Love Is Never Been

Ako si Mae at ito ang buhay pag-ibig ko.

Nakilala ko si Berto nung ako’y siyam na taong gulang pa lamang. Hindi ko pa alam noon kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig pero duda ko, mas lalong hindi ito alam ni Berto. Parehas pa kaming medyo uhugin noon, mabuti na lang at hindi na ngayon.

Tuwing tag-init ay nagbabakasyon s’ya sa bahay ng lola niya na Β kapitbahay namin.

Palagi kaming naglalaro ng tagu-taguan mula umaga hanggang hapon. Sabay kaming nananaghalian at nagmemeryenda sa bahay ng lola niya.

Madalas siyang inaayang maglaro ng tumbang preso ng mga bata sa amin pero hindi niya ako pinagpapalit sa kanila. Ako lang palagi ang kalaro niya. Hindi siya sumasama kahit sino pang bata ang magyayang makipaglaro sa kaniya. Kaya naman pakiramdam ko ay napaka-espesyal ko sa kaniya.

Hindi naiinip si Berto kahit ano pa ang laro namin. Pag nagsawa na kami sa maghapong taguan ay naglalaro naman kami ng bahay-bahayan. Pag nagsawa na kami doon ay habulan naman o kaya ay bisikleta. Pero ang pinagtakhan ko ay kung bakit kahit lutu-lutuan ang laro at damit-damitan ng manika ay ayus lang sa kaniya. Ayun pala si Berto, pagtanda ay magiging si Berta. Pero hindi sumama ang loob ko dahil ngayon ay magbespren kami ni Berta.

Nung high school ako ay mayroon akong nakilala. Michael ang pangalan niya, ubod ng talino at gwapo pa. Lahat yata ng babae sa school ay may crush sa kaniya. Nakakapanlumo, ang liit ng aking tsansa na mapansin niya.

Gabi-gabi ayΒ nagsusulat ako ng mga love letter atΒ itinatago ko sa ilalim ng aking unan. Sabi ng isang kaibigan ko nung high school, pag tinago mo daw ang love letter na sinulat mo sa ilalim ng iyong unan ay mapapanaginipan ka at mamahalin din ng taong mahal mo. Gabi-gabi akong nagsusulat ng love letter para ilagay sa ilalim ng unan ko pero walang nangyari, kaya naman nung inadd ako kahapon sa facebook nung kaibigan kong nagsabi sa akin na magsulat ng love letter ay agad ko siyang binlock.

Hindi ko alam kung paano ako mapapansin ni Michael. Section 1 siya habang ako naman ay Section 35. Sa limampung estudyante kada section na may humigit kumulang tatlumpung babae, ano ang odds na mapapansin niya ako?

Pero ang totoo, sa tingin ko, mas malaki ang tsansa na mapansin ako ni Michael kesa mapataas ko ang grades ko.

Kaya hindi ako sumuko. Nagvandals ako sa CR. SinulatΒ ko ang MaeΒ and Michael Forever sa loob ng dinrowing kong puso. Siguro naman mapapansin niya ito kapag nagCR siya. Ha. Ha. Ang talino ko talaga. Matapos kong magvandals ay lumabas na ako ng CR at sumipol-sipol pa dahil hindi maglalao’y makikita ni Michael ang sinulat ko. Kapag kayo ang naka-destine para sa isa’t isa, pagtatagpuin kayo ng universe sa kahit papaanong paraan.

Nakagraduate na kami’t lahat ng high school ay hindi pa rin niloob ni destiny na mabasa iyon ni Michael. Hindi niloob ni destiny na pumasok si Michael sa loob ng CR ng mga babae.

Nung college ako ay nakilala ko si Jake. 3rd year ako habang siya naman ay graduating na. Unang beses niya akong niyayang mag-date sa tapsilugan sa kanto. Ang sweet niya. Nilibre niya ako ng extra rice kasi ako na daw nagbayad ng lahat ng kinain namin kaya siya na daw bahala sa extra rice.

