Apat na bata, apat na kwento ng pagharap sa mga katotohanan at kasinungalingan ng buhay.
Kung alam lang nila.
Ang Kung Alam N’yo Lang ni Ricky Lee ay binubuo ng mga sumusunod na kwento:
Ang Nawawalang Diyos
Kasama ang kaniyang aso at pusa, isang araw ay hinanap ni Carlo ang Diyos.
Isa itong malalim na pananaw tungkol sa relihiyon at sa ating paniniwala dito.
Ang Sayaw ng mga Letra
Si Trevor lang ang nakakakita ng gumagalaw na mga letra sa kanyang kwarto.
Hindi ko masyadong naunawaan ang nais ipahiwatig ng may akda sa kwentong ito. Pero masyadong malungkot at mabigat ang pakiramdam ko habang binabasa ito.
Si Inggo at Ang Santo Kuwatro
Hinarap ni Inggo ang bully na si Victor sa isang bayang nakalimot na kasaysayan.
Para sa akin, ang kuwentong ito ay tungkol sa kasalukuyang lagay ng ating lipunan. Si Inggo na biktima, na nagkaroon ng pagkakataong maghiganti na kahit alam niyang masama ay tinuloy pa rin. Hindi ba’t ganito tayong lahat? Mga marurupok at minsan ay lumalabo ang pagtingin sa tama at mali kapag personal na interes na ang pinaguusapan?
Nang Mapagod si Kamatayan
Gustong maintindihan ni Monty kung bakit pumapatay si Kamatayan.
Maganda lahat ng kwento pero ang pinakanagustuhan ko sa lahat ay ang panghuli, Nang Mapagod si Kamatayan. Naaliw ako sa konseptong napagod si Kamatayan at parang pakiramdam niya ay hindi makatarungan na siyang pumapatay ay hindi mamatay-matay kahit nagsuicide siya. Hindi ko alam kung intensyon ng may akda na magkaroon ng medyo nakakatawang parte dahil natawa ako nung nag suicide si Kamatayan, o baka mababaw lang ako.
- Maganda lahat ng kwento, may kaunting kurot at kaunting pitik na para bang pinapaalalahanan ka na may mga bagay na marahil ay hindi mo napapansin pero mahalaga.
- Wala akong masyadong masabi. Basta maganda. Basahin niyo na lang.
I’d love to hear from you!