Ang librong ito ay tungkol sa isang lalakeng nagmahal at nabigo sa unang pagkakataon.
Normal na istorya. Pero ang ganda ng pagkakakwento.
Habang binabasa mo ay para kang nakikipagkwentuhan sa isang tropang nabigo na naglilitanya habang hawak ang bote ng serbesa at Bakit Ba ng Siakol ang background music o kaya naman Victims of Love na kinakanta sa videoke ng lasing na kapitbahay.
Maangas ang pagkakawento. Tungkol sa pag-ibig pero hindi keso. May kaunting kainosentehan peroΒ may kapilyuhan. Walang arte pero may kaunting landi at bahagyang harot. May halo ding kirot.
Sa unang tingin, akala ko ang librong ito’y may kabastusan dahil sa pamagat at pabalat, pero tama nga ang kasabihang Don’t Judge the Book By Its Cover.
I’d love to hear from you!