Sabi ni Jake ay kailangan niya daw ng tulong ko. Ako naman ay willing tumulong kahit ano pa ito. Kailangan niya daw ng mga references para sa thesis niya. Kailangan daw isulat yung name nung book, year published at yung author.

Kahit hindi ko talaga alam kung ano ang kailangan ni Jake, pumayag na lang ako. Sabi niya, sa National Library daw sa may Kalaw maraming libro. Dun daw ako maghanap ng mga references. Pagtapos ko daw ilista lahat, itype ko daw sa computer at i-save sa diskette niya.

Maghapon ako sa National Library pero dalawang reference lang ang nahanap ko na may kinalaman sa thesis niya. Pero hindi ko dapat biguin si Jake. Umimbento ako ng title ng mga libro at nilagay kong pangalan ng mga author ang pangalan ng lahat ng mga tiyo at tiya ko pati ng mga pinsan ko. Siguro naman ay mataas ang markang makukuha ni Jake sa dami ng mga reference na nilagay ko.

Nagkita kami ni Jake ng matapos ko ng gawin ang pinagawa niya. Inabot ko ang diskette sa kaniya at hinalikan niya naman ang aking noo. Kinilig ako. Sabi n’ya, salamat Mae. Wish me luck!Β Sabay naglakad na siya papalayo.

Hindi ako nakapagreact ni nakapagsalita dahil sa gulat at kilig ko matapos niya akong halikan sa noo. Kami na ba? Ang tanong ko sa sarili ko. Pero parang isang beses lang naman kami nagdate sa tapsilugan, yun na ba yun?

Hindi ako nakatulog nung gabing iyon kaya imbes na humiga ay nagreview na lang ako para sa final exam namin kahit wala talagang pumapasok sa utak ko. Binubuklat ko lang ang mga notes ko pero ang totoo ay iniimagine ko ang paghalik ni Jake sa noo ko. Inlove na ba ako? Inspired na inspired ako ng gabing iyon at hindi ko mapigilang isulat ng paulit-ulit sa mga blankong papel sa notebook ko ang Mahal, you are an inspiration.

Inantay ko si Jake sa labas ng campus nung araw ng defense nila. Gusto ko siya icongratulate pero lumabas na at lahat ng mga classmates niya ay hindi ko pa rin siya nakikita.

Umuwi na lang ako at hindi ko na siya nakita pa.

Hindi madaling maghanap ng trabaho pagkagraduate ng kolehiyo. Sa dami ng mga gumagraduate taon-taonΒ at sa napakakaunting trabahong nababakante ay napakahirap talaga. Pero matapos ang anim na buwan kong pagtambay, sa tulong ng mga amiga ng nanay ko ay nakapasok ako bilang receptionist sa isang law firm.

Maliit lang ang law firm na ito. May tatlong abogado na may kani-kaniyang opisina at ako naman ang nasa reception na siyang sasagot ng tawag, haharap sa mga bisita at magtitimpla ng kape ng mga abogado at mga bisita.

Ang mga abogadong boss ko ay sina Sir Fred, Sir John at Sir Eric. Naisip ko lang, wala kaya sa tatlong ito ang destiny ko?

Si Sir Fred naΒ medyo seryoso ay nasa 40 plus na ang edad at pamilyado na kaya tatanggalin ko na siya sa pagpipilian. Sayang at napakapogi niya pa naman. Tall, dark and handsome. Napaka gentleman niya pa at napakamahinahon. Nakikita ko kapag babae ang kliyenteng bumibisita sa kaniya ay hinahatid niya pa ito sa labas pag tapos na ang meeting at pinagbubukas ng pinto ng kotse.

Si Sir John naman ay nasa 30 plus ang edad, medyo masungit at tahimik at dapat walang gatas o creamer ang kape niya at may isang kutsaritang asukal lang. Dapat din ay hindi gagalawin ang mga papeles niya sa lamesa at ayaw niya itong ipalinis sa akin kahit minsan ay gusto ko lang punasan ang alikabok.

