangoy ay nawala na ako. I mean, mas malaki ang chance na makuha ako dahil kumpara sa iba mas madaming beses akong nasa tubig. Ganun din kung may sinkhole edi sana matagal na akong nahigop. Yung mga dive instructors din namin na 20 years ng nagtatrabaho bilang dive instructor ay buhay pa din.

At parang wala pa naman akong nababalitaang namatay dito ng dahil sa kuryente. Kakaiba ang mga teoriya.

Anyway, sa totoo lang, hindi lang naman sa Maldives may namatay dahil sa pagkalunod. Kahit saan naman.

Unang unang tinuro sa akin ng dive instructor ko ay wag sisisid sa lugar na hindi ko alam. Mahalaga na kumuha ng ‘local guide’ na nakakaalam ng environment. Kaya kahit gaano kababaw ang tubig o gaano kalinaw, kung perstaym ko ay hindi ako lumalangoy o sumisisid unless may kasama akong guide.

Sa tubig, hindi ka dapat masyadong confidently beautiful with a heart. Kahit gaano ka kagaling lumangoy, huwag kang kampante. Magsuot ng life jacket lalo na kung malakas ang alon.

Nung dinalaw ako minsan dito ni non-IG-husband at nagsnorkelling kami, ayaw niya mag life jacket kasi nakita niya yung mga bata na tumatalong sa bangka na walang life jacket. Ako din walang life jacket. Nakigaya siya dahil daw lulutang naman siya. Lumulutang naman talaga sa tubig alat. Malakas yung alon. Ilang minuto lang, pinulikat na siya.

Mula noon, hindi ko na siya pinapalangoy pa ng walang life jacket.

Isa pa, ang rule pag nasa tubig, walang magkakapitan kapag nalulunod o pinupulikat. Magrelax lang at magisip ng solusyon.

Gaya ng sinabi ko, magpasama muna sa local o sa nakakaalam ng environment bago lumangoy. Hindi ako lumalangoy hangga’t hindi ko kabisado ang lalabasan at papasukan ko. Iba’t iba ang hugis ng isla at formation ng house reef ganun din ang current.

Yung litrato sa taas ang isla kung saan ako nakabase ngayon. Makikita niyo ang parte kung saan malalim. Iba iba din ang direksyon ng current depende kung nasaang parte ka na ng housereef. Siyempre kung hindi ka marunong lumangoy at hindi ka komportable sa tubig, wag maglakas ng loob.

Pinakaimportante sa paglangoy at pagsnorkeling ay komportable ka na sa tubig. Yung bang hindi ka na takot makita na puro blue lang ang nasa paligid mo at hindi mo makita ang buhangin sa lalim. At lalong hindi ka na takot makakita ng mga marine creatures.

Itong litrato naman sa ibaba yung isla kung saan ako dati nakabase. Ibang iba iyang kesa sa isla kung nasaan ako ngayon.  At kung makikita niyo yung mga arrow sa bandang kanan, may magkaibang direksyon ang current kaya kung hindi ka matibay sa languyan at hindi mo alam na may ganoong pangyayari sa parteng iyan ng tubig ay wag kang lulusong.

Ang masasabi ko na lang ay tao tayo at hindi isda. Hindi natin elemento ang tubig. Kaya’t ibayong pag-iingat saan man kayo magpunta.

24 responses to “Opinyon Ko Lang Naman Sa Mga Comments ng mga Mangmang na Mamamayan ng Social Media”

  1. Finally i read a different theory…tama ka nakakarindi ang mga kung ano anong theories na lumabas sa pagkakalunod noongd dalawa…

    Like

    1. Sobrang nasensationalize ung storya . Yung ibang mga mangmang kung ano ano pinagsasabi wahahahaha

      Like

      1. Tama ka…madaming mas makabuluhang dapat napag usapan (not that it wasn’t) but i am sure mas may better way to discuss it..and yours was indeed the better way of discussing what happened.

        Like

        1. Haha. Salamat. Waha. Hindi ako naniniwalang may nanguguha. WahA

          Liked by 1 person

  2. Parang ito lang yung pinag usapan natin nung isang gabi… hahaha… ngayon mag move on ka na 🙂

    Like

    1. True! Ngayon nasabi ko na ang mga saloobin ko ay makakalaya na ako. Chos.

      Like

  3. Ang tangging magagawa nalang natin ay Ipag-pray nalang sila..

    Like

  4. Natawa din ako dun sa comment na lagyan daw ng asin. Ano yun, parang piprituhing isda lang? Hahah.. Tsaka ang layo pala ng pangmalakasan mong langoy. Ilang meters yun?

    Liked by 1 person

    1. hay naku Jheff. Sa tubig alat na nga nalunod tapos bubudburan pa ng asin. wahaha.

      1km yung pampalakasang langoy. Isang beses ko lang ginawa yan sa talambuhay ko haha di ko na uulitin

      Liked by 1 person

      1. Wow, ang layo nun – pang Pro na talaga. Hayaan mo, hahanapin ko yung nagcomment about sa ‘asin’ at nang mapektusan. LOL

        Like

        1. Hahahaha once lang yung langoy na yun…halos himatayin ako pagkatapos hahahaha…sige paki pektusan na lang. Nandyan ang user name haha

          Liked by 1 person

  5. Ang taray po nung Aysa na lumalangoy nang pangmalakasan. Bongga ang mga mala-instructional guide sa paglangoy, ninamnam ko, as if marunong akong lumangoy. Hahaha.

    Bakit nga ba kasi hindi binuhusan ng asin? Naku-curious ako sa itsurang katawan ng saging.

    Liked by 1 person

    1. HAHAHAHAHAHA oy baka albularyo yung nagcomment na buhusan ng asin

      Liked by 1 person

  6. Not related to anything… Gusto ko yung mga ginuguhit mo bago simulan ang iyong malikhaing paglalathala ng iyong karanasan o kwento o ano man. Ang cute lang!

    Yun lang 😬😁😊👍

    Like

    1. Wahahahaha
      Word class art yan..charot

      Salamats 🤭🤭🤭

      Liked by 1 person

      1. World pala..myghad wrong spelling wrong pa hahaha

        Liked by 1 person

  7. Pero alam mo, totoo ngang may nangunguha diyan.

    Ng mga bag, wallet at phone lalo na kung unattended. HAHAHAHA

    Liked by 1 person

    1. Wahahahaha sa Pinas lang madami nyan 😅😅😅

      Liked by 1 person

  8. Very informative, galing!

    Like

  9. “Ang masasabi ko na lang ay tao tayo at hindi isda. Hindi natin elemento ang tubig. Kaya’t ibayong pag-iingat saan man kayo magpunta.”

    This!!! Huwag gumawa ng kung anu-anong kwento. Kapag hindi sanay sa tubig, mag-pictorial na lang sa pampang. Ako nga naka lifevest kahit sa kiddie pool. ( Ibayong pag-iingat para sa ‘di marunong lumangoy.)

    Pero infairness natawa ako dun sa nilalanguyan ni Aysa. Napatanong ako sinong Aysa? Ikaw nga pala iyon. 😅

    Liked by 1 person

    1. Hala nagababackread s’ya, pati ako napapabackread hahahaha natawa tuloy ako ulit sa mga comments tungkol sa may nangunguha chenes

      Ang cute mo naman. Life vest sa kiddie pool hihihihi

      Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: