Una sa lahat ay salamat kay Space and Boredsensei sa pag nominate sa akin, Shukriah! Kung hindi niyo sila kilala, bahala kayo. Nawawalan kayo ng 1/4395 ng buhay niyo.
Rules:
•Thank the person who nominated you and link their blog in your post.
•You must include the rules and the blog award image in your post.
•You must add 7 facts about yourself.
•Nominate 15 people to this award.
7 Facts About Me
- Uminom ako ng tubig mula sa banggerahan nung maliit pa ako. Hindi ko alam kung gaano pa ako kaliit no’n. May planggana sa lababo na may lamang platong hindi pa nahuhugasan at nagulat si mudra nung bigla akong sumandok ng tubig mula doon at uminom. Baka sobrang uhaw na ako kaya ganun.
- Nung natuto ako maglakad, lagi daw nakataas ang kamay ko habang naglalakad, arms raised forward. Ako yata ang ninuno ng mga zombies?
- Ako ay may alaga, Froggy na payat. Buntot ay di mahaba, makinis ang balat. Mahal niya ako at mahal ko rin siya. Kaya kaming dalawa ay laging magkasama.
- Sa Chinese garter, hanggang balikat lang na level ang kaya ko. Hindi ko alam kung paano nakakalundag yung ibang mga kaklase ko kahit lampas ulo na yung level.
- Hindi ako sporty na tao. Ayaw ko ng takbuhan. Ayaw ko ng badminton dahil hindi ko tinatamaan yung shuttle cock. Ayaw ko ng akyatan ng bundok. Langoy lang ang sports ko pero mabagal ako, parang pagong.
- Mahilig ako sa banana cue.
- Noon, gustong gusto kong makapagmigrate sa mga bansang tulad ng Canada o Austria. Gusto ko kasi yung lifestyle, gusto ko rin yung passport (ha ha). Pero ngayong nakatikim ako ng buhay isla, ayaw ko na umalis. Ni hindi na nga din ako interesadong magtravel sa ibang bansa. Kung pwede nga lang na magkabahay kami dito ni non-IG husband gusto namin dito tumira. Not because of the passport or hindi namin mahal ang Pilipinas, talagang gusto lang namin ang lifestyle. Simple, tahimik. Nainlab talaga ako sa bansang ito. Hindi ito perpektong bansa tulad ng laging mababasa sa mga advertisement pero tao man, bagay o lugar, ininiibig natin kasama pati mga flaws nito diba? Ngayon pa lang nalulungkot na ako pag naiisip ko na darating din yung araw na kailangan ko na umalis dito for good.
Nominees:
Sino pa ba hindi nanominate? Kalurkey.
Pag nanominate ka at hindi ka gumawa ng Lovely Blog Awards, mamalasin daw love life mo ng 200 years.
P.S. Pwede niyo pa sa akin ipalista yung mga noisy para makasama sila sa sumpa ng chain letter.
I’d love to hear from you!