Paulit-ulit akong nagdadrama dito sa aking blog tungkol sa aking trabaho at nandito na naman ako at magdadrama ulit. Ang drama ko sa buhay ay parang fungi na kahit pahiran ng sandamakmak na Nizoral Cream ay hindi maubos ubos (this is not a sponsored post ha ha).
How many times have I complained about my work-life drama and here I am writing about it again. My dramas in life are like fungi. They won’t disappear no matter how many times I apply Nizoral Cream.
Kung yung iba ay laging nagrarant tungkol sa kanilang buhay pag-ibig at ex na di makalimut-kalimutan ay ganun din ako sa trabaho kong hindi ko naman maiwan-iwanan.
If some bloggers rant about love life and the EX that they can never forget, I rant about the job that I can (anyway) never leave.
Kaninang hapon lang ay nag Drama Anthology Princess na naman ako sa room pero nakalimutan kong magwalling. Yumuko lang ako sa kama at umiyak.
Just this afternoon, I was like a Drama Anthology Princess crying in my room, my face on the bed. (No translation for *walling.)
Kasi di ko mahandle ang pressure. Kasi pinagtutulungan ako ng mga malalaking tao sa head office samantalang isang kutong lupa lang naman ako sa kumpanyang ito.
Because I cannot handle the pressure. The big bosses were bullying me even though I am just a tiny insect in this company.
Iniisip ko na isa siguro sa mga rason kung bakit nila ako laging kinakanti dahil sumasagot ako ng pabalang at walang kagalang galang. O kaya naman dahil ako lang ang kaya nilang ibully at pagtulung-tulungan.
I thought that maybe, they do this to me because I am unafraid to answer them back. Or because, like every other bully, they can only poach on the weak ones.
Kanina habang umiiyak ako, pakiramdam ko, ako si Marimar na kinukuha ang pulseras sa putikan gamit ang kanyang bibig. Pakiramdam ko, ako si Can Xai habang binubugbog siya ng mga bullies. O diba? Ang drama ko talaga at ang luluma pa ng mga reference ko.
While I was crying earlier, I felt like I was Marimar who was asked to take her bracelet on the mud using her mouth. I felt like I was Can Xai while she was being beaten by the bullies. I am so dramatic and my movie references are prehistoric.
Sabi ko ayoko na lang ipost to dahil wala naman akong naiinspire na tao sa mga pinagpopost kong ito pero pinost ko na din. Makulit nga kasi akong parang makating buni at an-an.
I told myself I’m not gonna post this because this is a useless post and I won’t be able to inspire anybody by posting this but I’m posting this anyway (so redundant). Like I said, I’m like a persistent fungi.
Gumaan ang pakiramdam ko habang sinusulat ito at natatawa ako sa sarili kong joke. Myghad, sino ba ang tatawa sa korny nating jokes kundi ang mga sarili natin. Gaya nga ng sabili nila, mahalin natin ang sariling atin.
Writing this post gave me some relief and I was laughing at the jokes I have written here. Who else will laugh at our stupid jokes but ourselves, right? Like the old saying goes, love yourself.
Kung gaano kahirap ilapat sa papel ang nararamdaman ay ganun din kahirap magtranslate.
Writing down my feelings wasn’t easy but translating this is even more difficult.
Hindi man nakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas ang sinulat ko, sana man lang may natawa kahit isang pirasong nilalang lang.
This post won’t help the Philippine Economy but I hope, I made even one soul laugh or at least smile.
I’d love to hear from you!