Hindi ko maintindihan ang konsepto ng flat lay.
Sinubukan ko itong gawin nung nakaraan at medyo nagtagumpay naman ako sa paglalagay ng 3 in 1, skyflakes at lipstick sa tabi ng libro.
Pero ang hindi ko maintindihan, may rule ba sa paglalagay ng mga bagay-bagay sa paligid ng main object?
Halimbawa, kapag ang main object ay libro, ano ang mga background object na pwede dito? Tasa ng kape? Mga lapis at notebook? Bulaklak? Pero pwede mo ba itong lagyan ng lata ng facial cream at garapon ng hand cream sa gilid? Kung ganon, ano ang kinalaman ng facial cream sa libro?
Ang pagpili ba ng mga bagay na ilalagay sa flat lay ay tulad ng pagsama-samahin ang pare-pareho? O dapat ba parang connect the dots? O dapat bang ang mga bagay na katabi ng main object ay may kinalaman dito? O basta ba kakulay at ka hugis ay pasok na?
Para kasing nakakadistract pag may mga bagay sa gilid na walang kinalaman sa main object (kung main object ba ng tawag dito).
Ang laki ng problema ko.
I’d love to hear from you!