Space and Time in Singapore

Oha! Oha! Parang Science article ang title ng blogpost na ito.

Space

Para sa mga hindi nakakakilala kay Space (kung hindi mo siya kilala, andami mong namimiss sa buhay mo), isa siyang kapita-pitagang blogger, soon to be Vlogger at baking expert na nakabase sa Singapore.

Dahil may ilang oras akong stopover sa Singapore, naisip kong idulog ito sa kinauukulan upang makapagplano ng meet-up. Medyo kinabahan ako sa ideyang ito bilang ayokong ayoko ng nagmamadali at nagtatatakbo sa airport (na nangyari nga). Ako yung tipo ng pasahero na nakaabang na sa gate isang oras bago pa ang boarding, nagrerelax o natutulog. Ayokong nagkukumahog.

Pero dahil Changi Airport naman ito na may maayos na sistema at dahil na rin sa payo ni Space, bilang tantyado niya na ang oras ng pagpasok at paglabas ng airport at isa siya sa mga shareholders ng paliparang ito, hindi na ako nag-alala pa.

Paglabas ko sa immigration ay hinanap ko na agad si Space. Naabutan ko siyang halos nakasalampak sa sahig at abala sa pagkuha ng litrato ng welcome banner para sa akin na gawa sa resibo at pink lipstick na made in Korea.

Tinawag ko siya. Pinaalis niya ako. Hindi pa daw siya ready.

Ng matapos na siya sa pagkuha ng litrato ay nagsimula naman kaming kumuha ng video para sa insta stories kahit hinuhusgahan na kami ng mga tao (si Space lang pala).

Wala akong nagawa kung hindi tumawa habang nakikinig sa mga kwento ni Space at halos wala din akong masabi. Una dahil talagang kulang ako sa tulog at hindi pa handa ang utak ko para sa kalokohan. Pangalawa ay napakakulit ni Space. Siya yung tipong iisipin mo pa lang yung kalokohan ay nasabi na niya. Parang kinulang sa gasolina ang utak ko kaya’t 40kph lang ang takbo habang si Space ay humaharurot sa bilis na 180kph.

Time

Dahil iilang oras lang ako sa Singapore, wala kaming masyadong nagawa kundi magtatakbo at maghabol ng shuttles bus mula Terminal 2 hanggang Terminal 4 at pabalik, kumain ng noodles na sabaw, kumuha ng mga litrato at videoΒ  at mag exchange gift – inabutan niya ako ng home-baked brownies at inabutan ko siya ng sarong na may secret message.

12:15nn ang boarding time ko at 11:30am na ako nakapasok sa immigration. Nagkamali pa ako ng terminal na napasukan. Sa Terminal 3 ako pumasok imbes na sa Terminal 2. Mabuti na lamang at mabilis ang SkyTrain Β at nakaabot naman ako.

Singapore

Kahanga-hanga talaga ang sistema sa Changi Airport. Siguro ay talagang kamalasan na lang kapag naiwan ka pa ng flight mo dahil kayang-kaya mo magpabalik-balik sa mga terminal sa loob lamang ng ilang minuto kung sakaling nagkamali ka ng terminal na napasukan – katulad na lang ng nangyari sa akin.

Kung sakaling kayo ay dadaan sa Singapore ay mangyari po lamang na ipagbigay alam niyo kay Space at ipag-ba-bake niya daw kayo ng brownies.

Nandito po sa link ang mas detalyadong kwento ng aming pagkikita ni Space.

 

39 responses to “Space and Time in Singapore”

  1. napanood ko nga yung scandal este yung video, tuwang tuwa ako. Wala ka ng nagawa kundi ang ngumiti at umoo na lang πŸ˜€ sana yung buhangin sa sapatos mo nanjan pa para mafeel ko naman nakaapak na ako sa Maldives pag nagkita tayo πŸ˜€

    Liked by 2 people

    1. boredsensei! daan na sa SG!!! Wahhahahaha!

