Mga Patay Gutom sa MOA

Bagong taon kaya’t nagdesisyyon ang mga patay gutom na mag Enchanted Kingdom. Kaso matapos magsigising ng pasado alas otso, nag-almusal lang at nagsitulog ulit hanggang alas dose media.

Magaling! Magaling!

Nagsibangon at nagsiligo at biglang pinaharurot ang sasakyan. Mag iiStar City na lang daw sila.

Kakamadali nakalimutan nilang mananghalian kaya’t nagplanong dumaan sa kahit anong drive thru para umorder ng burger at fries pero umabot na lang sa Star City ay wala namang nadaanang drive thru.

Wala nang maparadahan ng sasakyan kaya’t sa yamot ay nagtungo na lang sa MOA at naghanap ng makakainan.

Sa dami ng kainan pero mas marami pa ring tao, at sa pagnanais ng karamihan na makakain ng kanin ay napadpad sa isang kainang naghahain ng pagkaing Hapon.

Mamantika ang sabaw ng Ramen at ang noodles ay parang instant lang, di makatarungang bbayaran ng tatlong daan.

Ang kanin na may karne ay pwede na pagtyagaan.

Ang karimarimarim ay ang kasilyas na pinugaran ng ipis at ang tambakan ng mga sirang upuan at maduming gamit sa ikalawang palapag.

Hinding hindi na ito babalikan ng mga patay gutom.

 

8 responses to “Mga Patay Gutom sa MOA”

  1. anong kainan yan at nang maiwasan na? hehehe

    Like

    1. Japanese resto katabi ng Sizzling Steak…kahelera ng Hann Mann ba yun haha…Oki Oki ata hahaha

      Liked by 1 person

  2. Que horror!

    Happy New year. Enjoy the bakasyon. 😊

    Like

    1. Hello po Happy New Year!

      Like

  3. Welcome to the Philippines. 😁

    Like

    1. Kainis 😐😐😐

      Like

  4. Nasa Pilipinas ka pala. HAPPY NEW YEAR!

    Like

    1. Haha Oh yes. Happy New Year!

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: