Isa sa mga pangarap ko nung medyo bata pa ako ang maging isang DJ sa radyo dahil nais kong marinig ang aking tinig. Tinig na magbibigay buhay sa mga trabahador na inaantok, tinig na maghehele sa mga taong nagpapaantok, tinig na makakapagpatibok muli ng mga puso, tinig na magbibigay buhay muli sa mga luma at nakalimutan ng tugtugin at tinig na magtutulay sa musika at sa mga tao.
At dahil ibang landas ang tinahak ko at hindi ko naisakatuparan ang pangarap na iyan, sa ibang paraan ko na lang naipaparinig ang aking tinig. Ito’s sa pamamagitan ng aking pagsusulat.
Pero nangyari kanina ang hindi ko inaasahan.
Narinig ang aking tinig. Sa radyo.
Binasa sa Burnay Segment ng Tambalan sa Love Radio ang aking maikling kwentong Si Kiko at ang Kanyang Creative Ways of Pagpapatiwakal.
Sinabihan ako ng ating kapwa blogger na si DhowisJin na narinig niya daw ito sa radyo. Na-excite ako at nagbakasakaling mahanap ang segment na ito sa youtube at hindi nga ako nagkamali.
Nagpapasalamat ako sa Love Radio sa pagbabasa ng aking kwento at sa pagpaparinig sa nakararami ng aking munting tinig. Salamat din Jin sa pag-inform.
video credits: Tambalan Episode Daily
I’d love to hear from you!