The Privileged Ozzy

Nasa airport ako no’n at nakapila na para magcheck-in sa counter ng Singapore Air (inemphasize ang airline dahil gusto ko magmukhang sosyal) ng marinig ko ang usapan ng mag-asawang Puti at Pinay. Naisip kong taga Australia ang lalakeng iyon dahil sa accent niya at isa pa, halos lahat ng nasa flight na iyon ay mukhang sa Australia talaga pupunta kasi madaming taga-Australia sa flight na iyon at maraming Pinoy na may Australian Passport. Hindi naman ako niyan masyadong usyosera.

So mabalik tayo sa magasawang Puti at Pinay. Matagal kaming nakapila bago pa nagbukas yung mga counter. So nung gumagalaw na yung pila tinawag na nung Pinay si Puti (ang sagwa ng tawag ko, parang aso lang) para pumila. Sabi ni Puti (in English) na hindi daw siya pipila kaya’t umalis siya. Naisip ko lang, kung ayaw niya pumila eh bakit Economy ang binook niya. O kaya sana sa Senior Citizen, Pregnant or with Children and Disabled line siya pumila pero mukhang hindi pa siya ganun katanda, wala naman siyang dalang baby at hindi naman siya baldado.

Maya-maya nung sila na ang magchecheck-in, dumating na siya para ipakita ang mukha niya matapos iabot ng asawa niya yung passports nila. Tapos ay si Pinay pa ang nagbuhat nung dalawang maleta nila para ilagay dun sa conveyor. Damn. Baka ibash niyo ako pag sinabi kong chivalry is dead pero grabe.

Nung boarding na at papasok na kami sa eroplano, single line lang naman yun. Bigla ko na lang nakita si Puti na umoovertake sa akin. Tapos nung huminto ang paglakad ng mga tao sa harap, bigla siyang pumila sa harap ko. Akala ko mga Pinoy lang ang hindi disiplinado. Nainis ako sa pagsingit niya. At lalong nainis ako ng hindi ko na naman makita si Pinay na kasama niya. Sa isip-isip ko din, leche na lang talaga kung makakatabi ko pa ang kupa-kups na ito sa upuan.

Nung makaupo na ako at nagseatbelt at handa na matulog, biglang dumating si Puti at si Pinay. Sa lampas 60 rows ng eroplano, dun pa talaga sila sa tabi ko. Bale letter G and seat ko, katabi ko dapat ang E (si Puti) at D si Pinay (kung bakit walang F ay hindi ko alam). Narinig ko s Pinay na nagsasabing letter D ang silya niya pero pinilit siya ni Puti na umupo sa tabi ko. Naisip ko na sana ay sa tabi ko umupo ang taong ito para makaganti man lang sana sa pamamagitan ng pagtulo ng laway ko sa braso niya habang tulog ako.

Hindi ko alam kung ano ang arrangement nilang mag-asawa at sa totoo lang ay wala naman ako dapat na pakialam kaso nanggalaiti ako sa pag-overtake niya sa akin. Wala naman akong problema sa mga Pinay na nagaasawa ng Puti kaso yung mga ganitong kaso, nakakapanggalaiti.

Naalala ko tuloy yung isang kano na nagsabi sa aking gusto niyang mag-asawa ng Pinay kesa Amerikana. Kasi parehas lang naman silang ang habol sa kaniya ay pera. Pero at the end of the day, pag-uwi niya daw sa bahay, aawayin siya ng Amerikana habang ang Pinay ay pagsisilbihan siya at dadatnan niyang malinis ang bahay. Hindi ko alam kung tingin nila ay maganda mag-asawa ng Pinay para gawing maid. Please pakisabi sa akin na malli ang interpretasyon ko sa sinabi niya. Pero nakakainis talaga.

13 responses to “The Privileged Ozzy”

  1. hehe, may nagaalaga na sa knila pag pinay unlike pag puti walang care, hehe

    Like

    1. So naghahanap sila ng mapapangasawang caretaker waha

      Like

    2. on a separate note, may pinoy na magasawang nalunod dyan?

      Like

      1. Meron nga daw. Pero wala pang details sa mga pangyayari

        Like

  2. Grabe nalungkot ako. Halos tumulo luha ko (hindi laway) habamg binabasa. ,πŸ˜₯πŸ˜ͺ

    Like

    1. buti na lang hindi laway haha. Hoy kilala ka ni Precious na taga Bolinao HAHA

      Like

      1. Yeeees! Student ko sya dati. 😊☺️

        Like

          1. Oo nga pala pareho kayong nasa Maldives. D ko nafigure out un agad na baka nga magkakilala kayo!

            Like

  3. Merong nakwento sa akin dati yung pinay daw may jowa na ozzy tapos si ozzy ang financier para sa lyf niya. Ewan ko. Nakakainis yung mga puti na ganyan pero nakakainis din yung mga tao na easy way out ang gusto. Pero kung ano trip nila, bahala na sila dun. Pero sana tinalisod mo lol joke hahaah! Happy 2019 Aysa. Mag-ingat ka diyan palagi, friend. ❀

    Like

    1. HA! Hello KAT! bahala na sila sa buhay nila. New Year’s resolution ko ang wag mambully (dahil bully ako sa work) haha at wag na mainis lagi LOL.

      Happy 2019 din at ingat din lagi

      Liked by 1 person

  4. Sumingit? Dapat pinapatulan ‘yan – kinkurot sa singit. πŸ™‚

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: