Bloggers Meetup – TFIOB Ver 0.2

Sa wakas ay personal ko ng nakadaupang palad ang mga bloggers na noo’y nakakausap ko lang virtually. Napatunayan ko na talagang tao at hindi bot ang nasa likod ng bawat rant, opinyon at kwentong nababasa ko.

Marami-rami kami kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilatis ang bawat isa bilang may kanya-kanyang usapang naganap at hindi rin masyadong magkarinigan dahil sa ingay nung lugar na pinagdausan ng pagkikita.

Medyo nakakagulat na karamihan sa kanila ay tahimik sa personal gayung napakalakas ng boses nila sa panulat.

Jheff  – Sobrang abala ni Jheff sa pag oorganisa bilang siya ang contact ng lahat ng mga dumalo kaya hindi kami masyadong nakapagkwentuhan. Abala din siya sa pagkuha ng litrato at video.

Si Grace at Sensei  ay hindi ko rin masyadong nakakwentuhan dahil malayo ang kanilang kinauupuan. Isang malaking surpresa si Sensei dahil walang-wala sa itsura at kilos niya ang mga pinagsusulat niya sa blog niya na walwal moments niya.

Si  Patrick naman ang pinagdudahan namin. Akala namin ay peke ang kaniyang account at nais niya lamang mag-espiya kaya siya dadalo bilang bago pa lang siya sa grupo.

Isang napakalaking surpresa din ni Ely bilang hindi siya kailanman naglagay ng litrato sa mga blogpost niya o sa fb account niya. Akala ko ay kamukha niya yung cartoons sa gravatar niya dahil yun lagi ang naiisip kong sumusulat sa imaginary gf niya.

Nahihiya ako makipag-usap kay  Kate  dahil talagang kapita-pitagan siya.

Kakaiba naman itong si  James. Para kasing ibang-iba siya sa personal kaysa sa mga pinagsusulat niya sa blog niya. Sa personal para siyang yung tipikal na mga nagbabanda/ rakista (bilang long hair siya) na walang kibo habang minsan pakiramdam ko ay may pagka-jeje yung pagkekwento niya sa blog (ha ha sorry, peace tayo James).

Natuwa akong makilala sina Kuya Keso and Ate Choco, dahil sa wakas, matapos ang ilang taong pagbabasa ng kanilang blog sa wordpress ay nakilala ko na din sila ng personal.

Sayang at malayo ang pwesto ni Rhea, kaya hindi ko naimustra sa kaniya kung paano ako pinagtabuyan ni Space nung nagkita kami sa Singapore habang nililtratuhan niya yung welcome banner ko. Si  Jonathan naman na inaasahan kong madaldal ay tahimik sa isang tabi. Si Pajahma naman ay di ko masyadong nakausap dahil paalis na ako nung dumating siya.

Si Aila at Jass ang talagang nagbigay kulay sa meetup na ito. Sila naman yung hindi ko inaasahang kwela.

Natutuwa akong makilala ang mga taong iba-iba man ang pinaggalingan, pati ng personalidad subalit pinagbuklod ng panulat.

Napakasaya ng pagkikitang ito at sana ay mas dumami pa tayo sa susunod, at sana ay makasama akong muli kapag may pagkakataon.

Ikinagagalak kong makilala kayong lahat at mabuhay ang TFIOB. #PAWER #PARAMI

 

Author: aysabaw

Aysa is a self-proclaimed hotelier without any culinary talent. She used to fly around Dubai for ten years via her magic carpet but destiny led her to a new path. She is now a little mermaid swimming in and around the Maldivian waters. If she is not reading her books, writing something comical, leaving rubbish comments on your posts or strumming her guitar, then she's up to some mischief.

140 thoughts on “Bloggers Meetup – TFIOB Ver 0.2”

  1. Wahahahahaha! Naalala ko ang pataboy welcome.. the warmest welcome ever! Papa-frame ko na talaga ito! Pangatlong beses na ko na-mention sa mga blog post mo waaaaahahahaha! What an honour! So osom mga kaDDS! Also, what an osom privilege to be part of TFIOB.. isasama ko to sa privilege speech ko sa senado hahahahhahahaaha!

    Liked by 10 people

          1. Ohhh.. kaya pala parang kulang ng digit ang student number mo. Haha. Alam mo ang trivia about the last number?

            Now I know why magaan ang loob ko sa inyo! Same age friends tayo. Sa korea, meaning, we can drop honorifics pag tayo magkakausap. Hahaha.

            Liked by 2 people

  2. Sayang nga, gusto ko makipag-kwentuhan at tumabi sa inyo kaso kelangan ko asikasuhin yung ibang mga bago. Feeling ko tuloy bisita ko kayong lahat. Heheh.. Nag-sacrifice na lang ako para walang ma-OP.. ☺

    In the future sana makasama ka uli namin. Pawer!

    Liked by 4 people

          1. Sssssshhhhhhhh…. E alam ko namang late sya. Habang wala s’ya syempre magkatabi muna tayo😉.. Sabi nya kse i-save s’ya nang upuan… (bakit ako nagpapaliwanag?!) saka sa lahat naman inaalok ko yung upuan sa tabi natin, kahit si rhea pinauupo ko sa gitna natin… (k’so parang naamoy nilang mahirap mapagitnaan ng dalawang bully😂)

            Liked by 5 people

  3. naalala ko nagkakatinginan tayo, bumubwelo lang ako para magtanong pero nahihiya ako, pinanganak ata akong slow magbuild ng rapport kapag first meeting 😀 dun naman sa pagigigng seryoso, sa umpisa lang yun lol

    Liked by 4 people

          1. pero isang tanong isang sagot lang ang style ko, parang “Anong paborito mong pagkain” -Ice cream, walang dagdag 😀 baka mabored ka 😀 pero depende rin sa iniinom 😀

            Like

  4. Nakakatawa pa rin magbasa ng comment. 🤣🤣 Grabe! Nakakainggit! At grabe Aysa! Nung nagmeet tayo dito tayong dalawa lang tapos jinojologs lang natin na next time marami na tayo. Hahahahaha Can’t wait to meet the rest of the gang!

    Liked by 2 people

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.