Single pa siya kaso nga ay ubod ng sungit at hindi man lang ngumingiti, napakagwapo pa man din sana. Balita ko din ay wala pa siyang nagiging girl friend kaya ganyan kasungit.

Si Sir Eric naman ang pinakabata sa lahat, 27 years old pa lang, masayahin, palabati at gwapo pa. Maputi siya at may dimples sa kanang pisngi at napakaputi ng pantay-pantay na ngipin. Hindi ko alam kung bakit nasa law firm siya, dapat ay nag-artista na lang siya. Palagi niya akong kunukulit at dinadalhan ng pasalubong na chocolate kapag galing siya sa meeting sa labas. Napaka sweet niya. May chance kaya na siya ang destiny ko?

Ilang buwan pa ang nakalipas at wala naman akong naging problema sa trabaho ko dahil medyo madali lang naman ito. Kasundo ko naman ang lahat ng mga boss ko pero nalaman ko din na wala sa kanila ang destiny ko.

Nakilala ko ang office boy sa kabilang building ng magsimula siyang magdeliver ng mga papeles para sa mga amo ko.

Once a week lang siya dumadaan sa opisina para maghahatid ng mga papeles nung una. Pero di naglaon ay halos araw-araw na siyang nasa office kahit wala siyang papeles na dala.

Billy ang pangalan niya.

Niligawan ako ni Billy at lagi niya akong dindalhan ng siopao. Minsan asado, minsan bola-bola. Makulit si Billy at mahilig magbiro, maasikaso at maalalahanin kaya naman nahulog agad ang loob ko sa kaniya. Hindi nagtagal ay sinagot ko na siya. Naging kami na.

Abot langit ang saya ko noon dahil sa wakas ay hindi na ako NBSB. Hindi na ako kakantsawan ng aking mga friends at pati na rin ng aking mga tiyo at tiya. May natatanggap na rin akong bulaklak at stuff toy sa wakas at may naghahatid na rin sa akin pauwi ng bahay.

Tumagal ang relasyon namin ni Billy. Nagbilang kami ng buwan hanggang umabot na kami ng dalawang taon. Parang napakaperpekto ng lahat. Minsan iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nagyaya si Billy ng kasal. Handa na ba ako? At siya na kaya talaga?

Kilalang-kilala na si Billy ng aking pamilya at mga kaibigan pero napansin kong hindi niya pa ako pinapakilala sa kahit isang kamag-anak niya. Dahilan niya’y nasa IloIlo lahat ng kamag-anak niya at sooner or later ay dadalhin niya daw ako doon.

Isang umagaΒ ay may natanggap akong text sa isang number na hindi nakaregister sa cellphone ko. Ang nakasulat lang ay Homewrecker.

Finorward ko ang text na iyon kay Billy pero wala akong natanggap na reply. Tinawagan ko siya pero nakapatay ang cellphone niya. Pumasok ako sa opisina at nung lunch break ko ay pumunta ako sa opisina nila Billy pero ang sabi ay hindi daw siya pumasok nung araw na iyon.

Hindi ko na muling nakita pa si Billy.

Umiyak ako ng umiyak. Inalo ako ng tatlong kong gwapong amo. Sinabihan nila akong magpahinga muna ng ilang araw at sila na muna ang sasagot ng lahat ng tawag at sila na din muna ang magtitimpla ng sari-sarili nilang kape.

Umiyak ako ng umiyak mula umaga hanggang gabi. Magang-maga na ang mga mata ko pero parang hindi nauubos ang luha ko. Madalas ay wala akong ganang kumain pero minsan nauubos ko ang isang galon ng vanilla ice cream.

Pinanood ko ng ilang beses ang Titanic at inisip na sana ay namatay na lang din sa lamig si Billy tulad ng pagkamatay ni Jack.

Hindi ko na alam kung ilang araw at gabi ang lumipas basta iyak lang ako ng iyak.

