Kagabi ay nilabas ko ang aking gitara sa case nitong inaalikabok. Muli akong nakatipa matapos ang mahabang panahon.
Masakit na uli sa daliri dahil nawala na ang mga kalyo at madali na mangawit dahil hindi na praktisado. Medyo matigas din at ayaw sumunod ng mga kwerdasΒ na para bang nagtatampo dahil sa tagal na hindi nalaro.
Matagal akong hindi nakatugtog hindi lang dahil sa ako ay abala kundi dahil na din sa tagal umigi ng mga hiwaΒ ko sa daliri na dala ng talim ng mga kinolektang starfish nung naglinis kami ng coral reef. Doon pa mismo tumapat ang mga gasgas na parangΒ mababaw na hiwa ng blade sa mga parteng Β ipandidiin saΒ kwerdas.
Matagal na kami ng gitara ko. 2010 o 2011 pa siguro nung una kaming nagkakilala. Pasensya na at mahina ako sa mga petsa, hindi ako nakakaalala ng anibersaryo.
Saksi ang gitara ko sa mga saya at lungkot ko. Nandun siya nung mga araw na wala akong ibang makausap o malapitan, nakikinig siya sa aking mga awitin at panimdim.
Nandun din siyaΒ nung mga panahon na walang mapagsidlan ang aking tuwa.
Minsan ay nakokonsensya akoΒ dahil napapabayaan ko siya sa isang sulok kapag ako ay abala. Kung nakakapagsalita lamang ito, baka nakapanumbat na ito na lagi siyang nasa tabi ko pag kailangan ko siya, samantalang pag ako ay abala na sa buhay ko ay nakakalimutan ko na siya at pinapaalikabukan sa isang sulok.
Kagabi ay tumipa ako ng walang patid hanggang bisig ay mangawit, hanggang daliri’y humapdi. Kumanta ako hanggang sa lalamuna’y sumakit.
Ako at ang aking gitara ay parang magkaibigang nagkita muli matapos ang mahabang panahon na hindi maubus-ubusan ng kwento. Nagkukumustahan, habang pinagdudugtong ang mga sala-salabid na kwento, naghahanapan ngΒ tonong madalas ay nawawala.
Kagabi ay nilabas ko ang aking gitara sa case nitong inaalikabok. Muli akong nakatipa matapos ang mahabang panahon. Muli ay may nakinig sa aking tahimik na panaghoy.

13 responses to “Muling Pagtipa”
Hindi pa binuo yung selfie. Sino ka jam mo? π
LikeLiked by 1 person
Eh ako lang magisa kumakanta madam ji hahaha
LikeLiked by 1 person
Sama mo si kuyang kumakanta ng Christmas song para may ka jam ka. Hehe πππππππ
LikeLiked by 1 person
Ayokooooooooo
LikeLiked by 1 person
Hahahaha!
LikeLike
Nakakainggit ung marunong gumitara..ako nag try nun,nde rin natuto..dinonate ko na lang sa church nang may makinabang hehe..
Kaysarap sigurong gawing outlet ng emosyon yan hano. One of the gifts i truly admire,that i never had. Kinakalampag ako pag nakanta sa banyo hehe..kaya pag senti mode ako sounds na lng π
LikeLiked by 1 person
Grabe ka naman sa kinakalampag….pero ok lang kung di ka talaga makatugtog…at least may nakinabang sa gitara mo hehe
LikeLiked by 1 person
Akala ko may video. Next time ha. Haha!
LikeLiked by 1 person
Hahahahahha wala wala wala
LikeLiked by 1 person
Looking forward po sa mga videos ng covers mo! Hehe. π
LikeLiked by 1 person
Wahahaha pasaway
LikeLiked by 1 person
HAHAHA well π
LikeLiked by 1 person
πππ
LikeLike