Kahit anong pilit kong maging mabuting tao ay hindi ko pa rin maiwasan makaramdam ng pagkainis sa ilang mga tao sa paligid. May mga taong sadyang nagpapakulo ng aking dugo tuwing makikita ko.
Isa na dito ang kaopisina kong pinaglihi yata sa ahas. Nung siya ay magbakasyon, marami akong natanggap na trabaho mula sa aming head office dahil sa kaopisina kong ito. Mali lahat ng mga isinumite niyang dokumento at pinaulit sa akin lahat.
Nagalit ang amo namin at sinabon agad siya nito pagkabalik na pagkabalik niya dito sa isla.
Ilang linggo matapos siyang mapagalitan dahil sa kapalpakan niya ay bigla siyang nakipag closed door meeting sa amo ko. Sinabi niyang tama daw ang pinagggagagawa niya at ako daw at ang head office ang mali.
Ginawa ko na nga ang trabahong hindi niya nagawa ng tama ay may gana pa siyang manira.
P.S. Ang pinaka-annoying pa na ginagawa niya sa opisina ay mula nung Disyembre hanggang ngayon ay kumakanta siya ng mga Christmas songs na kinanta naming nung nag Christmas Carol kami.
Ang pangalawang tao naman na nagpapakulo sa dugo ko ay pinaglihi yata sa pwet ng manok. Daig pa niya ang manok na nanggigising sa umaga kakaputak.
Ang lalaking ito ay sadyang nakakainis at napakawalang modo. Ilang beses na niyang ginagawa na tuwing may kausap ako ay pilit siyang sumasabat. Hindi niya pa patatapusin munang magsalita ako o ang kausap ko at pag hindi kami tumigil sa pagsasalita ay mangangalabit pa para lamang pakinggan siya. Minsan pa ay nagbubulungan kami sa canteen ng kaibigan kong Chekwa na si Crystal ay pasigaw niya itong tinawag dahil napakalayo niya sa amin na akala mo naman ay napakahalaga ng sasabihin pero wala naman palang kwenta.
Bukod pa sa pagiging epal ng taong ito, wala pang control sa pagbibigay ng opinion na hindi naman hinihingi. Nung nakaraan lang y sinabihan niya ako ng ‘Tumataba ka na. Dati ay payat ka.’ Naiinis ako hindi dahil sa tumaba ako o pumayat man, pero dahil napakapakialamero niya. Sinagot ko na lamang siya ng ‘who cares.’
Madalas ay umiiwas ako sa taong ito, hindi ko siya binabati at hindi ko nga siya kinakausap pero lapit pa rin ito ng lapit at parang hindi nakakahalata, pilit pa ring sumasabat kapag ako may kausap. Ginagawa niya ang pagsabat na ito sa lahat ng tao pero parang kulang pa rin siya sa pansin at pilit niya pa ring ginugulo ang aking pananahimik.
Nakarinig pa ako minsan ng komento sa mga madalas kong kasama na may tama daw ako sa utak dahil inis na inis daw ako sa tao na wala naming ginagawa sa akin. Hindi na lang ako sumagot dahil hindi naman ako maiintindihan ng taong ito. Ang isyu dito ay ayaw kong makipagplastikan kaya ako umiiwas sa taong kinaainisan ko. Wala naming masama kung iiwas ako para hindi ako mainis. Wala naman din naming harm on both parties kung iiwas ako.
Pinipilit kong maging mabuting tao, pero hindi ako perpekto. Pinapakulo nila ang dugo ko.
I’d love to hear from you!