Ilang linggo pa ang nakalipas ay medyo nahimasmasan na ako. Nakakasagot na ulit ako ng tawag sa opisina at natitimpla ko na ng tama ang mga kape nila pero madalas ay nakatulala ako na para bang inaantay ko na biglang magpakita muli si Jack. Pero hindi na talaga siya nagbalik.

Isang araw habang nakatulala ako sa opisina at nag-iisip Β ng mga paraan para makalimot, tinawag ako ni Sir John at inutusan na i-print ang file na sinend niya sa akin.

Nakita ko ang unang pahinang may nakasulat na ‘A Novel by John Cruz.’ Sinearch ko sa google kung ano ang ibig sabihin ng novel.

Nung gabing iyon, nagmamadali akong umuwi ng bahay. Pagdating na pagdating ko pa lang ay binuksan ko ang computer ko at nakita ko na lang ang sarili ko na nagsusulat ng nobelang pinamagatang Love Is Never Been.

 

** angΒ inspirasyon ng maikling kwentong ito ay ang mga vandals na nakita ko sa CR sa Baclaran na siyang mga larawan sa post na ito

26 responses to “Love Is Never Been”

  1. Wow ! For a moment there, I thought that was your love story, and I was starting to get teary- eyed….. up to the last part, he he he. But , to be honest, that’s a very common story, and repeat that 10 million times. Men are naturally douchebags..

    Liked by 1 person

  2. Makapunta nga rin sa CR ng Baclaran, at baka ma-inspire akong sumulat ng maikling kwento. πŸ™‚

    Liked by 1 person

  3. Ha ha… Medyo nararamdaman ko na na hindi totoo, pero mukhang totoo. Nice storytelling Ms Aysa πŸ™‚

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha ha…salamat sa pagbabasa…bahala ka ng humusga hihihihi

      Liked by 1 person

  4. Nakakakatuwa naman ang pagka-istorya mo rito… Worthy of second read!

    Liked by 1 person

    1. waaaah salamat Sir O! πŸ™‚

      Liked by 1 person

  5. Next time yung mga sa bus naman na vandal! LOL.

    Liked by 1 person

    1. Hahahahah oo nakakainspire masyado yang mga vandals na yan….pag may nakita nga ako sa bus hihihihi

      Liked by 1 person

  6. […] got featured again on Love Radio’s Tambalan. You can listen to it here, or you can read it here. The title of my story is Love Is Never Been but Love Radio hilariously re-titled it with Vandals […]

    Like

  7. muntik na ko maiyak hahahahah

    Liked by 1 person

  8. Albert Soriano Avatar
    Albert Soriano

    Nice! I thought it’s your love story. Mejo nagduda ako kasi walang diaclaimer na binago ang mga pangalan πŸ™‚ i love the humor esp. ung pag vandal sa girl’s cr hehe

    Liked by 1 person

    1. Hahahaha salamat po sa pagbabasa πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

      Liked by 1 person

      1. Albert Soriano Avatar
        Albert Soriano

        You really are a crafted author..

        Like

  9. Albert Soriano Avatar
    Albert Soriano

    *disclaimer

    Like

  10. […] Kiko At Ang Kaniyang Creative Ways of Pagpapatiwakal and Love Is Never Been are my achievers as they were read on air by the DJs of Love Radio as well asΒ Bangketa which was […]

    Like

  11. Ang cool ng inspiration. Mapagtuunan na nga rin ng pansin ang mga vandals sa cr πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

    Liked by 1 person

    1. Wag nyong ismolin ang vandals sa CR haha

      Like

      1. Hahahaha. Ikaw na talaga. Nainspire tuloy ako. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Isasali ko na yan sa tourist spots: cr πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

        Like

        1. pakiblog na din ha hahaha

          Like

          1. Pag may time. Ang dami ko pang baklag πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

            Liked by 1 person

          2. Sige aabangan ko yan at ishashare sa lahat ng social media accounts ko haha

            Like

          3. Hahahaha. Fingers crossed

            Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: