Napanood ko ang Bagets kanina at hindi ako makapaniwalang pinanood ko ito ng buo.
Di ako makapaniwala na nag-enjoy ako sa panonood nito.
Nag-enjoy akong mapanood ang mga batang-batang version nila Aga Mulach, Herbert Bautista, Willie Martinez at iba pa, mga kasuotang makukulay, mga maiiksing basketball shorts, buhok na pinatigas ng spray net na may walang kamatayang bangs, 80s background music at marami pa.
Simple lang ang istorya na malamang ay napanood na rin natin ng ilang daang beses na sa iba’t ibang bersiyon: isyu ng mga teenagers – pamilya, eskwela at lablayp.
Halos alam ko na minsan kung ano ang mga mangyayari, napaka predictable eh, pero ganun din naman kadalasan ang mga palabas at telenovela ngayon. Ang kaibahan lang, mas authentic yung Bagets. Di ko alam kung mas magaling lang yung mga artista dati o mas OA lang yung mga artista ngayon.
Yung tipo bang alam ko ng mababangga ang bisikletang sinasakyan ni Herbert at titilapon siya sa damuhan o kaya ay may dance number si Aga Mulach o kaya yung dramang pang matapobre ni Rosemarie Gil.
Ang hindi ko inexpect ay yung may portion na kumanta si Raymond Lauchengco sa gitna ng napakalaking stadium habang pinapanood siya ng naka gown na Eula Valdes from afar.
All in all, nakakatuwang panoorin ito. Refreshing. A break from the usual daily tele drama.
Image: pinoyalbums.com
I’d love to hear from you!