The Fault In Our Blogs

Hello Peeps!

Due to insistent public demand, gumawa po kami ng facebook group para sa ating mga Pinoy Bloggers (na hindi sikat at elite LOL) kung saan maaari tayong tumambay, magtanungan, magkulitan at magpalitan ng mga kuro-kuro.

Originally, mayroong Jologs Bloggers Society na binubuo naming tatlo nilaย Jirah at Anne at ito sana ang unang na-i-suggest na pangalan ng grupo kaso baka ayaw nung iba na ma-associate sa taguring ‘Jologs’ kaya naisipan na lang na magkaroon ng nominasyon at botohan para sa pangalan ng grupo.

Nagkaroon po ng nominasyon sa instagram kahapon ang labing limang bloggers (na napili randomly dahil hindi pala maaring lumampas sa labing limang katao ang kasali sa isang chat group sa IG) kung ano ang ipapangalan sa grupo kung saan ang nanalo ay ang pangalang ” The Fault In Our Blogs.”

Ito ang mga pangalang isinumite ng mga bloggers:

  1. The Fault in Our Blogs
  2. Life of a Blogger
  3. United WordPress Bloggers
  4. Filipino Bloggers Society
  5. International Bloggers United
  6. Pinoy Int’l Bloggers Society

Nakagawa na po ng facebook group at closed group ito para di basta-basta makasali ang mga spammers at pwede na ย kayong mag-join dito. May tatlong nakatalagang group admin na sasala sa mga spammers, ako, si Jirah at si Jeff. Yung mga anonymous bloggers na ayaw magpakilala pero gusto sumali, pwede po kayong gumawa ng dummy account kung gusto niyo. At hindi rin po required na i-add niyo as friend sa facebook yung mga group members kung ayaw niyo, i-rerespeto po namin ang privacy niyo. Kaya po gumawa ng grupo ay para hindi tayo sa comments section ng mga posts nagpipyesta at nagdidiscuss ng kung ano-anong topic, at wala kasing group chat option dito sa WP.

Yung lang po. Salamat.

Author: aysabaw

Aysa is a self-proclaimed hotelier without any culinary talent. She used to fly around Dubai for ten years via her magic carpet but destiny led her to a new path. She is now a little mermaid swimming in and around the Maldivian waters. If she is not reading her books, writing something comical, leaving rubbish comments on your posts or strumming her guitar, then she's up to some mischief.

92 thoughts on “The Fault In Our Blogs”

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s