      Liked by 2 people

      1. parang ang layo ng ikot ko πŸ˜‚

        Liked by 1 person

  2. Bongga talaga si Space! Hindi lang ipagbake ng brownies pati pagiging tour guidance counselor gagawin nya. Makapunta nga ng SG! πŸ˜€

    Liked by 3 people

    1. Tour guidance counselor haha

      Liked by 1 person

    2. Joy!!! Tara na! I will be your tour guidance counsellor! πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

      Liked by 1 person

  3. Kakagaling ko lang sa post ni space. Hahaha nakakatuwa naman yung kwento niyo! So andito ka na ba sa Pilipinas? πŸ˜€ Merry Christmas, Aysa.

    Liked by 2 people

    1. Uu andito me…Merry Christmas din Kat 😊😊😊

      Liked by 1 person

  4. Grabe pala ang gasolina ni Space, high-octane. 😁

    Sobrang bitin yung 4hrs na stop-over noh? Lalu na pag may imi-meet ka. Pero kung ikaw lang mag-isa nun, parang ang tagal. Heheh..

    Liked by 3 people

    1. True….maiksi talaga lalo pag maligalig yung ka-meet mo πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

      Liked by 1 person

    2. Ang basa ko high-cocaine wahhahahahaha! Nu ba yan! πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

      Liked by 2 people

  5. AYSA!!!!! Dream come true nanaman ito! Malagay ako sa aysabaw.com! Wahhahahahaha! Pinapanuod ko ulit ung video! Para talagang 7eleven ang bibig ko.. 24 hrs open!!! bwhahahahaha!

    Liked by 4 people

    1. Bwahahhaahahahaha 7/11 di ko kinaya to πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

      Liked by 1 person

      1. Non stop hahahahahaha! Merry Christmas Aysa!!! πŸŽ„πŸŽ„πŸŽ„

        Liked by 1 person

        1. Hahaha Merry Christmas din sa iyo Space 😊😊😊

          Liked by 1 person

  6. Ate kamusta ang brownies ni Space? hahahaha gusto ko din matikman!

    Liked by 1 person

    1. Masarap naman yung brownies hahahaha

      Liked by 1 person

      1. Makikita kita sa January 6??? πŸ˜€

        Liked by 1 person

  7. Aysabaw, iyong buhanging pinangako mo sa akin aa, nadala mo ba?

    Liked by 1 person

      1. Nabanggit mo nun na ang ginagawa mo sa ay magbilang ng buhangin sa isla, kaya sabi ko pag nauwi ka dito

        Like

        1. Haha bawal maguwi ng buhangin at baka hulihin ako ng immigration πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

          Liked by 1 person

          1. Seryoso ba iyon? Baka maniwala ako. Char!

            Like

          2. Bawal nga magdala ng shells or buhangin πŸ˜‚ ayoko pa mawalan ng work ha kaya di ako nagtatakas ng buhangin πŸ˜‚

            Like

          3. Aah sigi, sigi 😊. Pag mag reresign ka na lang. HAHAHA.

            Like

          4. Kahit magresign ako…di pa rin ako maguuwi ng buhangin πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

            Liked by 1 person

  8. *sa maldives, ee hindi ko keri magawi sa isla mo mo kaya pag nauwi ka nalang dito pasalubungan mo nalang ako ng buhangin.

    Like

  9. Ngayon ko lang nalaman na shareholder pala si Space ng Changi Airport. Naimagine ko yung pinaalis ka dahil hindi pa siya ready. Wahahahaha.

    Liked by 1 person

    1. Hahahahahaha nakapangalan kasi sa iba yung shares nya para di mahalata na mayaman sya…..imumustra ko sa inyo kung paanong tahasan nya akong pinaalis hahahaha

      Liked by 1 person

      1. HAHAHAHAHA Shocks wala pa man natatawa na ko.

        Liked by 1 person

  10. As usual delayed na naman ako magcomment at nagsstalk ako ngayon sa lungga mo. Hahaha Magsstop over ka rin ba sa DXB minsan? Pero di ko kayang tapatan ang ligalig no space hahaha

    Liked by 1 person

  11. Hahaha love ko kayo talaga parehas! Jusko, feeling ko kahit ako sa hyper ko na ‘to, kapag nakasama ko si Ate Space, ‘di kakayanin ng powers ko!

    Liked by 1 person

    1. Hindi ka kaya hyper. Mga video niyo napaka demure LOL

      Like

Leave a Reply to Amielle Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: