Ang Layo na ng Narating Natin

Isang taong mahigit na rin noong huli tayong nagkita. Kumain at nagkape doon banda sa may Gitnang Silangan kung saan pinaalala mo sa akin ang makulay nating kabataan, yung mga panahong palakad-lakad lang tayo sa Kahabaan ng Aurora Boulevard.

Kanina naman ay naulit ang ating paminsanang pagkain at pagkakape. Dito naman tayo sa siyudad ng Angeles napadpad ng kwentuhan. Ang layo na talaga ng narating natin, sa pananalitang literal.

Kung noong huling pagkikita natin ay napakarami mong pinaalala sa akin tungkol sa ating mga kabataan, ngayon nama’y nagbago na ng kaunti ang timpla ng ating usapan. Hindi na ito paglingon sa ating mga pangarap na unti-unti na din nating natupad. Ngayon, kalakip ng iyong mga halakhak ay kaunting pait na dulot marahil ng tapang ng Kapeng Arabo.

Humigit kumulang tatlong taon ka din sa Gitnang Silangan. Sapat na para makatikim ng pait ng mundong hindi pantay-pantay ang pagtingin sa kulay, ng pagtitiis at pangungulila at ng kabiguan mula sa pagibig na hindi pala tunay.

Marami tayong masasakit na pinagdaanan sa buhay, subalit ang sakit na dulot ng unang pagibig ay s’yang palaging natatangi. Pagkat ito’y magkahalong tamis at pait na akala mo’y wala ng katapusan.

Nagkwento ka tungkol sa iyong kabiguan. Nakinig ako at nanahimik. Hindi ko alam kung ano ang aking ipapayo kasi parang hindi ko na kailangang magsalita pa. Pakiramdam ko’y kailangan mo lang ng makikinig at makakaintindi sa iyo at sa naging sitwasyon mo.

Ang tibay mo lang. Napakatibay mo. Kaya kita hinahangaang lubos. Hindi ka katulad kong kaunting kibot ay umiiyak. Kaunting sakitΒ  ay gumuguho na ang mundo. Kalmadong kalmado ka lang kahit dama kong sa loob-loob mo ay halos gumuho ka na. Para kang bidang artista sa isang pelikula na kahit makaulit ng binugbog at duguan na ay nakukuha pa ring ngumiti sapagka’t hindi magtatagal ay maghihilom din ang mga sugat at mangyayari rin ang nararapat.

Duguan ka man ngayon, maghihilom rin ang iyong mga sugat pagkat ikaw ang bida sa iyong istorya.

Parehas na nating tinapos ang ating termino sa Gitnang Silangan at mula sa disyerto ay napadpad na ako sa isla.Β  Sabik na akong malaman kung saan ka pa makakarating.Β  Sana doon, sa lugar kung saan tayo ay pwede mag Kita Kita.

15 responses to “Ang Layo na ng Narating Natin”

  1. Ang sakit ng dulot ng unang pag-ibig ay natatangi… napakuha ako ng tissue ditoπŸ˜‚

    Liked by 1 person

    1. Tissue ng Starbucks? 😁

      Liked by 4 people

      1. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

        Like

      2. Isa kang ka-DDS! Alam mo ang brand ng tissue ko wahahahahhahaha!

        Liked by 2 people

        1. Sabi sayo eh, si Trillanes sumakabilang-bakod na. Ka-DDS na din sya ngayon. πŸ˜…

          Liked by 1 person

        2. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

          Like

    2. Kuha na ng Starbucks Tissue πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

      Liked by 1 person

      1. Oo napakuha talaga ako ng starbucks tissue sa bag ko ahahahahaha! Kahit tinitipid ko to.. nagamit ko talagaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

        Liked by 2 people

        1. Hahahahahaha kuha ka na lang ulit πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

          Like

  2. Ang husay mo talaga magsulat, aysa! Ang galing mo pati magtagalog. How to be you po? Haha. Ramdam ko eh.

    Liked by 2 people

  3. […] β€”ang layo na ng narating natin (aysabaw) […]

    Like

  4. Deep and beautifully expressed as always. Especially in the use of our native language that stokes the soul, at least for me. Manigong bagong taon sa iyo!

    Liked by 1 person

    1. Salamat po. Happy new year din sa inyo!

      Like

  5. Grabe ka madam! Lodi!

    Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: