Nagpunta ako sa bangko para panandaliang ipahiram ang aking perang pinaghirapan sa napakayaman nitong may-ari nang sa ganoon ay patuloy pa itong makapamili ng madaming lupa at makapagpatayo ng madaming mall.
Pagdating ko sa bangko ay ga-sawa ang pila. Bilang nagtapos naman ako sa unibersidad na tinawag na Pila Uli Pila ay mani na lang ang pilang ito.
Pero bilang hindi na ako ganoon kabata ay sumakit agad ang likod ko mula sa dalawampung minutong pagkakatayo. Isa pa, noong estudyante pa lang ako ay wala naman akong pera kaya nagtityaga akong pumila para magbayad ng kakaramput na tuition fee.Β Pero ngayon, hindi akoΒ nanlilimos ng edukasyon. Magpapahiram ako ng pera sa may-ari ng bangkong ito. Take note. Pinapahiram ko ng pera ang may-ari ng bangkong ito. HA. HA. Ako na ang nagpapahiram pero ako pa ang pumipila. Baliktarin man natin ang sitwasyon na ako na ang manghihiram ng pera sa bangkong ito ay ganoon pa din. Ako pa din ang pipila. HA. HA. Hindi pa ako natuto sa mundong ito na hindi patas. Patuloy pa din akong nagrereklamo. Magbalat na lang kaya ako ng patatas?
May iba’t ibang layers yung pila. Yung pilang nasa labas ka pa ng inner circle ang unang layer. Yung yung pila na may chance pang masingitan ka kasi halos di mo malaman kung nasaan ba yung pila. Yung tipong akala mo kasama ng nasa harap mo yung nasa tabi mo, tapos pag usad ng pila ay nasa harap mo na sya. Yung iba naman ay dadaan kunwari para makakuha ng deposit or withdrawal slip pero maya-maya lang ay nakapila na sa harap mo.
Yung pangalawang layer naman ay yung inner circle. Yun yung safe kang hindi na masisingitan kasi may kordon na. Single line na lang talaga siya kaya kitang kita mo kung sino yung sisingit. At ito na yung layer kung saan sasabihin mo sa sarili mong ‘ konting tiis na lang!’
After nitong inner circle ay yung seating line kung saan ay lumevel up na ang pagpila mo. Nakapila ka pa din pero nakaupo ka na. Matapos ang halos apat napu’t limang minuto mong nakatayo ay para ka ng nakajackpot pag nakarating ka na sa layer na ito ng pila at makakapagsabi ka na ng ‘hay salamat!’
Sa mga pagkakataong ganito kung saan bakante ka at wagas na nag-aantay sa pagtawag sa iyo ni ate sa counter, mapapansin mo na lahat ng dapat mong mapansin. Maririnig mo na lahat ng pwede mong maririnig. Maiisip mo na ang lahat ng iyong maiisip na isulat para sa iyong blog. Nakakabuti din pala minsan ang pinaghihintay at pinahihirapan ka dahil nagkakaroon ka ng isusulat sa blog kahit puro reklamo lang naman.
Habang nag-aantay ay rinding rindi na ako sa sigaw ng batang spoiled na halatang anak-may-kaya dahil sa kapal ng silver na kwintas at bracelet nito. Panay ang sigaw nya ng mommy at daddy at hindi ko man lang makitang sinaway ng magulang kahit isang beses. Di ko alam kung musika sa pandinig nila ang sigaw ng anak nila at kung ganoon man ay sana wag nila kaming idamay kasi iba ang taste namin sa musika.
Ilang ulit ko na ding napanood ang advertisement ng bangkong ito kung saan ang isang beauty queen ay rumarampa kasama ang mga friends kuno nito na may mga bitbit na shopping bags. Pinapakita kung gaano kagaan ang buhay kung ang bangkong ito ang kaagapay. Mabilis lahat ng transaction, madaling makapagshopping, makapagkape, makautang para makabili ng bahay at sasakyan. Taliwas sa nararanasan ko habang nakapila.
Naroon pa ang advertisemment na may hashtag na #iponipondin. Wag daw ilagay ang pera sa mga hindi ligtas na lugar tulad ng alkansyang kawayan at wallet. Dapat ay iimpok sa bangko. Ngayon ko lang narealize na tayong mga hamak na mahihirap ay naeenganyo ng mga komersyal na ito na ipahiram ang ating kakaramput na perang pinaghirapan sa mga malalaking korporasyon.
Nung ako na ang nasa counter ay napatingin ako sa babaeng nasa kabilang counter. Binuksan niya ang zipper ng bag niya at nakita ko ang limpak limpak na dadaanin, lilibuhin, tagsisingkwenta at tagbebeinte. Hiyang-hiya ang ilang pirasong perang papel na dala ko na pinaghirapan kong ipila at ngayo’y nirereklamo ko pa.
Mayroon naman kasing cash deposit machine sa bangko, ang kaso lang ay hindi gumagana. Nakatulong sana ito na mabawasan ang haba ng pila kung gumagana lang sana.
Hindi ko alam kung kasalanan ng mga tao na masyado silang madami o kasalanan ng bangko na nagtayo ng branch na iilan lang ang kaha at napakaliit ng espasyo para sa isang bayang siksikan naΒ ang mamamayan.
Kinalaunan ay hinanapan ako nila ate ng ID dahil daw hindi updated ang account ko. Kaya ayun, matapos ng pagpila ko, kailangan ko pa daw uling bumalik at i-update ang accoount ko bago ako makapagpahirap muli ng kakarampot na salapi sa napakayaman nitong may-ari.
I’d love to hear from you!